Kabanata X

259 27 9
                                    

kabanata x

i can't stand seeing you with someone else.


⚜⚜⚜


              Malaki ang ngiting nakapaskil sa mukha ni Ama habang pinagmamasdan ko siyang bumaba mula sa hagdan. Nakasuot siya ng puting Americana na tinernuhan ng itim na kurbata. Kumikinang sa aking mga mata ang kaniyang buhok na nakaistilo na tila sinuklay pabalik. Mukhang may lakad na naman si Ama.

"Buenos días, mi princesa!" maligayang bati niya sa wikang Espanyol.

Sandaling nangunot ang noo sa pagbati niya sa akin ngunit tumayo rin ako mula sa hapag at lumapit kay Ama.

"Buenos días tambien, Papa," Halik ko sa kaniyang pisngi, marahan niya namang hinawakan ang dalawang braso ko para ilapit sa kaniya.

Nang ihiwalay niya ako sa kaniyang sarili matapos ang pagbati ay ginawaran niya ako ang malawak na ngiti. Alam kong sa pagbaba niya ay may kakaiba na sa kaniyang awra. Nakumpirma ko iyon nang batiin niya ako.

Miminsan lang kung ako'y batiin o kausapin ni Ama sa wikang Espanyol. Ayaw kasi ni Ina na mamulat ako sa wikang iyon gayong sa Pilipinas kami naninirahan, sapat na raw na may alam akong salitang Espanyol ayon kay Ina. Dagdag na rin na purong Pilipina si Ina kaya mas gusto niyang mas maging bisaha ako sa wikang Filipino.

Kadalasan ay nagagawa lang ni Ama na magsalita ng Espanyol dahil sa nag-uumapaw na damdamin. Huli siyang nagsalita ng purong Espanyol nang mawala si Ina. At sa tingin ko ngayon ay labis naman ang kasiyahan na kaniyang nadarama.

"Anong mayro'n po, Ama? Mukhang kayo'y nagagalak?"

Tumawa si Ama at naupo sa kabisera. Lumapit si Manang Felicidad upang ipaghain si Ama ng Tinola. Wala sa sarili akong napairap sa kawalan nang maalala si Marikit at ng kaniyang Tinola. 'Di hamak naman na mas masarap ang luto ni Manang kaysa sa kaniya!

"Masaya ako, Bonita dahil nadagdagan tayo ng kasyoso sa negosyo!" bulalas niya. "At hindi lang sila basta-basta. Malaking tao ito! Magandang opurtunidad ito para mas lalong makikilala ang La Vino Carmona sa buong bansa. Hindi ba't maganda iyong balita, Bonita?"

Ngumiti ako sa kaniya. "Tama po kayo, Ama. Magandang opurtunidad nga po iyan. Binabati ko po kayo."

Ang makita si Ama na may malawak at totoong ngiti ay siyang lubos na nagpapainit at lambot sa aking puso. Matapos ang pagkawala ni Ina, madalang ko na lamang siyang makita na ganito kasaya. At gagawin ko ang lahat para lang makita ulit ang ganitong ngiti ni Ama.


              Sabado ngayon at walang pasok. Hindi kagaya ng nakagawian tuwing ganitong araw ay nasa labas ako at tahimik na nakaupo sa aming paunten. Ayoko namang sa tuwing sasapit ang katapusan ng lingoo ay palagi akong nakakulong at nagmumukmok sa aking silid. Nais ko rin namang maarawan at madama ang lupa ng aming hacienda.

Halos manakit na ang aking batok at leeg sa kakaunat noon para hanapin si Baste. Pasado alas-nuebe na at alam kong dapat ay nasa ubasan na siya para mag-ani, ngunit hanggang ngayon ay ni anino niya ay hindi ko pa rin mahagilap.

Tumigil ang aking paghinga nang bigla kong natanaw si Baste. Naglalakad ito nang may ngiti sa labi habang binabati pabalik ang mga nadadaanang kakilala. Pala-kaibigan pala talaga siya, ano? Kahit nga sa Colegio ay maraming nakakikilala sa kaniya at bumabati . . . lalo na sa mga babae.

Heart of Thirst | HEC #1Where stories live. Discover now