Napapangiti pa ako kapag lumalapit s'ya rito para habulin at sipain yung bola.

Sana ako na lang yung bola para hinahabol n'ya rin ako.

Sandali naman akong napatingin kay Matt nang narinig ko ang pagkagat nito sa isang pamilyar na pagkain.

Nakangisi ito at nagawa pang pumikit habang nilalasap 'yung paborito kong wafer na kinakain n'ya.

“Hoy, penge!” Akmang kukunin ko 'yon sa kan'ya ngunit inilayo n'ya sa'kin ang kamay.

Kanina ko pa kasi hinahanap 'yon sa Cafeteria pero wala akong makita.

Hindi buo ang araw ko kapag hindi ako nakakakain ng gan'on kapag may pasok.

Tapos bwisit pa itong si Matt. Napakadamot. Wala pa atang balak mamigay!

“Ayoko nga.” Sambit nito at lumayo sa'kin ng bahagya.

Inis ko naman s'yang nilapitan.

“Pahingi na kasi! Ang dami-dami mong binili o.” Turo ko sa hawak n'yang dalawang balot ng Waffer.

“No. Ang rude rude mo sa'kin kanina tapos ngayon, para kang tutang nagmamakaawa sa'kin. Maglaway ka muna.” Tumawa ito at babatuhin ko sana s'ya ng lalagyan ng pringles ngunit mabilis s'yang tumayo.

Tumayo rin naman ako at hinabol ito. Buti at naka-pants at rubber ako dahil P.E namin mamaya.

“Isa lang!” Pakikipagtalo ko kay Matt habang inaabot sa kan'ya yung Waffer.

Nasa gilid kami ngayon ng field at nagkukulitan. Wala namang estudyante bukod sa team nina Eris kaya okay lang na magtatakbo kami rito ni Matt.

Malawak ang field, no!

Ilang minuto ko nang inaabot kay Matt yung Waffer pero ayaw pa rin n'ya akong bigyan.

Natrigger ako dahil iisang balot na lang 'yon kaya naman inapakan ko na ang paa n'ya.

Napayuko naman si Matt dahil sa sakit kaya tuluyan kong naabot 'yung Waffer.

Bwisit na 'to, pinagpawisan tuloy ako kakahabol sa kan'ya.

“Oh ano, edi talo ka!” Tumatawa kong saad habang dinidilaan s'ya.

Atras ako nang atras dahil baka kuhanin n'ya pabalik sa'kin yung Waffer at makain n'ya pa ito ng tuluyan.

Tinawanan naman ako ni Matt.

Epal na 'to.

“Ano ha—”

“Dem!” Rinig kong sigaw ni Maddy.

Nagulat naman ako nang biglang tumakbo si Matt papalapit sa'kin at higitin palapit sa kan'ya.

Napahawak ako sa kaliwang braso nito at nabitawan ang pagkain dahil sa bilis ng pangyayari.

“Watch out, bro!” Sigaw ni Matt.

Kaagad naman akong kumawala sa pagkakahawak n'ya sa'kin at tinignan kung sino ang sinigawan nito.

Nakita ko si Eris na masama ang tingin kay Matt habang hinahabol ang hininga dahil sa pagtakbo, mukhang pagod na rin ito dahil tumutulo na sa maputi nitong leeg ang butil-butil na pawis.

Sandali n'ya kong sinulyapan pagkatapos ay sinipa ang bola at tumalikod na.

Lumapit naman sa'kin si Matt at hinila ako pabalik kay Maddy.

“Tanga, muntik ka ng madali ni Eris!” Sigaw sa'kin ni Maddy nang makalapit kami sa kan'ya.

Inirapan ko s'ya at inabot ang tubig sa bermuda.

Seducing My Crush [Alluring Series #1] - Completed [TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now