Kabanata XII

216 25 10
                                    

kabanata xii

love recognizes no barriers.


⚜⚜⚜


              "Pristine . . ."

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at nagulat nang makitang galing kay Marikit iyon.

Nagtataka ko siyang pinagmasdan. Hinihintay ang kasunod niyang sasabihin. Halata ang pagkabalisa at pag-aalinlangan sa kaniyang maamong mukha. Bumaba ang aking tingin dahil naagaw ng atensyon ko ang kamay niyang nilulukot ang lumang asul na palda.

"Bakit?"

Huminga siya nang malalim bago nagsalita. "Maaari ba tayong mag-usap? Na tayong . . . dalawa lamang?"

Nilibot niya ang paningin sa paligid kaya napatingin din ako. Nakita ko ang iilang estudyanteng nakatingin sa aming gawi. Naintindihan ko ang nais niyang iparating ang kaso, ano at tungkol saan naman kaya ang pag-uusapan namin?

Marahan akong tumango at tahimik na sumunod sa kaniya. Huminto kami sa isang sulok. Sa parteng hindi masyadong nadadaanan ng mga estudyante.

Tapos na ang klase namin at balak ko na sanang pumunta sa may bulwagan para hintayin si Manong Simon, ang aking sundo. Hindi ko nakita ngayong araw si Baste kaya hindi ko maiwasang malungkot at mag-alala.

"A-Ano ang pag-uusapan natin, Marikit?" mahinahong pagsisimula ko sa usapan namin.

Ngunit nabigla ako nang magsimulang tumulo ang luha sa kaniyang mga mata. Maingat ko siyang dalinaluhan at naaligaga sapagkat hindi ko mawari kung ano ang dapat na gawin.

"M-Marikit . . . ano, teka b-bakit ka u-umiiyak?"

"Pristine . . . parang awa mo na . . ." aniya sa garalgal na boses.

Bahagya pa akong napapitlag nang hawakan niya ang manggas ng aking bestida. Pasimple kong tinatanggal ang mahigpit niyang pagkakahawak doon sapagkat unti-unti akong nahuhubaran sa kaniyang ginagawa.

"H-H'wag ka nang h-humadlang sa pagmamahalan namin. L-Layuan mo na si Baste," iyak niya.

Napakurap-kurap lang ako sa kaniyang sinabi. Umawang pa nang kaunti ang aking bibig sa narinig.

Alam kong may kakaiba sa pagtingin ni Marikit kay Baste. Sa mga kilos na ipinapakita niya sa binata. Pero hindi ko lubos akalain na sa ganitong paraan ko makukumpirma ang bagay na 'yon.

"A-Ano?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Layuan mo na s-siya. Maganda ka at mayaman. M-maraming magmamahal sa 'yo. Maraming m-magkakandarapa. Ibigay mo na sa akin si Baste. Sa akin naman talaga siya sa simula pa lang."

Pinigilan ko ang sarili na umismid sa kaniya. Hindi ko lubos maisip na ang isang magandang babae na tulad niya ay ganito mag-isip. Akala ko pa man din ay nararapat sa kaniya ang kaniyang pangalan.

Naiinis ako sa kaniya, sa totoo lang. Kung ituring niya si Baste ay parang bagay lamang. Parang laruan. Para siyang batang nakikipag-agawan.

"K-Kung hindi ka dumating . . . masaya sana kami ngayon bilang magkasintahan," suminghot siya at binitiwan na ang pagkakakapit sa aking manggas. "K-Kaya naman pinapakiusapan kita . . . layuan mo na siya. Hindi rin naman kayo bagay. Tatapak-tapakan lang ng mga taga-alta sociedad ang pagkatao ni Baste . . . pati si Mang Simon. Ayaw mo naman sigurong mangyari iyon, hindi ba? Matalino ka, Pristine kaya alam kong maiintindihan mo ito."

Heart of Thirst | HEC #1Where stories live. Discover now