#TWP17

8.6K 241 134
                                    

Entry 17

Sa condo ko natulog ulit si Archie. And to wake up with him in the morning means my day is already complete. Hindi ko alam bakit gano'n ang pakiramdam ko, nagagawa ko namang gumising ng magisa dati. Pero ngayong meron na akong Archie na katabi ko, it's a different feeling. It's like if I could just let him live with me, ginawa ko na pero alam ko namang hindi pa pwede dahil may pamilya siya at kapwa pa kami mga estudyante.

Tiningala ko si Archie na hanggang ngayon ay mahimbing ang pagkakatulog. Eyes are tightly closed and his arms are spread around me. Tumihaya ako ng bahagya para mahalikan siya sa labi. Hindi pa rin siya nagising kaya tinanggal ko na ang kaniyang braso na nakayakap sa akin. Hindi ko inalis ang comforter sa katawan namin bago ako umakyat sa kaniya.

"Baby, gising ka na." Bulong ko sa kaniya habang hinahawakan ang dalawa niyang pisngi.

Napangiti ako nang gumalaw siya. Bibitaw na sana ako pero niyakap niya lang ulit ako dahilan nang pagkakasubsob ko sa kaniyang dibdib. Pinilit ko na bumangon pero pinipigilan ako ng kaniyang yakap. Ngumuso ako dahil ang clingy niya naman kung umaga.

"Gising ka na," ulit ko habang ang mga pisngi ko ay nakadikit sa dibdib niya. Ni hindi ko siya mayakap pabalik dahil kinulong niya ako ng buo sa braso niya.

"Hmm... five minutes," Inaantok niya pang tugon.

"Nagugutom na ako." Sagot ko sa kaniya.

Bahagyang lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin kaya ngumiti ako ng malapad. Umupo ako sa tiyan niya at yumuko para makita ang gwapo niyang mukha na isa lang ang matang bukas. Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay at pinagsalikop iyon sa akin bago siya pinilit na tumayo.

"Am I your cook?" Tanong niya kaya agad napawi ang ngisi ko.

Padabog kong tinanggal ang pagkakasalikop ng kamay namin at sumimangot ako. Bumukas na ang isa pa niyang mata at tipid na tinatawanan ang reaksiyon ko. Inirapan ko siya. Halos umirit nga lang ako nang hilahin niya ako dahilan nang pagbagsak ko ulit sa kaniya.

"You sit on my stomach, iba ang naiisip ko."

Namula ang pisngi ko sa sinabi niya. Hinampas ko ang pisngi niya gamit ang palad ko kaya hinuli niya iyon at hinalikan.

"Ang manyak mo. May pasok pa tayo."

And I am still sore. I am horny when it comes to him but I am satiable. Ewan ko lang sa kaniya na laging mukhang uhaw sa akin.

"I know. Hindi naman natin gagawin. Madumi lang ang isip mo."

Aba at ako pa ang sinisi!

"Excuse me? Ikaw itong ang berde ng utak sa pag-upo ko sa tiyan mo tapos-"

"E, anong gusto mong isipin ko kapag nasa ibabaw kita? I can still clearly remember your pleasured face last night when you were on my top-"

"Damn you, Trinidad! Tigilan mo nga 'yan!"

Tumawa na naman siya kaya mas lalo akong nainis. Pinilit kong tumayo pero hindi niya ako hinahayaan. Marahan ko ulit sinampal ang pisngi niya pero patuloy lang siya sa pagtawa at pang-aasar sa akin.

"Now, you are embarrassed? You don't have to be, Gillian."

"Hindi ako nahihiya! Naiinis ako sa'yo dahil lagi mo na lang sinasali sa usapan 'yong nangyayari sa'tin!"

"What? Anong gusto mo? Huwag nating pag-usapan?"

"Oo. Dapat hindi natin 'yon pag-usapan-"

"Anong gusto mong iparating? Huwag nating pag-usapan iyon na para bang hindi nangyari?"

Wild Series #1: The Wildest PlayWhere stories live. Discover now