#TWPWakas

15.3K 496 223
                                    

Author's Note

Thank you for reading my first installment for this series. Please remember that you always have the power over your dreams— you can be whoever you want to become. Don't let anyone, including yourself, tell you otherwise. You are limitless. May Gillian and Archie be an inspiration to you. 

see you next at WILD SERIES #2: Taming The Wild

━━━━━━━━━━━

Wakas

Humilig ako sa likod ng aking silya habang nagtuturo ang Prof sa unahan. Patago kong hinahawakan ang aking cellphone habang tinitignan ang litrato niya sa aking homescreen.

Napangiti ako ng mapait habang pinagmamasdan kung gaano siya kaganda. She's pouting her cherry red lips while one of her eyes is closed. Ang bangs niyang hilig kong ayusin tuwing nagugulo ay bahagyang nagparte dahil sa paghawak niya dito.

"She always say that she's pretty," natatawa kong sambit sa aking katabi.

Nilingon ako ng mestiso at singkit kong kaklase. Isang beses ko lang sinulyapan ulit ang harapan bago ko ibinalik ang atensiyon sa aking cellphone.

"Is she?" Singit naman ng isa kong kaklase na Amerikano.

"She really is." I answered them while smiling.

Kaya mahal na mahal ko 'to at gusto ko laging itago. Sobrang ganda niya na nagmumukha na siyang perpekto sa aking mga mata. Mahirap hindi magselos pagdating sa kaniya lalo na kapag nakikita ko siyang may ibang kasamang lalaki. I am not the typical possessive boyfriend; well I was not then because I never had a serious relationship until her. Kapag kasama ko siya, gusto ko sa'kin lang ang kaniyang atensiyon. Ayoko ng may kahati. Gusto kong makasigurado na ako lang ang mahal niya.

Kaya naman noong inamin niya sa akin na gusto niya na kaming maghiwalay, iyon na ata ang pinaka-masakit na nangyari sa buhay ko. I love her so much. Gusto ko laging nasa tabi niya. Gusto kong kasama niya ako sa pag-abot ng mga pangarap niya... pero si Gillian siya, e. Hindi ko kayang hindi siya pagbigyan.

Natatakot akong may umagaw ng atensiyon niya bukod sa'kin. She's not that hard to like. Walang araw na dumaan na hindi ako nangamba na makahanap siya ng iba. Ngunit naniniwala ako sa kaniya. Alam kong tunay niya akong mahal. Naramdaman ko iyon at patuloy kong nararamdaman kahit pa ilang milya ang layo namin sa isa't-isa.

Bumuntong hininga ako. It's just been weeks since I left Philippines but I already miss her. Araw-gabi, simula nang tumuntong ako sa bansang ito, walang araw na hindi ko nagawang bisitahin ang social media accounts niya. Nagba-baka sakali ako na may maligaw na mensahe mula sa kaniya kahit na alam kong nagkasundo na kaming puputulin ang koneksiyon. Naging sapat sa akin ang pagtingin sa mga litrato niya habang nasa malayo ako dahil wala naman akong ibang magagawa kundi magtiis.

Gusto niya ako dito. Gusto niyang abutin ko ang pangarap ko. And I don't want to disappoint her. I always feel obliged to do whatever she wants me to do.

And we both promised. She'll wait and I'll comeback.

"I miss her so much." I whispered.

Naramdaman ko ang literal na kirot ng aking puso at ang pagbigat ng aking dibdib.

Damn, nakakabaliw ang pangungulilala ko sa kaniya. Gusto kong bumalik at yakapin siya ng mahigpit. Sabik na sabik na ulit akong makita at mahawakan siya. I missed everything about her. Iyong mga pang-aasar niya, ang tunog ng mga halakhak niya, ang pagkurba ng labi niya kapag ngumingiti siya at higit sa lahat, ang Gillian na sinasalubong ako ng mahigpit na yakap at matamis na halik kapag nakikita niya ako.

Wild Series #1: The Wildest PlayWhere stories live. Discover now