Pagkasabi ko n'on, umupo na ako sa upuan ko. I didn't tell her what happened outside the rest room. Hindi naman ako nasaktan, it's okay not to tell her.

Matapos ang ilang minuto, napatingin kaming lahat nang pumasok si Eris.

Pinagmasdan ko itong mabuti, his foot up to his sculpted face that is very firm in an attractive way.

I heaved a sigh when I couldn't find a trace of wounds in his body.

Mukhang nag-usap nga lang sila.

MABILIS natapos ang klase. It's already 5:18  in the afternoon at medyo overtime ang discussion sa Marketing kaya gan'ong oras na kami nakalabas.

Hinihintay kong lumabas si Eris sa loob ng lecture room ngunit napawi ang ngiti ko nang makitang parating sina Jace at Ivann.

Sakto namang labas ni Eris ay na'ndon na sa tapat ang mga kaibigan.

Jace and Ivann, tapped his shoulder bago akbayan. Inalis naman 'yon ni Eris at naglakad na sila paalis.

“Sa'n nanaman kaya sila pupunta?” I mouthed.

Inakbayan naman ako ni Maddy at hinila paalis.

“Boys are boys, no need to question. Umalis na tayo.” She acknowledge.

Nang makarating kami sa kotse ni Matt, nadatnan namin itong naglalaro at panay ang pindot sa iPhone.

“Hey, tara na. Mobile Leagues ka r'yan nang mobile leagues—”

“Mobile Legends!”

Nagulat si Maddy nang sabay kaming sumigaw ni Matt para itama yung sinabi n'ya.

She exaggeratedly hold her chest and slightly open her mouth like she's actually surprised.

Mobile Leagues amp!

“Oh kalma mga pare! Edi mobile legends, malay ko ba r'yan sa larong 'yan! Let's go na kasi!” Iritang pumasok si Maddy sa back seat ng sasakyan.

Tumawa naman kami ni Matt at sunod na ring pumasok.

Nakasanayan ko nang dito sumakay sa unahan, katabi n'ya. Hindi naman nagrereklamo si Maddy, pabor pa nga rito na solo n'ya ang back seat dahil nakakatulog siya ng ayos lalo na kapag naabutan kami ng traffic sa highway.

Lampas isang oras nang maihatid ako ni Matt sa bahay.

Naibaba na namin si Maddy sa condo nila kanina. Lagi namang gan'on ang set up.

“Salamat, manong driver. Sa uulitin!” Biro ko kay Matt at akmang pipihitin na ang pinto ngunit pinigilan n'ya ko.

I felt his touched on my arm.

Inalis naman n'ya agad 'yon.

“Oh, bakit? Anong problema mo?” Medyo natatawang tanong ko sa kan'ya nang makita kong seryoso ang mukha nito.

It takes few minutes before he could speak.

“Do you still want him?” I slightly surprised with his question pero mabilis din naman akong sumagot.

“Wala namang nagbago,”

“Why? Di ka pa rin natatauhan?”

“Malapit na sana kaso wala, e. Ako na yata yung babaeng marupok na, tanga pa.” Tumawa ako nang bahagya.

He didn't seem happy on my fake-laugh reaction.

“Just want to remind you, Dem. Know the difference between what you're getting and what you deserve,” he paused. I took a gulped. “Ayoko lang na nakikitang sinasaktan ka n'ya.”

Seducing My Crush [Alluring Series #1] - Completed [TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now