I see how was Matt worrying about me. Hindi ko naman s'ya pinakinggan, like I didn't concern myself with me.

But I really appreciate him—from the very start.

I smiled a bit to cover the awkwardness. Masyadong seryoso itong usapan namin. Medyo hindi pa rin ako sanay sa kan'ya, especially when he's telling his affection towards me.

“Ayos lang naman sa'kin 'yon.” Huminga ako nang malalim, “I don't mind how complicated this gets, basta gusto ko s'ya.”

“Never change your mind?”

Umiling ako, “Yes.”

Wala naman ng nagawa si Matt.

“Basta kapag ayaw n'ya pa rin sa'yo, I'm still here,”

Hindi ako nakapagsalita kaagad. Ngumiti lang ako at mahigpit na napahawak sa bag na hawak ko.

He really mean in.

I heard his deep sigh and then he smiled back. “Bilang kaibigan mo.”

“Alam ko naman 'yon.” I teased.

Hindi pa ako tapos tumawa ay bahagya akong nagulat nang bigla s'yang lumapit sa'kin.

“Hoy, teka!” Itinulak ko 'to dahil parang hahalikan n'ya ko sa pamamaraan ng paglapit n'ya.

“Aalisin ko lang yung seat belt. You're carried away, 'di naman kita hahalikan!” He shouted while at the same time, laughing.

Sinamaan ko s'ya ng tingin. “Kaya ko naman.”

Ako na ang nag-alis ng seat belt at mabilis na lumabas. Nagawa ko pang hampasin ng bag si Matt bago tumakbo papasok ng building.

PAGKAAKYAT ko ng kwarto, nakapagbihis na rin agad ako at humiga sa kama.

Hindi na ako bumaba para kumain, iba kasi ang pakiramdam ko ngayon. Kanina pa rin akong walang panlasa sa mga kinakain ko.

Medyo nalasahan ko yung Waffer pero 'di tulad ng dati. Gonna buy that tomorrow para magkalaman yung tiyan ko.

Nagpaantok muna ako ng kaunti habang hawak ang phone ko.

I tried to visit Eris timeline at napabangon ako nang lumabas yung real account n'ya.

'Di na s'ya nakadeactivate!

Kaagad ko s'yang minessage sa messenger.

“Hi, Eris!”

Ilang sandali pa, napangiti ako nang ma-seen n'ya 'yon.

Naghintay lang ako ng message n'ya pero parang wala itong balak magreply.

“Kumain ka na ba? Eat more to be happy, ha!” Muli kong chat.

Can't control myself not to smile.

Habang hinihintay ang chat nito, brinowse ko muna ang timeline n'ya at napasimangot ako nang makitang nandon pa sa photos n'ya ang pictures nila ni Xzyhie together.

Binitawan ko naman ang phone at nagtaklob ng kumot.

Nabadtrip ako bigla.

HINDI  ko alam kung anong oras ako nakatulog kagabi. Basta natatandaan ko n'on na pagtaklob ko ng kumot, nakatulog na agad ako.

I'm really not feeling well.

Siguro'y sisipunin ako dahil nagpaulan ako nung pumunta kina Eris last week.

Chineck ko rin kaninang umaga kung nagreply si Eris pero seen zoner ang lolo mo. Di man lang nagsend ng like, accepted ko pa 'yon, pero yung seen, ibang usapan na.

Seducing My Crush [Alluring Series #1] - Completed [TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now