Kelan n'ya kaya maiisipang pumasok?

Mag-iisang linggo na s'yang wala.

Baka ma-drop na s'ya sa subjects n'ya. Lagot s'ya kay Mama n'ya.

“Hindi mo na naman ginagalaw 'yang pagkain mo!”

Napatingin ako kay Maddy nang magsalita ito.

“Ginagalaw ko kaya.” Sambit ko at tinusok tusok ng tinidor ang beef broccoli sa plato.

“Sus,” inirapan n'ya ko. “Ubusin mo na 'yan tapos samahan mo ko sa library.”

Pagkatapos naming kuhanin ang librong kinuha n'ya sa library, pumunta agad kami sa lecture room dahil ilang minuto na kaming late.

Mahaba kasi ang pila sa library kaya natagalan kami.

Nang makapasok sa loob, nandoon na ang terror prof namin.

Hindi naman n'ya kami napansin na pumasok dahil nakatalikod ito't nagsusulat sa white board.

MABILIS natapos ang klase ng terror prof namin.

Pansin na agad ni Maddy na parang may binabalak nanaman ako kaya hindi na ito nagtanong kung saan ako pupunta.

She knew where I was going.

Hindi ko na alam kung ilang beses na akong nakapunta kina Eris ngayong linggo.

Siguro patatlong araw na ito.

Tomorrow is Saturday and I keep my fingers crossed he's there.

Nang makababa ako sa tapat ng condo nina Eris, hindi na ako nagdalawang-isip na magdoorbell dito.

Nakailang doorbell na ako ngunit hindi pa rin ito bumubukas.

Wala ba s'ya rito o sinasadya n'yang hindi buksan ng pinto?

I hope, Tita is there to open the door for me.

Hence, no one still opening the door so maybe they're not here.

Bumuntong-hininga ako at bumalik na lamang sa bahay.

Saan kaya sila nagpunta? Hindi naman pwedeng magtake agad ng flights si Eris papunta sa California—hindi rin 'yon matutuloy kaya malabong yon ang rason kung bakit wala sila.

Pasado alas otso nang makarating ako sa bahay.

Kakatapos ko lang i-text si Ivann para hanapin sa kan'ya si Eris at matapos ang ilang minuto'y nagreply ito.

Kasama ko, nasa Playmates kami.”

I bit my lower lip, looking at the ceiling. He's drinking again.

Binalik ko ang atensyon sa telepono.

“Ayos lang ba s'ya?”

Ibinaba ko ang cellphone at umayos ng higa.

Nang narinig na magvibrate, kaagad ko yong kinuha.

Bahagya pa akong nagulat dahil nagsend ito ng litrato.

He's wasted but don't worry, may panglakad pa 'to. Haha.”

Tinignan ko ang dalawang litrato n'yang sinend.

'Yong una ay mga bote ng alak. Lampas sa lima ang mga nakataob na liquor bottle samantalang may tatlo pang nakatayo.

Sunod kong tinignan yung isa. It was Eris.

Nakapatong ang ulo n'ya sa lamesa habang inuunan nito ang kanang braso.

The picture was color red because of the bar lights.

Seducing My Crush [Alluring Series #1] - Completed [TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now