Chapter 5

67 16 3
                                    

Sa kadiliman ng gabi, sa lugar kung saan malayo sa kabahayan, sa isang napakatahimik na lugar ay tanging ang saklolo ng isang dalaga ang naririnig.

"Tuloonnnngggg!!!!" buong lakas na sigaw ng dalagita habang buong lakas din ang ibinibigay sa bawat mabilis na hakbang ng kanyang mga sugatang paa dala ng ilang ulit na pagkadapa dahil sa sobrang takot na maabutan siya ng sinumang humahabol sa kanya.

Gusto man niyang tumigil sa pagtakbo ay kailangan niyang magpatuloy kung gusto pa niyang mabuhay. Nanghihina na siya dahil sa labis na pagod at pighati.

"You can run but yoy can't escape your death."

Dumoble ang takot na nararamdaman niya. Dahil sa panghihina at panginginig ng kaniyang mga tuhod ay muli siyang nadapa.

Pinilit niyang muling tumayo ngunit hindi na talaga niya kayang bumangon pa kaya pagapang na lamang ang kanyang ginawa para makalayo. Samantala, malapit na siyang abutan ng humahabol sa kanya. Nakakalungkot. Wala naman siyang kasalanan.

Ilang hakbang na lamang at maaabutan na siya.

Suot-suot ang guwantes ay sinimulan nang tanggalin ng lalaki ang talutot ng rosas na hawak nito habang ipit-ipit nito ang martilyo at sako.

"Woman, since you look like my wife, I'll give you a chance to live. This rose is red, your blood is red. If the rose petals say you love me then I'll spare you."

" Baliw nga siya!" sigaw ng isip ng dalaga.

"You love me" nahulog na ang isang talutot ng pulang rosas sa buhangin.

"You love me not" dalawa na ang nasa buhangin.

Kahit na gaano kabilis ang ginagawa ng dalaga sa paggapang ay malabong makatakas siya. Dahan-dahan naman ang paghakbang ng lalaki ngunit malabo talaga.

Ilang talutot na lamang ang natitira at limang hakbang na lamang ay mamamaalam na ang dalaga.

"You love me not" apat na talutot na lamang at apat na hakbang na din lang ang namamagitan sa kanila.

"You love me." tatlong talutot at tatlong hakbang

"You love me not." dalawa na lang

Sa kaalamang wala na siyang takas pa ay pinilit ng dalagang bumaliktad at harapin ang kinatatakutan niya. Kung ito na talaga ang kamatayan niya'y kailangan niyang magmakaawa baka kaawaan siya.

"Pa...paki..usap...parang awa niyo na po" nagtuluan na ang kanyang luha. May iluluha pa pala siya. Ngunit tila sarado na ang tenga ng lalaki dahil hindi siya nito kinibo at nagpatuloy sa ginagawa.

"You love me" parang lalabas na ang puso ng dalaga dahil sa malakas na pagtibok nito sapagkat isang talutot na lamang at nasa harap an d]n siya nito. Hindi masyadong maaninag ang mukha niya dahil sa dilim ngunit kilalang-kilala niya ang kanyang boses kaya madali niyang nakilala ito. Isa din kasi siya sa mga tagahanga nito't ng kanyang asawa.

Isang talutot na lamang. Ang nakakalungkot pa dun ay kamatayan ang kahulugan nito.

"Ba..bakit niyo ba ito ginagawa?" Paos na ang boses niya. Kung ito na talaga ang kamatayan niya, might as well know his reason.

"You love me not." tinanggal ng lalaki ang huling talutot bago siya singot.

"Simple. I just want to. You know, this is my happiness. Eversince my love attempted to leave me and after I stopped her from doing so, this became my happiness."

Kung ganun ay hindi pala aksidente ang nangyari? Ito ang tanong na nabuo sa isipan ng dalaga. Hindi nito akalaing magagawa ng lalaki sa harapan niyang manakit at pumatay, ang lalaking hinahangaan niya, lalo na sa taong mahal nito.

Well, love can sometimes be dangerous.

"Bakit ako?" oo nga, bakit nga ba siya? Pinipilit niyang maging matapang.

"You're just unlucky that you're the first person I saw this night and you look like my wife, you reminded me of her" saka na nito binitawan ang tangkay ng rosas.

"Anong... Ackk..." Sasalungatin na sana niya ang pahayag ng lalaki ngunit hindi niya nagawa dahil sinakal na siya nito.

"I told you, you can run but you can't escape your death."

Nang mawalan na ng malay ang dalaga ay paulit-ulit siyang pinukpok ng martilyo sa ulo hanggang sa nadurog ito.

"Sleep lay you down. Put you slowly in this sack and I will say goodbye." pagkanta nito habang sinisilid sa loob ng sako ay kawawang katawan ng dalaga.

Matapos gawin ang karumal-dumal na krimen ay iniwan na lamang niya ito't pinuntahan ang natutulog niyang asawa.

Tinanggal niya ang kanyang guwantes at hinaplos-haplos ang magandang mukha ng asawa.

"My sweet Shahani, you know what?I met someone again and she looks like you, there are many ladies out there who look like you, why is it? Anyways, she is also unlucky unlike you, my rose petals said she doesn't love me. I got angry since the rose petals said you love me but now it says not? So I killed her.

"I'm sorry my Shahani, please wake up already. I badly miss you."

Hinalikan niya ito sa labi saka pinalitan ang pulang rosas na hawak-hawak ni Shahani.

A/N: yeyy sa wakas nakaUD na din hehe

Krisanta Samira in 2030Where stories live. Discover now