34

2.7K 94 22
                                    

Last two chapters after this :)

Crying is good, it makes our eyes clean.

Also, please comment your question because I know this story will always be bitin. So comment all your questions and I will try my best to answer them on our last chapter before the finale. After kasi nito, park muna tayo sa mga anak ni Nikka, balik tayo kay Carleen and Raz :)


Traea

"Ate Traea, halika."

Mara insisted meeting with me so she can brought me to this beautiful house. Ito yung kinukulit nya sa akin last week pa.

"Sa inyo ito?"

Mara shook her head.

"Yung may-ari nito, gusto na raw nya itong ipagbili."

"Sayang naman, napakaganda."

"Pasok tayo?"

I nodded.

"Kung hindi inyo ito, bakit kaya tayo nakakapasok?"

"Sobrang close ko sa may-ari. Malaki ang utang na loob ko sa kanya. Halika, dito tayo sa taas."

Nung maka-akyat kami, bumilib ako sa nakita ko.

"Napakaganda dito sa gabi. Kita mula dito ang mga ilaw ng syudad."

"Mukha nga."

Hindi lang ako masyado makapag react pero sobrang ganda ng bahay. Magkano kaya ito? Ang ganda ganda. Napakaraming at napakalaki ng mga bintana.

"Ipinagawa ito ng may-ari para sa pinakamamahal nyang babae. Mejo nalate nga lang kasi habang ginagawa ito, may sumira ng plano. Gusto mong silipin ang mga kwarto?"

Ang ganda ganda talaga ng pagkakagawa ng bahay. I could copy the details of this house kung di ko maaafford ito. Gusto ko ang bahay.

"Sige, sa akin mo ba balak ipagbili ang bahay na ito?"

Mara just laughed.

"Eto ang master's bedroom."

"Ang ganda." Napakalawak na may malaking malaking bintana. Mula rito ay kita rin ang view sa baba.

Ganitong ganito ko dati napipicture ang gusto kong bahay, nagkataon lang na hindi ako magaling magdrawing kaya never ko naipicture ng maayos. Pero kung kaya ko syang iguhit, ganito ang kakalabasan ng bahay na gusto ko.

"Sobrang lambot ng kama, ayaw ko ng ganito. Para akong malulunod." Sabi ni Mara habang nakaupo sa kama

Nakiupo naman ako sa tabi nya

"Ito namang ganitong kama ang gusto ko. Feeling ko masarap ang tulog kapag ganito."

Mara laughed kasi nakuha ko pang humiga. Ang sarap ng feels ng kama, nangyayakap.

"Ikutin mo ang kwartong ito Ate, maganda ang walk in closet nito. Pati na rin ang banyo. May malaking tub."

Inikot ko nga ang kwarto.

"Alam mo Mara naaamaze ako sa bahay na ito, parang unti unti naging realistic yung mga gusto ko dati sa bahay."

"Titingnan mo pa ang ibang kwarto?"

I nodded andito na rin naman kami bakit di ko pa lubusin hindi ba? Kung magpapagawa kaya ako ng ganitong kalaking bahay matutuwa kaya si Ayie kapag lumaki na sya? Dapat pala mag asawa na sya ng 18 para dumami kami.

I smiled and remembered Nanay, ganito rin kaya ang iniisip nya nung pinagawa nila ang bahay namin sa Laguna?

"Ilan nga ang kwarto dito Mara?"

UnruledOù les histoires vivent. Découvrez maintenant