Kabanata XV

177 24 18
                                    

kabanata xv

all i want is the taste that your lips allow.


⚜⚜⚜


              "Tapatin mo nga ako, Thomas . . ."

Nag-angat sa akin ng tingin mula sa pagbabasa niya ng librong tungkol sa kursong Business ang kaisa-isang dayuhang kinaiinisan ko. Ang kaniyang asul na mga mata ay tila walang buhay akong tinitingnan no'n. Wala rin akong mababakas na anumang reaksyon sa kaniyang banyagang mukha.

Matapos ang klase ko ay kaagad ko siyang pinuntahan sa silid nila. Kaya naman ang mga kaklase niyang nasa loob pa kasama niya ay tahimik kaming pinapanood na akala mo'y mga artista sa isang pelikula.

Tumikhim ako para balewalain ang mga tinging ipinipukol nila sa amin. Kailangan kong pagtuunan ng pansin ang pakay ko rito.

"Tapatin saan, Tine? Tungkol sa . . . nararamdaman ko para sa 'yo? Hindi pa ba malinaw na gusto kita, hmm?" tumaas ang sulok ng kaniyang labi na siyang nagpainit ng ulo ko.

"H'wag na tayong maglokohan pa rito, Thomas. Alam mo kung ano ang tinutukoy ko."

"Pasensya na, Tine pero hindi ko alam kung ano ba ang sinasabi mo."

Pinakalma ko ang sarili sa pamamagitan ng paghinga nang malalim. Hindi ko alam kung tama ba tuloy ang desisyon kong komprontahin si Thomas ngayon, dito mismo sa Colegio, na may mga saksi.

"Pwede ba, Thomas? H'wag ka nang magmaang-maangan pa! Alam kong kayo ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng problema sa aming Hacienda! At pwede rin bang itigil mo na ang katatawag sa akin ng Tine?" nagtaas-baba ang dibdib ko matapos magsalita. Muli na naman akong pinapangunahan ng damdamin ko kaysa sa pag-iisip. Hindi ko maiwasang sumabog at mawalan ng yumi dahil kay Thomas.

"Woah! Relax, Tine. You're too hot!" ngisi niya saka ako pinasadahan ng tingin. "Nasaan naman ang pruweba mong kami nga ang may kagagawan ng ibinibintang mo? I like you so much, Tine pero hindi ko yata papalampasin na lang nang basta-basta ito."

Lumunok ako at nagtagis ang mga bagang. "H'wag mo akong paikutin dahil alam kong may kinalaman ka sa kung sinoman si Timothy Williams! Maaaring ama mo siya, tiyuhin o kung ano pa man! Kaya diretsuhin mo na ako, Thomas. Anong kailangan n'yo sa aming Hacienda?"

Tiningnan ni Thomas ang mga estudyanteng kung makinig sa amin ay parang mga usisero't usisera sa kanto. Isang pilantik lang ng dalawang daliri niya ay kaagad nang nagsialisan ang mga estudyante na animo'y mga tau-tauhan ni Thomas kung kaniyang kontrolin.

Nang kami na lang ang naiwan sa loob ng silid ay saka lamang ako binalot ng kaba't takot.

Tumayo si Thomas mula sa pagkakaupo at hinila pababa ang nagusot na pang-itaas. Ginawaran niya ako ng kakaibang ngiti. Ngiting nagsasabing kaya niyang bilhin ang katawan at kaluluwa mo.

"Alam mo, Tine—"

"A-Ang sabi ko h'wag mo na akong tawagin n'yan!"

Ngumisi siya sa akin. "O sige . . . Baka gusto mong ako ang mag-isip ng endearment para sa ating dalawa? Hmm . . . What if I'll call you my baby? Ano sa tingin mo, Tine—ay mali . . . What do you think, my baby?" Humakbang siya papalapit sa akin. Kinilabutan naman ako nang pasadahan niya ng dila ang kaniyang labi sabay kagat sa pang-ibabang labi.

Umatras ako pero pinanatili kong matigas ang aking mukha. Pilit na ipinapakitang hindi ako naapektuhan sa salita't ikinikilos niya kahit labis-labis na ang kaba't nerbiyos na nararamdaman ko.

Heart of Thirst | HEC #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon