Chapter 12

33 3 0
                                    

Run

Bago umuwi ng gabing 'yon nagpaalam kami sa mga Deverell. Kinamusta nila si Papa Samuel kaya hindi rin kami kaagad nakauwi.

After that night I felt everything changed. Ngunit hindi ko alam kung ano ang nagbago. Also, I kept replaying the talk I had with Eros.

I felt happy with no reason to justify it. Kung mayroon man hindi ko maisatinig.

Nagulat ako na sa paglipas ng mga araw kaswal ko nang nakakausap si Eros. I'd like to think that after that night we became closer to each other. Hindi naman ganoon ka-close but enough to strike a conversation casually with him. Ngunit naroon pa rin ang kaba at marahas na pagtibok ng puso kapag malapit siya.

Totoo nga sinasabi nila... Na kapag masaya ka mabilis tumatakbo ang oras. Kaya hindi ako makapaniwala na tatlong taon na ang lumipas.

At sa loob ng tatlong taon, I learned to socialize. I learned to party and make friends. Natuto rin akong sumali sa mga organization at programs sa eskwelahan. Masasabi kong hindi na ako awkward pagdating sa pakikisalamuha sa tao and actually gained confidence.

And I would thank Eros for it. He taught me to socialize and blend in with people.

Nagsimula 'yon noong grade eight ako at grade twelve naman siya. Naging madalas ako sa mansion ng mga Nuevas dahil lagi akong nagrereklamo na nababagot sa bahay. Narinig 'yon ni Tito Emmanuel at siya na mismo ang nag-iimbita sa akin sa bahay nila dahil madalas bumisita at magdala ng mga kaibigan si Easton.

"Don't like crowds?"

Nagulat ako sa kanya at nag buntonghininga. Akala ko wala siya rito. Dahil noong nakaraang bakasyon wala siya at sabi'y nasa abroad daw.

Kanina pa ako rito sa loob at hindi makalabas sa may pool kung nasaan sina Easton at mga kaibigan niya. Ang ilan doon ay kilala ko dahil sa birthday ni Yireynah noon. Ngunit marami roon ang hindi ko kilala.

Tumango ako. "Yeah. Medyo nahihiya kasi ako,"

Mangha pa rin ako na narito siya.

His hair is damp and I can smell his manly fragrance. He's wearing a black shirt and a khaki cargo shorts.

Sinuklay niya ang buhok gamit ang kanyang mga daliri bago nagsalita. Napansin ko tuloy na medyo umikli ang buhok niya.

"It's essential for you to socialize. Lalo na't ikaw lang ang tagapagmana ni Tito Rafael sa kompanya," Nagtaas siya ng kilay. "Socializing helps us to network professionally. Kaya simulan mong sanayin ang sarili mo sa pakikisalamuha. Simulan mo sa pakikipag-usap sa mga kaibigan ni Easton," Pagpapatuloy niya.

Marami pa siyang sinabi at dahil doon nakaipon ako ng confidence. At nagtuloy-tuloy sa paglipas ng taon. Iyon rin ata ang huling naming pag-uusap sa personal. Naging abala siya dahil huling taon na sa senior high. At katulad ni Pierce ay sa abroad nagkolehiyo. Umuuwi naman siya pag bakasyon ngunit mga ilang araw o linggo lang ang itinatagal dito sa Pilipinas. 

Sinabihan na rin siya ni Tito Emmanuel na huwag na umuwi at sila na lang ni Easton ang bibisita sa kanya roon. Ngunit hindi siya pumayag.

"Pa, it's alright. Isa pa, mas malaki ang gastos kung kayo pa ang bibisita sa akin doon," Paliwanag niya at ibinaba ang cutlery at uminom ng tubig.

It was one of the nights na inaabot ako ng hapunan sa kanila and my parents weren't home yet. Saktong uwi niya iyon na narito sa ako mansion nila.

"Also.. I like coming home," His eyes met mine subtly at binalik ang tingin sa ama.

Tito Emmanuel sighed in defeat.

Natapos ang hapunan at hinatid nila ako sa bulwagan. Tito Emmanuel answered a call and excused himself. He also told Easton to come with him kaya naiwan kaming dalawa ni Eros na naghihintay sa sundo ko.

Agent 018AWhere stories live. Discover now