Bad trip naman! Ayoko pa naman ng nagkakasakit.

"Mas mabuti pa nga, Kuya. Sabi rin ng school nurse, you should prevent from participating in any activities so you can have your rest." She paused and crossed her arm, "Iuwi mo na 'yan!"

Umirap naman ako. "Kaya ko naman tsaka," tumingin ako sa wall clock na nasa harapan ko. "Last subject na lang naman. Aattend ako."

"No." Sambit ni Matt at napatingin ako sa kan'ya nang ipatong nito ang jacket sa likod ko. "Let's go home."

"Wag ka na ngang pasaway! Hindi pa ba sapat yung sakit ng ulo mo para umuwi ka? Ang sakit kaya ng pagbagsak mo sa ground kanina!" Maddy pointed out.

Napahawak naman ako sa ulo, masakit nga.

Wala akong nagawa kundi sumunod sa dalawang magkapatid.

Nang makalabas kami sa Infirmary, medyo madilim na at marami na ring estudyante sa labas. Inaalalayan ako ni Matt samantalang si Maddy ay nasa tagiliran ko. Papalit palit ang tingin n'ya sa screen ng phone at sa'kin.

Hindi man lang itago muna ang cellphone. Sanay na sanay s'yang nagce-cellphone habang naglalakad!

Malapit na kami sa main gate and there's only one person I am looking right now but it is impossible to see him. Napakalayo ng Infimary at main gate sa building namin. Nandoon pa si Eris so I wasn't able to see him.

Gusto ko lang makita si Eris bago umuwi. Mabawasan man lang yung sakit ng ulo ko.

It's exactly 6:24 in the evening when we arrived. Hinatid pa ako ni Matt sa loob at sumipsip pa ito kay Mama.

Nahalata ni Mama na may sakit ako kaya binigyan n'ya agad ako ng pagkain, tubig at gamot. Huwag daw akong aalis sa mesa hangga't hindi kinakain at umiinom.

Hindi pa rin umaalis si Matt at binantayan ako nito hanggang sa matapos.

"Umuwi ka na." Sabi ko rito at inabot ang kan'yang jacket.

Malalim na rin kasi ang gabi, baka kung mapaano pa 'to sa daan. Kaskaserong driver pa naman!

"Sa'yo muna," Hindi n'ya kinuha ang jacket, "Galing pa 'yang New York kaya ingatan mo!" Pagmamayabang nito.

Sinimangutan ko naman s'ya at nagkunwaring ibabato 'yon sa kan'ya. "New York? Ukay-ukay kamo." I used to tease.

"Hoy, hindi ha. 'Di naman ako magpapasuot sa'yo ng gan'on!"

Tumawa naman ako, "O'sige na, umuwi ka na. Salamat sa paghatid, manong driver."

"Such a handsome manong driver." He stroke his hair and wink at me after preaching those words. "Gonna go home. Rest well. I'll chat you later to check on you."

"Doctor ba kita?" I sneer and then laugh.

"Pwede naman."

"Mag-abogado ka na lang!"

"I can do both naman. Kaya rin kitang alagaan with these two professions. Para 'yon lang."

Tinaasan ko s'ya ng kilay dahil mas'yado na atang napasukan ng hangin ang ulo n'ya.

"Ang yabang mo, umuwi ka na nga." Tumatawa kong sambit, tumawa rin naman ito.

Matalino naman talaga si Matt. Hindi ko nga alam kung bakit hindi pa n'ya pinagpatuloy yung pagiging business man n'ya sa company nila.

Inihatid ko si Matt sa labas at nagpaalam na rito. Kung anu-ano pa ang sinasabi n'ya kanina pero hindi ko na 'yon pinansin. Pumasok na ako sa loob dahil hindi ito aalis hangga't hindi ako pumapasok.

Seducing My Crush [Alluring Series #1] - Completed [TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now