Kabanata I

894 62 30
                                    

kabanata i

trust the magic of new beginnings.❞

⚜⚜⚜


1956


              Nakangiti at nakapikit kong dinadama ang init ng sinag ng araw na tumatama sa aking balat. Ang aking maalon na buhok ay sinasayaw ng hangin. Dinig ko ang napakalambing na huni ng mga ibon habang nilalanghap ko ang nakagagaan sa pakiramdam na hangin. Nakapikit man, pero alam ko sa aking sarili na napakaganda ng aming tinatahak ngayon.

Lulan ng SS100 ni Ama, na binili niya pa mula sa Londres, patungo kami sa aking bagong tahanan.

Ang bayan ng San Antonio.

Sabi ni Ina, rito raw ako ipinanganak ngunit ako'y lumaki at nagkaisip sa Maynila. Ito ang aming probinsya. Ito ang una naming tahanan. Ang lugar kung saan umusbong ang pagmamahalan ng aking mga magulang, at ngayong wala na si Ina . . . kailangan kong manatili rito para mabantayan ako ng aking Ama.

Narito kasi ang negosyo namin, isa o dalawang beses lamang sa isang linggo kung umuwi si Ama sa Maynila. Abala kasi siya sa pamamalakad ng aming negosyo na nakabase rito sa San Antonio. Hindi man sabihin sa akin ni Ama, pero alam kong hindi lang ako narito para bantayan niya. Labimpitong taong gulang na ako, isang taon na lang at magiging legal na kung kaya't alam kong inihahanda na niya ako para maging pamilyar sa aming negosyo. Ako lang ang nag-iisang anak nila't sa akin nila ipapamana ang lahat ng kayamanang mayroon sila.

Handa at bukal sa loob ko namang tatanggapin iyon. Dahil dito, nabigyan nila ako ng magandang buhay. Ano ba naman kung masusuklian ko ang lahat ng paghihirap at sakripisyo nila sa pamamagitan nito?

Napadilat ako nang makaamoy ako ng pamilyar. Ang matamis at masarap na amoy ng ubas! Ito ang aking pinakapaboritong prutas sunod sa pakwan. Maliit pa lang ako no'ng huli kong punta rito sa aming Hacienda kaya gano'n na lang ang mangha ko nang matanaw ko ang malawak na ubasan.

Nagugustuhan mo ba ang iyong nakikita, Bonita?"

Malawak ang ngiti ko sa aking Ama na nagmamaneho ng kaniyang sasakyan. Tumango-tango na lamang ako rito at muling ibinalik ang tingin sa tanawin.

Sinusundan ko ng tingin ang bawat magsasaka na aming nadadaanan, namimitas sila ng mga ubas. Hindi ko talaga maiwasang mamangha! Sana lang ay payagan ako mamaya ni Ama na mamitas din. Kinawayan ko ang isang dalagang aming nadaanan, bahagya itong nagulat pero tipid na ngumiti ito pabalik at kumaway din kalaunan.

Muli na naman akong napangiti. Sa tantya ko'y halos magkasing edad lamang kami. Kung ganoon, mayro'n akong makakasama rito at magiging kaibigan!

Ibinalik ko ang tingin sa harapan, ngunit gano'n na lang ako natigil sa paghinga nang matagpo ang mata namin ng isang lalaki. Bakas ang pawis nito dahil halos basa na ang kaniyang suot na damit. Natatakpan nang bahagya ang kaniyang mukha dahil sa balanggot na suot kaya hindi ko malinaw na makita ang kabuuan ng kaniyang mukha. Natigil ito sa pamimitas at nakatingin lamang sa akin, ganoon din ang ginawa ko sa kaniya. Natatakpan man ng anino ng kaniyang balanggot ay tila hinihipnotismo pa rin ako sa kaniyang mga mata. Sinundan ko siya ng tingin nang madaanan namin siya ni Ama ngunit ng makalagpas na ay hindi ko na ito nilingon. Umayos ako sa aking pagkakaupo, nakaramdam ako ng pag-init ng aking pisngi sa hindi ko malaman na dahilan.

"Ayos ka lang ba, Bonita?" tanong ni Ama at tipid akong sinulyapan.

Napatikhim ako. "Ayos lang naman po, Ama. Sadyang mainit lang po sa Hacienda," aniko at muling tumikhim.

Heart of Thirst | HEC #1Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang