#TWP15

8.5K 284 81
                                    

R18.

-

Entry 15

Inilapat ko ang aking mga kamay sa dibdib ni Archie at marahan siyang tinulak para makahiwalay ako sa yakap. Naglakad ako papunta sa isang lounger at doon umupo. Nasapo ko ang aking noo at pinigilan ang sarili na umiyak pa. I tried to calm myself because I don't want Archie to see me this way. Paano kapag nagtanong siya kung bakit ako umiiyak? Hindi ko alam ang isasagot ko.

Nakakapagod na makipag-biruan. Ako rin lang naman ang nasasaktan sa huli.

Ang hirap kapag alam mo 'yong totoo pero gusto mong maniwala na baka pwede.

Suminghot ako ng isang beses pa bago tumuwid sa pagkakatayo. Nilugay ko ang nakapusod kong buhok bago tiningala si Archie na nanatiling nakayuko sa aking harapan habang pinagmamasdan ako. I saw his eyes with full of concern.

When you are nice to people, they usually misinterpret it by thinking that they have other reason to do that. Walang pinagkaiba si Archie sa mga taong tanging ginagawa lamang ay maging mabuti. He's kind and thoughtful because that's what he really is. Ang bobo ko lang dahil patago kong iniisip na iba ang ibig sabihin no'n.

Umupo siya sa aking tabi kaya bahagya akong umusog para mabigyan siya ng espasyo. Hindi ko na siya binalingan at pinanatili ang pagtiklop ng aking bibig habang nakatingin sa malayong dagat. Kitang kita mula dito kung paano humahampas ang mga puno dahil sa hangin. I can hear the sound of the quiet waves.

"Gillian," he called me again and I don't know when it all started but it fucking hurts me every time he calls me.

Pilit akong ngumiti at binalingan siya. Hindi nagbago ang ekspresyon sa kaniyang mukha kaya tipid akong tumawa para humupa ang katahimikang bumabalot sa amin ngayon.

"Pasok na tayo. Inaantok na 'ko." Umakto akong humihikab para maniwala siya.

Hindi siya umimik at pinanatili lang ang panonood sa akin. Ngumuso ako at nagkibit balikat bago tuluyang tumayo. Inilahad ko ang aking kamay sa kaniya para ayain siyang tumayo rin. Tinanggap niya iyon kaya naman patagilid ko ulit siya niyakap habang pumapasok kami sa loob.

"Why did you cry?" Bulong na tanong niya habang pumapasok kami sa loob.

Napawi ang peke kong ngiti at nag-iwas ng tingin. Hindi ako sumagot at hindi na rin naman siya nagtanong pa ulit. Pumasok kami sa kwarto at agad kaming nalingunan ng mga kaibigan ko. Denzel even smirked at me like we did something gross. Inirapan ko lang siya bago dumiretso sa kanila.

Umupo ako sa bakanteng upuan kung saan kami nakaupo kanina ni Archie. Tumabi sa akin si Archie at inabutan ako ng hoodie. Kumunot ang noo ko sa kaniya.

"Malamig na. Wear this." Aniya at mabilis na isinuot sa akin ang hoodie niya.

Itinaas ko ang dalawa kong kamay habang isinusuot niya sa akin ang hoodie. This is the hoodie he wore when we were in Enchanted Kingdom, 'yong kulay dark blue. Nang matapos ay inayos niya pati ang buhok kong medyo nagulo dahil sa pagsusuot ng jacket. Inilagay niya iyon nang maayos sa likod ko bago niya hinarap ang mga kaibigan ko.

Tinignan ko ang mga kaibigan na nasa harap namin na tahimik kaming pinapanood at may mga ngisi sa labi. Bumagsak lang ang tingin ko sa lamesang puno ng alak at pagkain dahil wala akong panahong magyabang. Hindi ko alam kung may lakas pa akong magyabang gayong unti unti kong natatanto na hindi na ito laro para sa'kin.

Inabutan ako ni Archie ng san mig na agad kong tinanggap. Gumuhit ang init sa lalamunan ko kasabay ng bahagya kong pagkakaramdam ng mainit sa aking mga mata. Isang beses akong kumurap dahil baka bigla na naman silang mag-traydor at lumuha ako sa harap ng mga kaibigan.

Wild Series #1: The Wildest PlayWhere stories live. Discover now