#TWP26

6.7K 199 46
                                    

Entry 26

I am wearing a white knitted long sleeve and dark high waist jeans. This is how I style. This is semi-formal attire that could fits in Archie's graduation ceremony. Wala naman akong problema sa suot ko pero sa tuwing naaalala ko kung paano pinasadahan ng Aunt ni Archie ang aking katawan ay tila nanliliit ako.

I am insecure, I am flawed but there are still things that I am proud to show off and that is how I style my clothes. Confident ako kapag nasusuot ko ang mga damit ayon sa gusto kong style nila. Pero pati ata iyon ay tila nanakaw sa akin ngayon dahil hindi ko makalimutan ang reaksiyon ng kaniyang Tiyahin. Para bang hindi siya makapaniwala na ganito lang ako.

Hinigit ako ni Archie habang nilalapitan niya ang mga kamag-anak na dumating. Pinilit kong ngumiti habang pinapakilala ako ni Archie sa kanila. Naaabot ng aking tingin ang Tiyahin niyang pinapanood kami pero hindi ko magawang itigil doon ang aking mga mata. Bahagya akong nagtago sa likod ni Archie nang nagsimula siyang tanungin tungkol sa mga plano ngayong graduate na siya.

"Archie will fly on July." Sambit ng Tiyahin niya at tuluyan nang lumapit sa'min.

Bumagsak ang tingin ko sa aking suot na sandals at doon na lang inabala ang sarili habang nakikinig sa kanilang mga pinag-uusapan. Hindi nga dapat ako nandito dahil hindi naman ako parte ng kanilang pamilya, dapat ay mamaya pa ako kasama ng mga kaklase at kaibigan niya.

Bahagya kong kinagat ang aking pang-ibabang labi dahil parang sirang plaka na umuulit sa aking utak ang mga salita ng kaniyang Tiyahin. Ayokong isipin iyon. Gusto kong huwag bigyan ng paki iyon... pero hindi ko alam at nasasaktan pa rin ako. Hindi ko alam at hindi ko magawang alisin iyon sa aking isip.

Hindi dapat ako nakikinig sa ibang tao. Hindi ko dapat pinapakinggan ang opinyon ng ibang tao sa akin o sa amin mang relasyon.

Hindi ako nakikinig sa ibang tao, lalo na kung wala itong magandang dulot sa'kin. Ayaw kong ipakitang naaapektuhan ako sa sinabi niya. I don't usually overthink unless it comes from the people who mean something to my life.

But then... she is Archie's Aunt. Her opinion matters.

I don't need to please anyone to accept me. Gusto kong maging matigas dahil alam kong hindi ko ugaling ipilit ang sarili ko kanino man na hindi ako gusto, pero hindi ko maiwasan dahil alam ko ring importante siyang tao sa buhay ni Archie.

"Tita," Malamig na tawag ni Archie sa tiyahin niya kaya napaangat na ako ng tingin sa kanila.

Hindi ko na nasundan ang pag-uusap nila dahil masyado nang marami ang pumapasok sa aking isipan na hindi ko gusto.

Nakita ko ang sopistikadang pag-ngiti ng Ginang para kay Archie.

"Archie, I saw you grow. I hope you will not disappoint yourself by choosing..." Mabagal na lumipat ang tingin niya sa akin at agad namang bumundol ang kaba sa aking puso.

Umayos ako sa pagkakatayo. Tumaas lang ang kilay nito bago ibinalik ang tingin kay Archie. Nagkibit balikat siya at inaya ang mga kamag-anak nila sa dining area.

"Malaki ka na. Matalino. Ikaw ang bahala sa desisyon mo." Makahulugang nitong bulong kay Archie bago tuluyang umalis sa aming harap kasama ang ibang kamag-anak nila.

Hindi ko na sila sinundan ng tingin dahil bumaling na ako kay Archie. I saw his blank expression like he's trying to hide something beyond his face. Naramdaman niya ang aking tingin kaya naman binalingan niya ako. Ngumiti siya sa akin at pinatakan ng halik ang aking pisngi bago ako hinigit palayo doon.

"Do you want to see my room?" Tanong niyang hindi ko na ata kailangang sagutin dahil mabilis niya akong hinila papunta sa engrande nilang hagdanan.

Wild Series #1: The Wildest PlayWhere stories live. Discover now