Chapter 3

80 20 0
                                    

(Dedicatedto PsychoNami thanks for the cover ❤❤❤)

***
It only took us 20 minutes to Malaya Province since it's just near our department. As we arrived to the crime scene which is located at a secluded place, at a forest. Ang kagubatan ng kadalasang pinag-gagawan ng krimen lalo na ang pagpatay at paggahasa sapagkat maliit lamang ang tiyansang may makakita sa kanila kaya kahit na gaano kalakas ang pagsigaw ng tulong ng biktima ay walang makakarinig sa kanya.

Sa dinaanan namin papunta sa crime scene ay napansin namin ang mga nagkalat na talutot ng pulang rosas. Nagsimula ito sa medyo malapit sa crime scene at nawala na din ito sa pinaggawan ng krimen. Bakit kaya? Did the criminal did this? Gamit ang guwantes ay pinulot namin ang mga ito at inilagay sa maliit na plastic bag.

Before we enter the crime scene, some police officers stopped us.

"Hindi po kayo puwedeng pumasok."
Inilabas ko ang identification card at saka iniharap ito sa kanya.

"We are detectives, we are from the  Intense Crime Team 1 of Manila Metropolitan Police Force and we are in-charge of this case." nang mabasa nito ang ID ay agad siyang gumilid para padaanin kami.

"Is the crime scene untouched?" tanong ko sa mga nagbabantay.

"Yes sir! Mahigpit po ang pagbabantay namin kaya walang nakakapasok at walang nakakagalaw sa areang ito."

Makikita ang guhit ng posisyon ng biktima. Agad hinanap ng aking mata ang talutot ng rosas ngunit wala akong nakita. Muli kong tiningnan ang litratong hawak ko at napansin kong malapit lamang ito sa katawan ng biktima, muli kong iginala ang aking paningin para hanapin ito ngunit wala talaga.

Gamit ang guwantes ay inalis ko ang mga dahong tumatakip sa lupa at tama nga ang hinala ko natatakpan ito ng mga dahon. Kinuha ko ito at inilagay sa isang maliit na plastic bag, hiwalay ito sa mga napulot naming talutot kanina sa daan saka ako bumaling sa police officer na pumigil sa amin kanina.

"Sino ang unang nakakita ng bangkay?" tanong ko dito.

"Resident siya dito isang medyo katandaang lalaki."

"Anong pangalan niya at saan ang bahay niya?"

"Si Mr. Berto Pawed, diretsuhin niyo lang ang kalsada at may makikita kayong mga bahay, ang probinsya ng Malaya. Dun na lamang kayo magtanong-tanong, pangalan lang niya ang alam ko."

"Sige, salamat."

Sinunod namin ang direksyong sinabi ng officer. Pag abot namin sa bahayan ay nagtanung-tanong kami at tinuro naman sa amin ang bahay ni Mang Berto. Maliit lamang na kubo ito at ayon sa mga napagtanungan namin ay siya lang at kanyang asawa ang nakatira dito.

"Tao po!" sigaw ni David

"Tao po!" tawag ko habang kinakatok ang maliit nilang pinto.

Makalipas ang ilang segundo ay binuksan ito ng isang may katandaang lalaki.

"Magandang araw po! Kayo po ba si Mang Berto?" magalang na tanong ko sa kalalabas lamang.

"Oo ako nga, sino kayo at maitutulong ko sa inyo?"

"Ah, kami po ang mga detectives na incharge sa kasong pagpatay sa babaeng wala pang pagkakakilanlan at nais po namin kayong kapanayam tungkol dito base kasi sa nakalap naming impormasyon ay kayo daw po ang unang nakakita sa bangkay."

"Oo ako nga yun, sige sasagutin ko ang mga katanungan niyo. Pumasok muna kayo't mainit diyan sa labas." yaya nito sa amin.

Pumasok naman kami at naghain ng kamote ang asawa ni Mang Berto, kinakain namin ito habang nagtatanong.

Krisanta Samira in 2030Where stories live. Discover now