“You mean, both? Hindi mo intensyon 'yon parehas?” Tanong n'ya at parang hindi pa sigurado sa kan'yang realization.

Hindi ako sumagot, sa halip ay narinig ko ang tawa nito.

“So why did you do that? Bakit mo s'ya hinalikan?” He asked.

“She's so loud,” nagmulat ako ng mata at tumingin sa kisame. “Gusto ko lang naman s'yang patahimikin.”

Pero bakit ko s'ya hinalikan?! How stupid of me? Goddamn it!

Tumawa ng malakas si Ivann habang nakatingin sa'kin.

“What the fuck, bro? You're fucking wasted at that moment! Eh yung isa? You really mean it?” Pag-uusisa nito.

Binato ko naman sa kan'ya ang unan na nasa tabi ko.

“Hindi mo na kailangang malaman.”

Pagkasabi ko noon ay tumayo ako at kinuha ang bath towel na nakasabit sa pinto ng cabinet.

“Wait, ano bang nangyari? Mind to share?”

Napatigil ako sa paglakad. Sandali kong isinabit sa leeg ang bath towel.

“You'll surely won't like it.” Maikling sagot ko.

“Sus. Kahit ano pa 'yan!”

“We broke up.”

Napatayo naman si Ivann sa kinatatayuan.

“Ni Xyzhie? Lol! Why?” Gulat nitong tanong.

“Because of Zachary.”

Nakita ko ang biglang pagbabago ng reaksyon nito. Ang kaninang nakangiti ay kunot-noo na ngayon.

“You serious? They cheat? Tangina ang labo naman n'on?!” Mura nito na napahawi pa sa buhok.

Hindi naman ako sumagot ngunit humigpit ang pagkakahawak ko sa bath towel at ang pag igting ng panga ko dahil sa galit.

“Then why are you look so chill?” Tinginan n'ya ko. “Are you okay, man?”

“I'm fine. Umuwi ka na.” Sagot ko rito pagkatapos ay naglakad papuntang rest room.

“How 'bout you?”

“I can handle.” Mabilis kong sagot.

I'm not chill.

Gustong gusto kong lumpuhin si Zachary dahil sa ginawa n'yang panunulot kay Xy, but I'm not going to waste my vim para lang may patunayan.

I can hurt them without any physical damage or pain.

NANG matapos ako sa pagligo, wala na si Ivann sa loob ng kwarto.

Hindi ko naman ginalaw ang niluto n'yang itlog na sunog, sa halip ay inabot ko ang aking telepono.

Outside of the screen pa lang, nakita ko nang tadtad ako ng text at tawag ni Xy.

Inihagis ko ang phone sa kama at dumiretso sa kabinet para kumuha ng damit kong nakastock dito.

Nang naisuot ko ang puting t-shirt, napangiwi ako dahil biglang sumakit ang panga ko.

Ginalaw ko ito gamit ang kanang kamay kasabay ng paggalaw ko ng aking panga and I remembered I got in a trouble while buying liquors.

I also stretch my fist and notice a lot of wounds.

I'm fucked up.

Hindi ko na lamang 'yon ininda at kinuha ang tray na nilagay ni Ivann sa side table.

Seducing My Crush [Alluring Series #1] - Completed [TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon