Maganda naman ang first try namin. Kailangan lang namin ng konti pang insayo para hindi kami matense sa finals.

As usual, ako na naman magisa umuwi sa unit ko. Hindi na kami gaano naguusap ni V. Pinagbawalan siguro 'yon ni Lucy makipagkita sa akin. Lol

Since, boring ngayon sa unit ko. Ano kaya kung pupunta ako sa unit ni Kookie.

*****
Jungkook's POV

I processed my papers at Leesung Acad. online. Ngayon, I'll be waiting for their response any day soon.

Naputol lang yung thoughts ko nang may kumatok. Tinignan ko sa digital peephole kung sino. Si Gaille... Kaya binuksan ko agad.

"Hi Kookie!" Bati niya sa akin. Hindi ko talaga matanggap na may V na siya.

"Jungkook, may balak ka bang papasokin ako?" Tanong niya sa akin.

"Pasok ka."

Pinapasok ko siya at pinaupo sa sofa.

"Bakit ka nga pala pumunta dito?"

"Gusto ko lang puntahan ang gwapo klong bestfriend."

"Nagpaalam ka ba kay V?" Tanong ko sa kanya.

"Sus, hindi na kailangan."

"May boyfriend ka na, hindi mo ko hinintay." Sabi ko sa kanya. Napatawa naman siya. Hindi nga nagbago ang babaeng ito.

"Jungkook naman. Hahahaha!"

"Bakit Jungkook na tawag mo sa akin, hindi na Kookie?"

"Oh sige Kookie! Parang gusto ko nang sabihin sayo ang totoo."

"Ano naman 'yan?"

"Promise! Hindi mo sasabihin sa iba?"

"Of course." I assured her.

"Secret lang natin ha. Nagpapanggap lang kasi kami ni V. Hahaha may girlfriend na 'yon."

Nagulat ako sa sinabi niya. Mapagbiro pa naman 'to. Baka nagbibiro lang sya.

"Real talk? No kidding?"

"Real talk! It may be sounds not real but totoo. Walang kami ni V noh. Hinintay kita." Sabi niya sa akin.

Crap! Nabuhayan yata ako. Nayakap ko siya sa saya. I missed this girl so much. I've been waiting for her all the time.

"Bakit kayo nagpapanggap?" Tanong ko sa kanya.

"Nagkaroon kasi ako ng atraso sa kanya. For him to get Lucy, his girlfriend back, magpapanggap daw kami. It was successful."

"Bakit niya pa binalikan ang girlfriend niya?"  Tanong ko habang magkayakap pa rin kami.

"Dahil mahal na mahal niya 'yon. He can't take it to be without her." Sagot niya.

"Hoy! Don't tell him that I told you about this ah."

"Syempre noh. Yakapin mo naman ako pabalik." Niyakap niya naman ako pabalik. Nagmovie marathon lang kami buong hapon. I loved it that she's already here my my side. I want to kiss her so badly.

*****
GAILLE's POV

Lumabas na ako sa unit ni Jungkook. Sakto naman na paglabas ko, lumabas din sa elevator si V.

"Hi!" Bati ko sa kanya pero tinignan niya lang ako. Diritso lang siya naglakad patungo sa unit niya. I know na pala pinagbawalan siya ni Lucy.

"Alam ko na. Hindi ka namamansin kasi binawalan ka ni Lucy." Natatawang sabi ko sa kanya. Naglakad na ako papunta sa unit ko. Nakita ko siyang nakatayo pa rin sa harap ng pinto niya. Papasok na sana ako nang...

"Gaille, thank you." Nagthank you siya sa akin. Seryoso pa rin mukha niya.

"Buti na lang at nagthank you ka na." Humarap ako sa kanya at bigla niya akong niyakap.

"Simula siguro ngayon hindi na kita gaano makakausap. Baka magalit si Lucy."

"Okay lang. Pero pagmay problema ka nandiyan lang kaibigan mo, wag na sa akin." Biro ko sa kanya.

"Baliw ka na nga." Kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin.

"Okay lang V noh. Magkikita at magkakausap pa rin naman tayo. Friends kami ng mommy mo. You know, tuturuan na naman niya akong magluto."

"Talagang magkaibigan na talaga kayo ni mommy ha."

"Kasalanan mo eh. Pinakilala mo ako." Naputol lang usapan namin ng tumunog phone niya.

"Tumawag si Lucy. Sige, una na ako." -Nagpaalam na siya.

--*END OF CHAPTER THIRTEEN*-----

THANKS GUYS FOR VOTING.

Prince Charming MayabangWhere stories live. Discover now