#TWP29

7.5K 219 55
                                    

Entry 29

I woke up with the sound of my loud alarm beside my bed. Nagmulat ako ng mga mata at tamad na bumangon mula sa pagkakahiga. Isang saglit pa akong tumunganga sa loob ng kwarto. Sinulyapan ko ang aking alarm at nakitang alas singko y media na ng umaga. Isang beses pa akong humikab bago ko hinablot ang tuwalya at dumiretso na sa banyo para makapag-ayos.

Ginawa ko ang ritwal sa loob at pagkatapos no'n ay sinuot ko na ang puting pants and suit ko. Umupo ako sa tapat ng salamin at tinignan ang sariling repleksiyon.

Mahaba na ang aking umaalong buhok, umaabot na ito ngayon hanggang baywang. Ang bangs ko noong college ay wala na rin dahil magiging sagabal siya sa pagpupusod ko ng buhok. I low bun my hair and put a light makeup. Tumayo ako at kinuha ang itim kong coat at sinuot.

Now I am ready to go out. Binuksan ko ang pintuan ng cabin crew at nakahawak ako sa aking palapulsuhan habang naglalakad sa corridor.

"Oh, shit!" I hissed when I realized that I am not wearing my bangle.

Mabilis akong bumalik sa kwarto at hinanap ang bangle ko sa lamesa. Nang makita ko ay agad ko itong sinuot. Bumalik ako sa labas at dumiretso sa up deck. I am usually up two hours before the crews because I need to be in prepare of their jobs. I need to be an early bird because I am responsible on getting everything ready for the crews.

Pinasadahan ko ng tingin ang buong deck ng higit isa at kalahating oras bago ko narinig ang mga stewards na umaakyat. I welcomed them with a warm smile and told them their assigned duties for today.

"Chielo on Balcony cabins, Sofia on Oceanview cabins..." I continued assigning the Stewardess location for their duties before I proceeded with the stewards.

Tinaasan ko ng kilay si Tyson nang maabutan kong nakangisi ito sa'kin. Bahagya niya akong tinawanan dahil sa pinakita kong reaksiyon sa kaniya.

"Ang sungit naman ni Chief." Biro niya.

He's using our language para hindi siya maintindihan ng ibang crews bukod kay Chielo. I am ahead of two years sa kanila sa pagpasok sa Royal Carribean pero kasing tanda ko lang si Chielo samantalang isang taon naman ang tanda sa amin ni Tyson. We easily get along because we are all Filipinos, pero hindi rin naman mahirap pakisamahan ang iba. We are on board, in the middle of ocean, with limited time to connect with our families, we have no choice but get along. And working for almost 8 years in this cruise, I already treat them as a family. Halos buong taon ay sila ang kasama ko.

Pinagpatuloy ko ang pag-a-assign sa kanilang duties when suddenly the Captain called us for announcement. Nagpaalam ako sa kanila. Mabilis akong dumiretso sa Bridge at naabutan na doon ang iba pang Chief officers. Tumabi ako kay Kier na isang Filipino Chief Engineer. Nginitian niya ako kaya sinuklian ko rin iyon.

"Good morning!" Bati niya sa akin na sinundan ng iba pang crews.

"Good morning," bati ko pabalik.

The Captain discussed us things such as the boat plans, trips, routes, special precautions, the weather, and the tide. Ngumuso ako habang sinusulat sa isang maliit na notebook ang mga sinasabi ng Kapitan. Kier is peeking at mine kaya binalingan ko siya.

"Why are you not writing yours?" Kumunot ang noo ko.

"Ganda penmanship natin, ah." Puna niya.

Ngumiwi ako sa kaniya at umiling. Men here in cruise have been very vocal about their interest in me but I just don't like the idea. I treat them as my friends and more likely as a family already. I don't want to create a bad vibe throughout the trip if we ever decided to break up. At ayokong pumasok sa isang relasyon.

Wild Series #1: The Wildest PlayWhere stories live. Discover now