PROLOGUE

472 26 5
                                    


Hindi ko alam kung paano niya ako nakumbinsi na sumakay sa sasakyan niya.

Hindi ko inaaalintana ang sugat ko sa kanang balikat. Ramdam ko ang dugo na marahang umaagos at tumitigil sa pagdaloy pagdating sa aking kamao.

He's driving and clenching his jaw. Matalim ang tingin sa daan.

"Stop the car," Napapaos kong sabi. I looked at him to see some reaction ngunit para siyang walang narinig.

Umuulan pero determinado akong makawala.

"I said stop the car!" Mariin at medyo pasigaw kong sabi.

Imbis na itigil, he drove faster.

"Eros Miguel, stop the fucking car!" sigaw ko.

Muntik na ako tumama sa dash board nang marahas siyang nag break at itinigil ang sasakyan.
I glared at him and tried to open the door but it was locked.

"Open it," I looked at him. His hands are still on the steering wheel, nakatungo siya na para bang may iniisip.

"Open it or I'll smash the glass to get out of here!"

I desperately want to leave and escape.

He inhaled sharply and shook his head before he turned to me.

"What's our problem?" napapaos niyang sambit.

Hindi ko kayang pag-usapan ang bagay na kanina pang bumabagabag sa akin. Mas gugustuhin ko na lang umalis kaysa pag-usapan. Aalis ako kahit walang direksyon, kahit walang patutunguhan basta wala siya sa lugar na iyon. Basta hindi ko siya makikita. I can't be with someone who killed my father.

"Open the damn door, please?" Nanghihina kong sambit. Naramdaman ko ang pag-init ng aking mga mata sa nagbabadyang luha.

Narinig kong tumunog ang sasakyan hudyat na bukas na ito. Agad akong bumaba at kasabay ng pagpatak ng ulan ay ang pagpatak ng luhang kanina ko pa pinipigilan.

Diretso ang lakad ko, tanging ang mga nakahilerang lamppost ang tanglaw sa madilim na daan.

Narinig kong lumabas din siya kaya binilisan ko ang lakad.

"Lex, come on, it's raining so hard," He stated the obvious.

Marahan niyang hinila ang aking kamay nang maabutan ako at iniharap ako sa kanya. Kahit na may lakas pa akong natitira upang mag protesta piniling magpatianod ng katawan ko. 

Gaga ka talaga Alexandra!

Hindi ako makatingin sa kanya.
I'm afraid that once I look at those blue-gray eyes of his, I'll get so lost, again.

"Get back in the car, baby. Please." May pagsusumamo ang kanyang boses.

Pareho kaming basang basa na sa tubig ulan. I pushed him away when he tried to get a hold of me.

Nag lakas loob akong tuluyang harapin siya. Sa isang kisapmata nakawala ang galit na kanina ko pang inaalagaan, lumapat ang aking palad sa kanyang pisngi. Dinama ko ang sakit sa aking palad.

Halatang nagulat siya sa aking ginawa. He was in the middle of saying something when I started punching his chest.

"How dare you! You liar!" I spat angrily while I continue to throw punches on his chest.

"You killed my father! How could you! You are killer! You are a murderer! " I shouted at him and cried so hard.

"What are you talking about, Alex?" Sinasalag at pinipigilan niya ang mga kamay ko sa pagsuntok sa dibdib niya.

Agent 018AOnde histórias criam vida. Descubra agora