6

2.3K 75 15
                                    

Traea

I was so bored the whole day. Bihira ang ganitong wala kaming ginagawa. Wala rin akong kliyente today kaya naisipan ko na lang munang maglibot sa mall.

Haii, si Nanay kasi nasa pilgrimage kasama yung mga kaibigan nyang retired teacher na ang pinagkakaabalahan na lamang ay paglilingkod sa Diyos.

At sa hindi ko alam na pagkakataon, bakit nga ba sa mga ganitong oras ay naglalabasan ang mga young families. Sa lahat ng ayaw ko, yung sila ang makakasabay ko dahil sa totoo lang ay naiinggit ako.

I am already 30 at unti unti ko nang natatanggap na I will grow old with Nanay. Mejo prepared na ako. Si Nanay lang naman talaga ang namamanata. Sya ang natatakot na baka raw ako'y maging mag-isa.

Minsan naiisip ko ring nababaliw na ang nanay ko.

Ipinagnonovena kasi nyang mag anak man lang daw ako kung hindi talaga ako magkaka-asawa. Aii nako ang nanay ko.

Well, nung mas bata pa naman ako, umasa din naman ako. Ngayon lamang na mejo natanda na ako, nauubos na rin ang pananampalataya ko. Ngayon nga'y kahit naiinggit ako sa mga pamilyang nakapalibot sa akin, maluwag na sa loob kong dalawa na lang kami ni Nanay sa dulo ng oras ng buhay ko.

Haii, wala si Nanay sa bahay, so kakain na muna ako bago umuwi. At sa ganitong panahon ko narerealize na mahirap ang nag iisa. Gusto ko kasi talagang kumain ng korean bbq at mukha akong baliw na magsasangyup mag isa.

"Attorney!"

"Ay! Ui Doc, andito ka!"

Ang pogi pogi talaga ng Doctor na ito! Grabe. Sobrang swerte ng magiging misis neto.

"Hi Atty! Saan ka pupunta? Nagtext ako kanina sa'yo, di ka naman nagrereply."

Jusko syempre, feeling ko kasi bored itong si Doc kaya di ko na masyadong pinapatulan. Baka sobra akong umasa. Pero kung ganito ba naman na lagi kaming pinagtatagpo, eh baka nga sign na ito. I laughed inside my brain.

"Ah, naghahanap ako ng makakainan Doc."

"Oh, sakto Atty, naghahanap din ako. Pede bang sumama sayo?"

"Totoo? Hindi ka ba nagjojoke jan?"

"Kahit ba naman dito ieenterogate mo ako?"

Napatawa na lang ako. Nakakalokang talaga itong gwapong ito.

"Saan mo ba gusto?"

"Sa puso mo sana, kaya lang mamaya na, gutom pa ako eh."

"Oonga, kumain ka muna kasi kapag pumasok ka sa puso ko, di ka na makakalabas."

At tawang tawa sya sa usapang lasing namin. Samantalang ako, eto't lihim na kinikilig.

"So attorney, saan mo nga gusto?"

"Ahmn, wag moko ijudge ha, pero gusto kong magsamgyup."

Nakakahiya kasi last time nga na kumain kami nagtiis ako sa coffee at cake! Tapos nagdinner kami sa greek restaurant na puro damo. Tapos ngayon, makikita na nya ang talent ko sa pagkain!! Haii nako Astraea talaga.

"Okay sangyup is it."

Mejo malayo ang nilakad namin ah. Aba! Tiis ganda ang lola nyong naka high heels. Jusko, after neto magpapapayat na pala ako kasi ang bigat bigat ko talaga!!

"Table for two."

Kampante akong naglakad sa likod nya, hello? Ang gwapo nya, para syang model. Dapat bang consistent itong lalaking ito? Mula mukha hanggang ugali maganda! Talagang gentleman etong si Doc, biruin mo, pinaghila pa ako ng bangko. Hihihi

"Anong gusto mo?"

"Syempre ikaw Doc."

"Ako din naman,ikaw ang gusto ko, pero, akala ko ba kakain muna tayo?"

I just laughed at him. Naakatuwang sinasabayan nya ang kalokahan ko ah!

"So ano nga muna ang gusto mo sa menu dito?"

"Ahmn, unli mix na lang Doc."

"Okay, unli mix."

Mabilis pa sa alas kwatrong nagdatingan ang mga karne na tiyak kong nagpahugis puso sa aking mga mata.

"Mukang hustler ka na dito ah Atty."

"Oo naman Doc, ganoon na ba akong kahalata? Haha"

"Favorite mo to?"

"Yes Doc."

"Dahil din ba sa Kdrama?"

"Wow lakas makamilenial nun ah. Haha. Partly yes if ever magkaroon ako ng vacant time, talagang nanonood ako nun. Paano mo alam yun Doc? Huwag mong sabihing nanonood ka din?"

"Believe it or not, my Mom living in Germany loves this sangyup thing, she even travels to Korea regularly because of kdrama."

"Wow, lakas makabagets."

"If you would see her, you won't believe her age."

"Talaga ba?"

"Yeah, who in the right mind na 60 plus years old ka na, nag hair dye pa sya ng lilac."

"Wow! Ang cool ng Mom mo!"

He just smiled.

"Si Nanay makaluma kasi. Dami bawal, dami paniniwala."

"Is she in her 60s too?"

"Yun ng eh, wala pa."

"She must meet my mom then."

"Ay wow, wag muna, di pa ako ready sa family meetings. Haha."

He just laughed at me.

Sa mga kilos neto ni Doc, mabuting tao sya. Gentleman pa. Haii. Nakakainlove.

That night, I swear, naramdaman ko yung sinasabi ni Drac sa hotel transylvania, I felt my zing.

Kaya lang, star si Doc, mahihirapan na naman akong abutin sya.  Pero baka naman pwede, maganda naman ako eh.

  Pero baka naman pwede, maganda naman ako eh

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
UnruledWhere stories live. Discover now