The man heaved a sigh as he handed me the receipt of all the products that Pierce gets. Hindi mahalaga sa akin kung magkano iyon. I can pay for it. I just need to know his reason.

"Ito po. Doble po ang babayaran ko." sinabi ko sa lalaki pagka-abot ng card ko. Like I said I'm not rich. Hindi rin ako mahirap at nasa gitna lang. I just have enough money for a living.

"Huwag na hija. Ayos na ang saktong presyo." sabi ng lalaki na mukhang nag-aalinlangan sa sinabi ko.

"Hindi po. Ayos lang. Hindi po ba ito ang unang beses na nangyari ito?" sabi ko habang tinitignan ang items na kinuha ni Pierce. Puro pagkain iyon, karamihan ay mga biscuits, chocolates, snacks and candies. Wala ang kung ano mang bagay na nasa isip kong kukuhanin niya katulad ng alak. May ideya nang nabubuo sa isip ko.

"Pangatlo na ito. Magaling lang talaga at laging nakakatakas. Gustong gusto ko na talagang ipahanap iyon sa mga pulis!" may bahid na inis na sabi ng lalaki at nabahala naman ako.

"H-Huwag na po. Babayaran ko na lang po ang lahat ng kukuhanin niya rito. Here's my calling card. Tawagan niyo na lang po ako kapag nangyari ulit. Babayaran ko na rin iyong mga una niyang nakuha." sabi ko at kumunot ang noo sa akin ng lalaki. He's a middle age man and I think he is the owner of this convenience store.

"Kilala mo ba iyon?" natigilan ako sa sinabi niya.

"Gusto ko lang po siyang tulungan. Baka po may dahilan kaya niya ito ginagawa." kung sasabihin kong kilala ko si Pierce ay baka mahanap niya ito at matunton kong saan siya nag-aaral. Baka mahuli pa siya sa kagagawan ko.

"Dahilan? Ang mga katulad niya ay nagnanakaw dahil mga walang pinag-aralan o kaya pinabayaan ng mga magulang. Mga iresponsable kasi at hinahayaan ang anak na gumawa ng krimen!" pagalit na sinabi ng lalaki.

"Baka hindi naman po."

"Naku, Miss. Basa ko na ang lahat ng mga ganoong tao. Nobyo mo ba iyon?" umiling lang ako sa tanong niya at hindi nagsalita.

I feel bad for his words. Hindi talaga maiiwasan na may mga ganitong tao na nanghuhusga agad habang hindi pa alam ang kuwento sa likod kung bakit iyon nagawa ni Pierce. Hindi ko siya kilala pero pakiramdam ko hindi tama ang husgahan agad siya. I just give a man a small smile.

"Babayaran ko na rin po ang mga naunang kinuha niya." marahan kong sinabi at huminga siya ng malalim at sinunod ang sinabi ko. Pagkatapos ay binalik niya sa akin ang card at tinanggap ang calling card ko.

"Kung nobyo mo iyon, Miss. Hiwalayan mo na. Wala kang kinabukasan makukuha roon."

"I think we shouldn't judge people easily. We didn't even know if he did it for a good reason." sa mahina kong tinig na sinabi. Nakita kong natigilan ang matanda.

"Tawaga niyo na lang po ako kung mangyari ulit. Please, huwag po sana kayong tatawag ng pulis." pakiusap ko at tumango naman siya sa kasunduan namin.

After that, kumuha na rin ako ng mga snacks na dadalhin kila Light. Pagkatapos magbayad ay saktong dumating si Light sa tapat ng convenience store.

"Salamat po." paalam ko roon sa matandang lalaki at tumango lang siya sa akin. When I pushed the door I saw Light leaning on his black BMW. He's wearing a simple white T-shirt and a cargo pants. He's holding a phone and when I sent my reply to him he immediately raised his head and our eyes met.

Mabilis akong lumapit sa kanya. Bumaba ang tingin niya sa dala kong paper bag.

"Pamalit na damit?" tanong niya at umiling lang ako.

"I brought foods." sabi ko at kumunot ang noo niya.

"Bakit? May pagkain naman sa bahay. Hindi ka na dapat nag-abala." he open the shotgun seat for me and I immediately hop in. Mainit na rin kasi sa labas. Hinintay ko siyang makaikot bago ako sumagot.

Ruling The Last Section (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon