20

2.2K 93 11
                                    

Traea

Kagaya ng napagdesisyunan ko na, sinubukan kong umiwas kay Lukas. I texted him that night, sinabi kong tigilan na namin ito kasi feeling ko, mabait lang talaga sya kaya mahal nya ako kasi siguro ramdam nya na kailangan ko ito. Pinatay ko na ang phone ko para hindi na sya makatawag pa. Okay na siguro nga yung ganito na ako na lang may kasalanan. Kesa maging okay kami tapos lagi naman ako iiyak.

Kagaya na lamang kahapon, hindi ako nakapasok kasi mataas lagnat ko. Iyak kasi ako ng iyak buong magdamag. Bilin na bilin ko kay Nanay na wag nya sabihin kay Lukas kasi sa kanya tumatawag. Napagalitan pa nga ako kasi naman si Nanay, sobrang maka-Lukas eh.

At syempre kahit pa nagkasakit ako, kailangan ko pa ring pumasok. Work is life para sa mga single na kagaya ko. Inubos ko nga ang oras Kaya lamang, paglabas ko may gwapong naghihintay sa labas. Gwapong nilalang na sana hindi ko na lang nakilala.

"Babe!" Sigaw ni Lukas

"Hui! Bakit ka sumisigaw jan? Baka mamaya may makarinig sa'yo! May makaalam pa. Wag kang maingay!"

"Babe, sorry."

"Saan?"

Hindi na nakapagsalita ulit si Lukas.

"Osya sige uuna na ako ha? Baka matraffic na naman ako eh."

"Ihahatid na kita!"

"Ay h'wag na! Dala ko naman na yung kotse."

"Babe."

Nakangiti ako sa harap nya pero ang beisit kong puso umiiyak na.

"Shhh. Wag mo na nga kasi ako tawaging Babe! Alam mo, magbreak na nga lang tayo. Diba nagtext na ako sa'yo nung isang araw? Hindi naman kasi tayo bagay eh. Tsaka basta. Ayaw ko na Lukas. Baka mapadali lang ang buhay ko kasi extreme ang emotions ko kapag anjan ka. Ayaw kong iwan si Nanay. "

Nakatulala si Lukas. Siguro akala nya nagbibiro pa rin ako.

"Sige na Doc! Ayan, oh ayan kasama mo pala si Doc Phoebe eh. Uuna na ako ha? Ingat po kayong dalawa sa daan!"

Parang tangang tumakbo na naman ako kahit takot na takot akong madapa. Dahil siguro sa pag-iyak ko, nanlabo na ang mata ko at nahulog ako sa hagdan. Hindi ko maigalaw ang paa ko sa sobrang sakit. Pucha! Dapat ba sabay na may masakit para dama ko? Grabe! Parang sampu yung exclamation point ng aray ko sa sobrang sakit ng pakiramdam ko. Ang intense ha.

"Babe!"

Lalo na lang akong umiyak. Antigas naman ng ulo nitong si Lukas. Wala na nga yung Babe eh. Break na kami kaya dapat wala na makaalam.

"Babe!"

Hindi ako makasagot. Iyak kasi ako ng iyak. Hindi na nga ako makahinga kasi wala ng dadaanan ng hangin.

"Masakit ba?" tanong nya

Kung ordinaryong araw, masasaktan sa akin itong si Lukas. Hindi ba nya nakikita ang pagiyak ko? Hindi nya ba naririnig na hagulhol ko na ito? Hindi ba nya nakikita ang paga kong paa? Grabe!

"Halika Babe, bubuhatin kita."

Nanlaki ang mata ko at napatigil ako sa pag-iyak. Gago ba sya? Gusto ata nya mabalian ng buto. Bukod sa alam ko sa sarili kong maganda ako, alam na alam ko ring mabigat ako! Kaya naman pinitik ko ang noo nya.

"Gago!" sabi ko

"Bubuhatin kita Babe. 'Wag kang malikot."

"Wag! Bobo ka! Mabigat ako. Di mo ako kaya."

"Hindi ba't nabuhat na kita noon pa?"

"Ibaba mo ako! Hindi mo ako kaya! Malayo ang parking! Ibaba mo na ako."

UnruledWhere stories live. Discover now