14

2.1K 71 5
                                    

Traea

"Babe. Birthday nung inaanak ko sa Saturday, kailangan kong pumunta. Samahan mo ko?"

"Oo naman."

"Pero andun yung mga friends ko pala. Gusto mo bang mameet sila?"

"Parang nagdadalawang isip ka pang isama ako ah??"

"Wow ang drama. Gusto ko lang malaman mo na andoon din ang friends ko. Syempre ibig sabihin, madami sila tapos i iinterogate ka nila. Hmmn. Wag ka na lang pala sumama Babe."

"Are you ashamed of me huh Babe?"

"Ha??? Baliw ka ba? Bakit naman kita ikakahiya?! Aba! Kumbaga sa trabaho, over qualified ka sa akin no?! Sira ulo to!"

"Why won't you not want me to come with you?!"

"Babe, ang akin lang naman, baka mairita ka sa friends ko. They are not sanay kaya na may kasama ako. Ayaw ko lang naman na mainis ka kasi sigurado mangaasar sila tapos baka umayaw ka sa akin, eh paano na ako nun?"

"Babe! Why would you think of that? Don't you believe that I love you?"

"Ihhhh!"

At kahit may duda akong bitbitin sya sa event na yun wala na akong nagawa. Minsan talaga, kinakapahamak ko ang kadaldalan ko. Sana hindi ko na muna sya binitbit. Kinakabahan ako.

"Babe? Bakit ang lamig ng kamay mo? Birthday party to diba?"

"First time ko!"

"Ang tapang mo kaya nung first time!"

"Beiset! Beiset ka!"

"Guys! Andito na si Traea!!!"

Announce ni Chinee nung makita ako.

"Attorney!"

"Traea!"

"Kalmahan lang natin guys.Easy lang tayo ha. Baka ma culture shock 'tong kasama ko."

I clunged to Luke's arms.

"Babe, mga friends ko nga pala, Chinee, asawa nya si Japs tsaka si Baby Jansen, si Ari yung nakilala mo sa airline, husband nya si Doms, tapos may kambal silang anak, tapos syempre si Anna kilala mo na. Husband nya si Paolo tapos anak nila si Lisa at Xander."

"Guys, finally, boyfriend ko, si Lukas."

The guys greeted him. Mukhang masaya naman si Doc sa friends ko.

After nila mag meet and greet, hinila ko muna sya sa celebrant syempre.

"Hi Edrint Happy Happy Birthday."

"Ninang buti dumating ka." Erica

"Sissy, si Luke, Babe, si Erica tsaka si Baby Edrint."

"Happy Birthday."

Inabutan ni Lukas ng ang pao si Edrint. Hindi ko alam kung ano laman nung ang pao ni Lukas pero bahala na sya. Bukod sa gift, may pa ang pao pa kami kasi nabasa ko din pangalan ko dun sa bigay ni Luke eh.

The guys had been too happy seeing me with Luke. Mukha naman nagenjoy din si Luke sa paligid ng magugulo kong kaibigan. Even they were all around him, Luke seemed to not mind at all.

"Masaya ka?" tanong ni Erica habang kumukuha kami ng pagkain

"Oo."

"Mahal ka ng boyfriend mo?"

"Oo naman."

"Haii Astraea, sa wakas. Alam mo Sissy, super happy ako, finally, tinanggap mo na din na may nagmamahal sa'yo. Oo Sissy, mukhang mahal na mahal ka ng boyfriend mo. Tigilan mo ang pagooverthink tsaka tanggalin mo na yang insecurity mo ha."

I smiled at her.

"Maganda ka. Worth it kang mahalin. Mahal ka ng boyfriend mo."

"Alam ko Sissy."

"Sige na, bumalik ka na, mukhang hinahanap ka na eh."

I happily returned to my seat.

"Where did you go?"

"Kumuha lang ako shanghai. Kahit itanggi mo, alam kong favorite mo ito!"

"Love you." bulong ni Luke

I just smiled. Maybe, this time, this love is for me.

It's already late nung naisipan naming umuwi. Sunday bukas kaya no choice si Luke kundi iuwi ako kay Nanay. Sundays are for Nanay. Kahit idate nya ako every weekdays, kahit na hindi nya ako iuwi basta kapag Sunday, kasama ko dapat si Nanay.

"Did you enjoy Babe?" tanong ko kay Luke

"Yes Babe, I really enjoyed. Thank you."

"Thank you for what?"

"For letting me know you better, for letting me inside your circle. Mahal na mahal kita Babe."

"I love you too."

Itong ngiting ito ni Luke ang sobrang nagpapasaya sa akin.

"Umuwi ka na Babe, gabi na."

"Okay Babe. I love you. Byee."

"Ingat ha! Call me when you got home."

"Yes Babe. Love you."

Sinong babae ang hindi maiinlove sa lalaking ganito? Sobrang gwapo, sobrang bait, sobrang magmahal.

Erica Calling.....

Erica:Seriously Traea, ang generous nyo ha!

Traea:Ha? Bakit?

Erica: Bukod sa regalo, 5k yung laman ng ang pao. Grabe. Kayo na mayaman.

Traea: 5 thousand???!!!

Erica:Oo! Jusko di kami makapaniwala ni Don! Jusko. Nakakahiya naman. Kung alam ko lang pinadala ko na lahat ng shanghai! Jusko talaga.

Traea:Ang totoo nyan sissy, yung gift ako bumili, yung ang pao, hindi ko talaga alam.

Erica: Mukha nga, pero ui, sabihin mo kay Doc Luke, salamat ha. Grabe talaga.

Call Ended

Idadagdag ko lang, sobrang generous.

Lord Thank you!


Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.
UnruledTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang