Chapter 29

9 2 0
                                    

Ang SEL MH na pinuntahan nina Saffira ay located sa Conrad Mansion sa malawak na basement nito. Ang mga kasambahay, butler, gardener at iba pa na nagtratrabaho sa mansion ay mga agent din na nagpapanggap lamang para masigurong walang makakaalam sa SEL MH. Sila ang tinatawag nilang 'Facade Agents'.

'I feel bad for them.' Iyon ang tanging nasabi ni Krisanta sa kanyang isip nang ibaba niya ang cellphone matapos kausapin ang parents ni Saffira.

“Kaninong mansion ito?” Manghang tanong ni Saffira kay Reevo habang iginagala ang kanyang tingin sa malawak na kusina kung saan sila naroon ngayon.

“Ou---I mean Conrad Family Mansion. Take a rest for 3 minutes then we'll go to MH.”

“Your familyʼs? Ang yaman niyo pala. Two minutes? Nakakapagpahinga ka ba ng two minutes lang?”

“Frankly, you do not have time to rest. Your lifeʼs messed up and you're now in danger. So don't complain.”

“But I know you'll protect me.” Hindi alam ni Saffira kung bakit yun ang sinagot niya. Maski siya ay nagulat sa sarili.

Hindi sumagot si Reevo pero halata rin ang pagkagulat sa mga mata nito habang nakatingin kay Saffira.

“I mean, since you are hiding me. Nadamay ka na rin. You are already protecting me.” Palusot ni Saffira habang kinakamot ang kanyang ulo.

“Let's go.” Sabi ni Reevo nang iiwas niya ang tingin niya kay Saffira.

'Damn! She's so cute.' Agad na winaglit ni Reevo ang imahe ni Saffira na kinakamot ang kanyang ulo at nagpapaliwanag na para bang batang nahuling palihum na kumakain ng asukal.

Tatlong minuto na agad 'yun?' Wala nang nagawa si Saffira kundi sundan si Reevo.

'Hindi nga ako nakapagpahinga, napagod pa ang utak ko sa pag-iimbento ng palusot.' Reklamo ni Saffira sa kanyang isipan.

Labis na pagtataka ang nasa isipan ni Saffira ngayon dahil patungo si Reevo sa isang kuwarto pero tahimik lamang niya itong sinundan. Hindi niya malaman ang dahilan kung bakit kampante siya kapag nasa tabi niya si Reevo. May tiwala siya dito. Alam niyang wala siyang gagawing masama sa kanya.

Dahil sa kuryusidad, magtatanong sana si Saffira pero pinili niyang manahimik na lang.

Pumasok sila sa isang kuwarto at agad na dumiretso sa kama.

Sa labas naman ng mansion ay nandoon sina Keith, Jay, Will at Dave na pinipilit ang guard sa harap ng napakalaki at napakahabang gate na papasukin sila.

“T*nginang mga guard.” Hindi napigilang sabi ni Jay.

“So this is an elite's life. It sucks.” - Keith

“Let me talk to them.” Sabi ni Will kay Dave na abalang kinukumbinsi ang mga guard na kasama sila ni Reevo sa trabaho.

Pagkakita kay Will ay nagulat ang mga guard. Sinenyasan sila ni Will na huwag magsalita saka may ibinulong sa kanila. Pagkatapos ay gumilid sila at may pinindot sa gilid na bahagi ng gate saka ito kusang bumukas.

“Ang galing! ” - Jay

“Anong sinabi mo sa kanila Will at pinapasok tayo.” - Keith

“I just told them that not allowing us to enter won't make them handsome.” - Will

“Nice one!” Sabi ni Jay na tumatawa pa.

Dave looked at him with disbelief that Jay believe what Will said.

“Seriously?” - Keith

“No. I told them that I will tell Kap to fire them if they insist on not letting us enter.” - Will

“Ayy.” Napahiya at tumigil sa pagtawa si Jay. Tumuwid ito ng tayo at umaktong seryoso.

Malawak na ground na puno ng Bermuda grass ang bumungad sa kanilang paningin.  Sa gitna ay may higanteng fountain.

Nang makita si Will ay hinayaan sila ng mga nasa labas na Facade Agents. Pati ang mga agent na nagbabantay sa main door ay tinanong lamang kung ano ang kailangan nila saka sila agad na pinapasok nang tumango si Will.

Hindi maitago ang pagkamangha sa mga mata nina Jay, Keith at Dave.

“Sino po sil---?” Tanong ng isang maid Facade agent pero agad na napatigil nang mamukhaan si Will.

“Nandito po kami para  sa team leader naming si Reevo. Kasama niya kami sa trabaho.” - Keith

Sinenyasan ni Will ang agent na huwag sabihin.

“Hindi po nauwi si young master kahapon pa.” Sabi ng agent.

“Where's Jay?” - Dave

Sa sobrang pagkamangha ay hindi namalayan ni Jay na nakalayo na pala siya sa mga kasama. Umabot siya sa pinagilid na kuwarto sa first floor. Bubuksan na sana niya ito nang may humawak sa balikat niya.

“You're invading someone's privacy. Kap is not here. Let's go back before team two get to notice our disappearance.”  Wala nang nagawa si Jay kundi sundin si Will.

“Let's go.” Sabi ni Will sa mga kasama.

Habang naghihintay ng masasakyan ay hindi napigilan ni Jay ang magtanong.

“Reevoʼs family helpers and guards creeps me out. Wala ba kayong naramdaman? Parang isang maling galaw mo lang, tigok ka na. I feel like they are not ordinary.” - Jay

“And you're not ordinary. Stop talking nonsense. You're creeping me out.” - Keith

“Like young master like helpers.” - Dave

Will just laughed at Jay but deep inside he's thinking that Jay can sometimes be a keen observer. He can't believe that he speculated what Keith and Dave can not even question.

Ang binulong ni Will sa mga guard kanina ay 'Just let them check that Dusk is not there or they will keep coming here.'

Will is also a SEL Agent, an undercover one. Mr. Conrad gave him  a mission to stay beside Reevo and protect him and also report Reevoʼs actions. He is an undercovered agent so even Reevo, Finn and Blast does not know him. Profiles of the undercover agents of SEL are confidential and can only be accessed by the league's founder and co-founders. The reason why the guards and the helpers reacted that way upon seeing him is because they thought he is a Facade agent too for he is wearing a ring that is only worn by SEL agents and also Will sometimes play as a Facade agent whenever he is bored but Reevo never saw him. Will wore the ring as they reached Conrad Family Mansion. His codename is Cal, short for Caliginous which means dark.

“Stop moving, will you?” Iritang awat ni Dave kay Jay. Pinagkasya kasi nila ang kanilang sarili sa isang taxi kaya siksikan.

“Bakit ba?” - Dave

“That f*cking mascot!” Irita namang sabi ni Will na nakaupo sa kanang tabi ni Jay na siyang nakagitna naman.

“Sorry na. Sayang naman kung itatapon. Ang mahal kaya ng bili ko dito.” Parang naging maamong tuta si Jay nang sagutin niya si Will kumpara sa paraan ng pagsagot niya kay Dave.

“Stop moving or else I swear that I'll burn that useless thing!” - Will

“Anong useless? Nagamit namin ito para lumabas at gagamitin din para pumasok muli. This thing barely saved us. Bakit kasi hindi ka naiwan muna, Dave?” Pagtatanggol ni Jay saka sinamaan ng tingin si Dave.

....

Krisanta Samira in 2030Where stories live. Discover now