#TWP05

8.3K 273 92
                                    

Entry 05

Lumabas ako ng sasakyan ni Archie at isang beses siyang kinawayan bago ako nagpatuloy sa paglalakad. Ang kabang kaninang bumubundol sa aking dibdib ay naglaho na. Kaya naman ay maayos na ako nang tumuntong ako sa loob ng klase.

Nang matanaw ako nila Sabrina ay agad silang tumayo at umambang lalapit sa akin pero inunahan ko sila at nakangiting tumabi sa kanila. Ginawaran nila ako ng isang nag-aalalang tingin at wala akong ibang maramdaman kundi ang paghawak ng kung ano sa aking puso. Madalas man akong makaramdam ng inggit at insekyuridad sa ibang tao, kapag nakikita kong ganito sila, wala akong ibang maisip kundi na deserve naman nila iyon. Deserve nila na magaling sila sa mga bagay na hindi ko kaya.

"Saan ka galing?"

"Ayos ka lang ba talaga?"

Inakbayan ko si Sabrina at Eliona na nasa tabi ko at nakangiting tumango. Nakita ko pa ang ilang pagsulyap sa akin ng mga kaklase ko pero hindi ko na sila pinansin. Hindi na kami mga bata para gawing big deal ang pagkakapahiya ko kanina.

At saka, mukha namang hindi intensiyon kanina ng Ginang na ipahiya ako. Siguro ay masyado lang siyang nag-expect sa klase namin na inakala niyang lahat kami ay marunong maglangoy. Hindi naman ako naiinis sa kaniya, naiinis ako sa sarili ko dahil hanggang ngayon apektado ako sa mga sinabi niya. Hindi iyon ang unang beses na nakaramdam ako ng pagkukulang para sa sarili, parang sa lahat naman ng bagay ay nagkukulang ako. Kahit pinipilit ko ang sarili na maabot, may bumubulong sa akin na imposible.

"Ayos na ako." Totoo iyon dahil kahit papaano ay nakatulong sa akin ang pagalis namin ni Archie.

Ewan ko kung paano nangyari iyon gayong lumabas lang naman kaming dalawa at naglokohan.

"Sure ka diyan?" Naniniguradong tanong ni Cassie. Nginisian ko siya at tumango lang.

Ilang segundo pa nila akong tinitigan bago sila nagsalita ulit. Ang ilang kaklase ko ay lumapit pa sa akin at nag-alok na tuturuan nila akong maglangoy. Nagpasalamat na lang ako at hindi na isinatinig pa ang pagtanggi. Sa mga sumunod na klase ay totoong maayos na maayos na ako. Nakatuon lang ang atensiyon ko sa mga tinuturo at hindi na halos naalala ang nangyari kaninang umaga.

Nauna akong lumabas kina Eliona dahil dadaanan ko lang saglit si Audrey sa department niya. Ilang linggo na kasi iyong hindi nagpaparamdam sa'kin. Hindi ko na rin sinabi pa kay Sabrina ang planong pagpunta ko kay Audrey dahil kanina ay naririnig kong uuwi daw siya sa kanila.

Tinahak ko ang mahabang daan paikot ng Oval at nang makarating malapit sa guard house ay lumiko pa ako. Hapon na at wala nang bakas ng mainit na sikat ng araw. Napapalibutan rin ng mga puno ang daan na ito kaya maaliwalas maglakad. Nakakatakot lang dito kapag madilim dahil wala masyadong estudyante na, pero dahil hapon pa lang naman, may iilan akong nakakasabay.

Nakarating ako sa Marketing Department at pinuntahan ang madalas na klase ni Audrey sa oras na ito. But unfortunately, wala na sila at nakauwi na daw. Sayang lang tuloy ang paglalakad ko. Nakakapagod kaya. At dahil hindi naman pwedeng tumambay pa ako dito, dumiretso na ulit ako paalis doon. Ramdam ko na ang pagod ng mga paa ko pero hindi ko na pinansin dahil medyo dumidilim na noong lumabas ako ng campus.

Dumaan muna ako sa Jollibee para kumain at nang matapos ako ay tuluyan na ngang nabalot ng kadiliman ang buong paligid. In other words, gabi na! At nandito pa rin ako at tumatawid papunta sa kabilang kalye.

Ginamit kong ilaw ang aking cellphone dahil letse ang mga nagbubukas ng lamp post dahil hanggang ngayon ay walang sindi. Late ata orasan ng mga 'yon o kaya hindi nila nakikitang madilim na sa labas. Halos umikot ang mga mata ko sa naiisip pero hindi ko na ginawa dahil baka mamaya ay biglang may sumulpot sa harap ko.

Wild Series #1: The Wildest PlayWhere stories live. Discover now