12

2.1K 77 18
                                    

Sorry sa hindi paguupdate in two days, babawi na lang ako today :) 


Traea

Ilang araw ko ng di nakikita ng personal si Luke. Masyadong naging toxic ang pagiging buhay Doctor nya. While naging maluwag naman ang schedule ko. Iniisip ko kung paano kami magkikita. Lagi na lang kasi kami sa video call, tapos pagod na pagod pa sya. Kaya kahit gusto nya pa makipagkwentuhan, pinatutulog ko na.

"Ui! Nasaan na naman ang utak mo? Andami ko na naitalak dito, wala naman akong kausap!"

"Sorry Erica. Kasi naman. Miss ko na si Luke."

Tumawa ng malakas si Erica.

"Hui Ano ba! Anong tinatawa-tawa mo jan?!"

"Alam mo ba kung paano ako nabuntis?"

I just stared at her.

"Nung dineploy si Don ng 3 weeks sa Mindanao, namiss namin ang isa't isa. Kaya pagbalik nya sa Manila base nila, sinurprise ko ng bongga. Pinuntahan ko. Aba! nagleave ang loko at nilock ako ng dalawang araw sa hotel. Edi ayun, ilang buwan lang, tatay na sya!"

I rolled my eyes on her.

"Seryoso ko Erica."

"Seryoso din ako. Jusko. Hindi na uso ngayon yung long engagements na yan. Sa age natin na'to mas importante yung makapagsecure tayo ng future."

Hinayaan ko na lang sya magsalita.

"Trenta ka na ui! Malapit ka na mawala sa kalendaryo. Kahit pa itanong mo sa jowa mong Doctor, yang matres natin, tumatanda din yan. Alam ko pangarap mo madagdagan kayo ni Nanay, kaya wag ka na pakyeme."

"Pero Erica."

"Alam mo ba kung bakit wala kang naging boyfriend noong highschool at college tayo? Masyado ka kasing insecure. Etong napakaganda mo namang babae. Kulang na kulang ka sa confidence."

"Kulang pa din sa confidence?"

"Hindi naman yung confidence na yun eh. Kulang ka sa confidence sa kapabilidad mong mangakit ng lalaki. Andami daming nagkagusto sa'yo. Andaming gusto manligaw sa'yo. Kaya lang ang hirap mo abutin."

I rolled my eyes on her. There were truths in her statements.

"Ano? Haii Astraea, matalino ka, maganda ka, sana magsink in yun sa'yo okay?"

So nakikinig lang talaga ako.

"Isa pa pala."

"Ano na naman, durog na ako."

"Kasi naman ikaw! Anyway, yung jowa mo, sabi mo nga, good catch, rare gem, kung ako sa'yo, mejo bakuran mo lang girl. Kasi kahit gaano ka faithful ang isang tao, tao lang yan, natutukso rin."

"Haii naku Erica."

"Oi! Tinuturuan lang kita. Ikaw din. Mark your teritory. Label your property."

"Paano ko naman gagawin yun?"

"Dapat maging visible ka. Dapat kilala mo yung nakapaligid sa kanya. Dapat---"

"Okay na Maam, gets ko na."

"Saan ka pupunta?"

"Edi pupuntahan ko boyfriend ko. Dadalahan ko ng pagkain!"

"Oi! Yung birthday ng inaanak mo ha!"

I just wave at her and left her at the milktea shop.

So I went to a healthy food shop bought foods for Lukas before going to the hospital. First time ko papasok dito para sa kanya ha. Last time na andito ako ay nung nakaconfine pa si Jeanina dito.

"Hi! Saan ang clinic ni Doc Luke Seigfreid?"

"Cut off na po sya Ma'am. Kakatapos nya lang po ng surgery."

"I know. Dadalahan ko lang ng food."

"Ah, okay po. 5th floor po, rightmost po may pangalan naman po yung door nya."

I giddily went up. Nakakaexcite! First time ko to. I knocked the door, binuksan naman ng secretary.

"Yes Ma'am?"

"Si Doc Luke po?"

"Ay, cut off na po kami Ma'am, ngayon lang po sya kakain."

"May dala po akong food."

"Pero."

"Kilala nya ako promise."

"Pero kasi Ma'am."

"Sige na, sandali lang. Iaabot ko lang promise."

Wala ng nagawa ang secretary nya at dumirecho na ako sa mismong clinic ni Luke. Kaya lang nasurprise ako, may kasama syang magandang babae nakacoat din sa loob. Akmang susubuan pa sya nung makita ko.

"Sorry po. Ah, may dala po akong food."

Inilapag ko sa maliit na mesa katabi ng pinto at tumalikod na.

Haii naku Traea, susugal ka na lang, sa mali pa. Sabi ko na eh, panaginip lang ito.

I smiled at the secretary.

"Thank you ha."

Nagmadali akong umalis, hindi talaga ito ang mundo ko. Wag ko na dapat pilitin pa ang sarili ko.

I decided to take longer route going to the parking. Maybe fire exit? Naiiyak kasi ako.

Iisang floor pa lang ang hinahagdan ko masakit na ang paa ko. Ang bigat ko na nga, ang bigat pa ng pakiramdam ko. Haiii.

Umupo pa ako ng five minutes sa third floor para makaiyak. Haiii. Tigil na Traea.

Hindi ko ata talaga swerte ang ganitong bagay.

Sino ba naman kasing may sabi sa akin na kakaganda ang pagsuot ng heels??! Huhuhu sakit na nga ng puso ko, sakit pa ng paa ko.

Sino ba naman kasing may sabi sa akin na kakaganda ang pagsuot ng heels??! Huhuhu sakit na nga ng puso ko, sakit pa ng paa ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
UnruledWhere stories live. Discover now