18

2.1K 88 11
                                    

Girls, we all deserve a Lukas in our lives :) Happy Reading!

Luke

Traea had it really hard. Hindi ko sya macontact. Magdadalawang araw na, hindi pa rin sya sumasagot. Kahapon ko pa sya gusto puntahan kaya lang may malaking sugat ako. Nahulog kasi ako sa hagdan kahapon dahil sa sobrang puyat. Gusto ko kasing maempty ang schedule ko today for Traea.

Some may say Traea is over acting but I really understand her. Una pa lang naman alam ko na ganito ang mangyayari. I am her first and she might not be that ready. I love her, I really love her so much that whatever pains her pain me. Ngayon nga naiinis ako sa sarili ko because even I know that Phoebe's the reason, hindi ko din basta mabitawan si Phoebe.

I am constantly reminding myself that my love for Traea is greater than whatever makes her mad. I wish Phoebe won't be that hard headed so all of this will be done.

I called Traea again but ofcourse, she's out of coverage area. I tried calling Nanay, sabi nya mainit daw ang ulo but she confirmed that my lovely girl is at home. It made me at peace atleast. Kaya heto ako ngayon, nasa bahay nila.

"Nanay."

"Aalis na muna ako ha Luke. Mainit ang ulo, ayun kain ng kain ng basura. Hindi mapagsabihan sa junk foods tsaka softdrinks. Kagabi yan, andami pang binili street foods. Haii. Ikaw na ang bahala ha?"

"Opo, ako na po bahala. Sorry po Nanay."

"Luke, nag-iisa ko yang si Astraea. Buong buhay ay kaming dalawa lang. Maaga pa siguro para sabihin ito pero gusto kong malaman mo na labis kong mahal ang anak ko. Kahit parang armalite ang bibig nya kapag nagagalit, kahit may pagkatamad yan, kahit napakatigas ng ulo nyan, kahit na may araw na ayaw nyang umalis sa kama nya, kahit na madalas ay nadadapa sya, o madaling magkaLBM, o dinadaanan ng malalang toyo at kahit na sobrang sama ng ugali nyan, mahal na mahal ko ang anak ko. Matatanda na kayo. Sa totoo nga'y ang ganitong edad, dapat ay kasal na kayo. Kung ano man ang maging desisyon nyo, basta masaya kayo, walang kaso sa akin. Pero kung sa tingin mo'y hindi mo na sya kaya. Kung gusto mong iwan sya isang araw. Sana ibalik mo sya sa akin. Dito mo sya iwan sa bahay namin."

"Hindi kita tinatakot ha hijo? Kilala ko lamang talaga ang anak ko. Marami yang bagay na nakakalimutan. Marami yang bagay na hindi alam. Malaki din ang kaltok nyan sa utak. Kaya inuunahan na kita. Kahit anong mangyari, wag mo syang iiwan basta, sana ibalik mo sya dito. Pero kung kaya mo syang bigyan ng tahanang may pagmamahal, magiging pinakamasaya ako sa lahat. Gusto ko rin namang maranasan ng anak ko ang magkaroon ng sarili nyang pamilya. Kaya okay sa akin ang relasyon nyo. Pasayahin mo sana ang anak ko."

"Opo Nanay."

Nanay tapped my arms smiled at me. Alam ko ang ngiting yun. Iyon din ang ngiti sa amin ni Mommy kapag nagiging proud sya sa amin. Kapag may nagawa kaming kapagmapagmalaki.

Pumasok ako sa bahay, hinanap ko si Traea. Hanggang nakarating ako sa 2nd floor nasa family room. Napapikit na lang ako sa dami ng balat ng junk foods at mga bote ng softdrinks.

"Babe."

"Umalis ka."

"Babe."

Hindi nya ako pinapansin, derecho sya sa panonood ng kdrama sa TV at walang sawang pagkain ng junk foods.

I sighed.

Nakakita ako ng trash bag kaya pinagpupulot ko na lamang ang kalat nya. Nalulungkot ako sa ginagawa nya.

"Pinaglilinis ba kita?"

"Babe."

"Umalis ka na ha!"

She was about to walk out when I held her hand. Ang buried my head at her back.

"Ano ba! Umalis ka nga."

"Babe, if you are mad of me, please hurt me instead of doing this. Don't do this to yourself. Andito ako, saktan mo ako. Diba hindi ka na kumakain ng ganito? Diba change lifestyle ka na?"

"Tigilan mo ako! Wala ka pakelam."

"Babe."

She walked out again. Haiii. If you love her, make her feel loved and make her remind herself not to question the love she deserves.

"Babe. Buntis ka ba? Bakit ba ang sungit sungit mo?"

"Gago! Umalis ka nga jan."

"Buntis ka no?"

"Tigilan mo nga ako."

"Haii, ang hirap mo naman magselos Babe. Halika nga dito."

She rolled her eyes on me.

"Babe, usap naman tayo."

"Ayoko. Wala naman nang tayo."

"Babe."

I again hugged her tighter and locked her inside my arms.

"May sakit si Phoebe. Kaibigan ko sya. Kaibigan lang. Babe, uulitin ko, kaibigan, friend."

She sighed.

"Babe, kailangan ko syang tulungan. At tutulungan ko sya kasi mabuti akong kaibigan. Hindi ako manloloko. Hindi ako sinungaling. Mahal kita. Mahal na mahal kita. Hindi kita liligawan kung di kita paninindigan. Hindi kita liligawan kung hindi ikaw ang gusto ko makasama habang buhay."

"Naiintindihan mo ba ako Babe? Wag mo naman na pagselosan si Phoebe. Kaibigan lang Babe."

"Hindi mo pa rin ako naalala 4 days ago. Nakalimutan mong may girlfriend ka."

"Babe hindi. Nakatulog ako habang hawak ang phone ko. Akala ko naisend ko ang message. Pagod na pagod talaga ako. Sorry. Sorry kung hindi ako nakatawag, sorry kung hindi ako nakatext. Sorry. Kasalanan ko kasi inuna ko si Phoebe, promise Babe, promise, hindi na mauulit. Ikaw ang priority ko Babe. Sorry. I love you Babe."

Traea cried.

"Babe, please don't cry. Sorry, sorry."

"Nakakainis ka! Nakakainis ka. Mahal na mahal kita at hindi kita matiis. Naiinis ako."

"Oo, sorry. Nakakainis nga ako. Sorry na please. I love you. I love you so much."

I felt so relieved when she hugged me back.

"Hindi ako buntis. Meron ako ngayon."

"Shhhh. Okay lang yan. Madami pa tayong time. Tigilan mo na itong mga pagkaing ito ha?"

"Nakakainis ka. Wag mo naman ako kakalimutan. Hindi naman ako mapaghanap Luke, sabihin mo lang. Isang text lang. Mahal na mahal kita eh. Baka di ko kasi kayanin Luke."

"Sorry na Babe, sorry na talaga. Hindi na mauulit. Mahal kita. I love you."

She nodded.

"Ano to?" tanong nya nung makita nya yung sugat

"Ah---"

"Huwag ka magsisinungaling!"

"Puyat na puyat ako kahapon. Nahulog ako sa hagdan. Napatama dun sa railings."

"Lukas!"

"Okay lang ako. Okay na ako kasi bati na tayo."

Traea hugged me tight.

"I am sorry Babe. I love you."

Maluwag na pakiramdam ko. Mahal ko talaga si Traea. Mahal na mahal ko ang babaeng ito.

UnruledWhere stories live. Discover now