4

2.3K 73 8
                                    

Kilig kilig lang muna tayo okay? Kalmahan lang muna natin mga sez. :)

Traea

Ang pagkikita namin ng gwapong doctor ay naulit ng naulit at naulit pa. Sya na ang naging attending doctor ni Jeanine kaya naman kinailangan namin sya. Isa pa, pumayag syang maging witness ni Jeanine.

So far, Jeanina's getting well na. She's coping up well. And she was fighting so good. We already had our first two hearings na naging okay naman despite her husband's tantrums. Buti na lamang at napilit namin si Jeanine na lumaban.

And today's gonna be the third hearing, ngayon na haharap si Doc Lukas to give his medical opinion. Sa pag-aaral ko sa identity nya, nalaman ko na he is a bachelor, a very hot bachelor. He's older than me pero hindi halata. He came from a wealthy good family.

Hindi na masama kumabaga. Haha. Ang kapal ko dun ah. Well, aaminin ko na crush ko sya ng very very light kasi nasa kanya na lahat. Ang di ko lang magets, why did he stay single? He has everything a woman would ask for.

"Hi!"

"Ay hi Doc Lukas! Ang aga mo po ah?"

"Is it too early? My watch' time is a a bit advance then." then he smiled and I smile too. Yiii! kakakilig naman yang smile na yan.

Magkatabi kami sa waiting area at tahimik akong kinikilig.

"Ai Doc! Wala po kasi si Jeanina kasi nga diba, masama sa kanya ang mastress."

"I know Attorney. Ako po ang nagrecommend nun."

"Ai. hehe. Sorry na nga daw."

Napaisip talaga ako ulit. Bakit sya single? Wala ba syang girlfriend? Anong nangyari? Para sa curious na taong kagaya ko ay napapaibig akong magresearch tungkol sa kanya.

The hearing was so dreading. Imagine, ang kinuhang lawyer nung kabilang kampo ay law professor ko. Sobrang galing nun. At dahil sobrang galing nya, gusto kong halikan si Doc na hindi man lang natinag at para bang nabaliktad nya lahat ng pinaglalaban ng dati kong law professor.

"Hi."

"Hello Doc! Thank you po ha! Ang galing galing mo po."

"Ako? Maybe you mean, you! Ikaw yung magaling. I couldn't believe that you actually transform."

"Anong transform?"

"I was amazed that you are indeed one of the best lawyers. I realy couldn't imagine. You looked so carefree pero hardcore sa korte. Last time I checked, you had a fight with our billing assistant because she said you are mataba."

"Ay grabe, di pwede mag move on Doc??"

He laughed. Jusko! Pati ba pagtawa subtle. Kainis! Mas refined pa mga kilos nya kesa sa akin.

"Anyway,I think you know my brother, Matteo Seigfreid?"

"Ah yeah! Oo naman! Sikat yun eh! I know him! Were on the same law school."

"We had a conversation last night, nasabi ko ang pagwitness ko today, he won't allow me if it wasn't you. He said that you are the best debater back when you're in law school."

"Weh?! Paano nya alam eh graduating na sya nung pumasok ako."

"Baka crush ka nya?"

"Sira-ulo ka Doc! Naglalawschool pa lang kapatid mo may asawa at anak na sya! Anong crush crush ka jan!"

"Paano mo alam yun?"

"Jusko naman Doc, sa ganda ng lahi nyo, kapag taken dapat may label! Syempre alam ng lahat ng tao sa school para off-limits."

He just laughed.

"So where are you headed after this?"

"Nag-iisip pa Doc. Kailangan ko muna tantsahin kung gutom ba ako at ready to dinner na o merienda lang. Ang alangan naman kasi ng 4:15pm para sa merienda at hapunan."

He laughed again.

"So pwede bang merienda muna?"

"Pwede naman Doc. Bakit papameryenda ka ba?"

"Sure! Can we have coffee then?"

"Date ba ito Doc?"

"Do you think I am asking you on a date?"

"Eh Oo. Feelingera ako eh."

"Then date it is."

"Haha. Char lang. Tara na nga."

Doc Luke was a good company. He was very attentive and he reacts a lot. Pero kalmado pa rin sya. Andami nya tawa sa akin kaya tatak na tatak sa isip ko ang kapogi-an nya.

"Naku! Ginabi na ako sa kakachicka. Makukurit na ako ng Nanay ko. Sige Doc, una na ako, malayo pa bahay ko eh."

"Hatid na kita?"

"Hala sya. Wag na po. Sobrang layo ng bahay ko. Nasa dulo pa po ng Laguna."

"Kaya dapat kita ihatid."

"Naku wag na talaga Doc. Tutal first date pa lang naman. Tsaka na kapag mamamaalam ka na manligaw sa Nanay ko. Chos! Char lang yun Doc. "

"Oh the more I should send you home then, I will ask your Mom's blessing that I'll court you!"

"Hahaha. Wag na. Baliw ito. Patola ka din eh. Seriously, wag na Doc. Nakabook na ako ng sasakyan."

"I insist. Cancel the booking."

"Naguuber ka din ba?"

"No."

"Eh bakit ko cacancel?"

"I will send you home."

"Wag na talaga Doc. Joke joke ko lang yung kanina. Sige ka, assuming pa naman ako. Hahaha"

"I'm fine with that though."

"Naku Doc! Delikado kapag ganyan ka, ang matabang desperada ay patola, kaya hwag ka nga! Ay! Ayan na pala yung uber ko. Jan ka na Doc, hatid mo na lang muna ako sa mata. Tapos i note mo plate number, tapos text moko mamaya kung nakauwi na ako para romantic! Hehe."

"I will do that."

"Go!"

"Sa Buendia Kuya. Yung terminal po ng Jac Liner. Yung Bus na hindi masyadong mabaho ang kurtina."

"Alam ko po. Yun po ang binook nyo."

"Ipinapaalala ko lang. Grabe ka din eh."

Kahit na mejo nakakainis si Kuyang driver, may baon naman akong smile kasi nga kinikilig ako kahit scripted naman yung nangyayari. Natatawa ako sa sarili ko. At talagang pinaninindigan ko nga si Doc ano?

UnruledKde žijí příběhy. Začni objevovat