7

2.2K 90 19
                                    

Sorry po walang update kahapon. Kailangan din ng Babe time ng inyong lingkod :) Pero masaya naman ang update today.

P.S. Mayroon pong spoiler tungkol kay Annika. So kung di nyo bet and spoilers, ipikit ang mga mata at burahin na sa isip pagka-basa. Maraming spoiler dito sa kwentong ito. hihihi

Enjoy Reading!

Traea

Anna finally is back kaya mas maluwag ang schedule ko ngayon. I decided to have a pampering hair treatment kasi puro stress ang inabot ko. Anyway, umaasa din kasi ako na matuloy na ang pambibihag ko sa gwapong doctor. I laughed at my own thought. Sira na talaga ulo ko. Nakikipagkaibigan lang naman si Doc tapos minamalisyahan ko. Hirap talaga ng NBSB eh.

And while thinking of that good looking doctor, I was so surprised to see him at the waiting area of this salon. Sobrang lakas na ba ng telekinesis ko at napapunta ko sya dito.

Pag harap nya, ngumiti sya sa akin na para bang inaasahan na nya ako. Shocks! Ang panty ko! And my assuming brain too!

Jusko, kapag hindi talaga to tumigil, mapapaaga ang pagkalas ng katinuan ko sa katawang lupa ko.

"Hi Beautiful!"

"Oi Doc, kumusta may hinihintay ka?"

"Oo."

"Ah."

"Maganda yun."

"Talaga ba?"

"Yes, look at you, ganda mo diba?"

I laughed flirtily and make hampas his arms."

"Doc ha sobra ka! Baka mamaya may sumabunot sa akin dito ha? Kakapabrazillian treatment ko pa lang tsaka bago tong highlights."

"Yeah, I noticed that. You look good on that."

"Alam ko naman. Pero ano nga po ginagawa mo dito?"

"Your secretary told me you are going to have your hair done today. I was done with work early so I decided to wait for you. Let's eat?"

"Ay iba talaga, ginagamitan ako ng weakness!"

"So it's a yes then."

Jusmiyo! Ang mga ngiti nito, nakakatunaw namang talaga.

He offered his arm and I clinged. Wait! Okay lang ba ang ganito talaga? Friends naman kami diba? Wala namang masama?

"Saan mo gusto ngayon?"

"Ikaw naman mamili Doc, lagi na ako namimili ng kakainan natin. Hindi naman ako choosy. Ikaw na."

"Okay, let's go somewhere."

Hala! Lumabas kami ng mall kabang kaba ang matabang maganda paano ba nama'y sa hotel kami nagpunta!! Wait! Mukha ba akong easy? Mataba at Maganda lang ako, wag na isama ang pagiging weak ng katawang lupang kong ito!

"Attorney?"

"Hotel?"

"Yeah, my Mommy loves hotel buffets, you might enjoy this as well."

He smiled, I melt.

Napahiya ang assuming brains ko! Jusko. Iba talaga ang likas na mayaman, dinner sa hotel? Why not! Ako kasi nakakadinner lang sa hotel pag may event. Haha

At dahil nga sobrang gentle man nya, I just comfortably have my seat and he was the one to get all the food for us. Kaloka diba? Teh! Ganda talaga ni Astraea! Hahahaha

"Doc, sandali ha, iclear ko lang. Totoo ba yung mga naresearch ko, single ka ba talaga? Wala ka ngang asawa o girlfriend?"

"None that I know of."

UnruledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon