Ikasiyam Na Tagpuan

48 10 2
                                    

"Ang sweet niyo naman. Pasali ako."

Bigla akong napabitiw nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. Boses ng isang dakilang epal sa buhay ko.

"ANO'NG GINAGAWA MO RITO?!"

Ngumisi lang siya sa amin ni Bryan at nakiupo sa tabi ko. Bale pinagigitnaan nila akong dalawa ngayon. Hindi ko alam kung papaano kami natunton ni Nickulugo ngayon. Akala ko pa naman magiging mapayapa na ang date namin ni Bryan, hindi pa rin pala dahil may sumunod at nakiepal na kulugo.

"Wala naman. Naisip ko lang mag-unwind. Ang galing nga eh, coincidence. Dito ko rin pala kayo matatagpuan."

Painosenteng sagot niya. Napairap naman ako.

"Ang sabihin mo, sinundan mo talaga kami. Gustong-gusto mo laging makagulo 'no?!"

Inis na sambit ko. Wala na akong pakialam kung ano'ng sasabihin ni Bryan, kung nagmumukha akong bata sa harap niya. Ang problema ko, itong pangit na kulugo na 'to!

"Sinundan? Nagkakamali ka, tadhana ang nagdala sa akin dito."

Natatawang sagot niya sabay lagok ng alak sa boteng hawak-hawak niya. Mukhang nakainom na ang isang 'to at may tama na. Well, matagal naman na siyang may tama sa utak.

Napairap na naman ako at tinulak siya papalayo sa akin. Muntik na siyang matumba ngunit naitukod niya ang siko niya sa buhanginan. Sayang!

"Aray! Bakit mo ba ako tinutulak?"

"Ang baho mo kasi! Amoy alak ka kaya! Ayoko sa'yo!"

Ngumiti lang siya nang nakakaloko at mas lalong idinikit ang sarili niya sa akin. Todo tulak at salag naman ang ginagawa ko para lang hindi siya makalapit sa akin nang tuluyan. Panay tawa lang siya sa ginagawa ko ngunit natigilan kami nang makarinig kami ng eksaheradang tikhim.

"Baka naiistorbo ko na kayo. Mauna na ako."

Saad ni Bryan at akmang tatayo na ngunit mabilis pa sa alas kwatro nang pigilan ko siya. I held his wrist and he looked at me.

"Teka lang, hindi pa tayo tapos mag-usap ahh."

"Hayaan mo siya kung gusto niyang umalis." sabat naman ni Nick. Lumingon ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay.

"Eh kung ikaw kaya ang umalis? Ang epal mo. Du'n ka na nga!"

Tinulak ko siya gamit ang isa ko pang kamay pero hindi naman siya nagpatinag.

"Lagi mo na lang akong tinutulak palayo. Nasasaktan na ako."

Nagulat ako sa sinabi niya. May pagturo pa siya sa dibdib niya. Lasing na nga yata ang isang 'to.

"Bro, you're already drunk. Go back to your suite." suhestisyon naman ni Bryan. Binitawan ko na ang palapulsuhan niya dahil nahihiya na ako. Baka isipin niyang tina-tsansingan ko siya.

"Huwag mo akong ma-bro bro riyan. Hindi tayo magkapatid."

Napanganga ako sa sinabi ni Nick. Hindi ko alam kung saan siya humuhugot ng lakas para magsalita ng ganun. Para siyang baliw! Concern na nga sa kaniya si Bryan tapos binabara niya pa. Ang sakit niya sa ulo!

Napailing-iling na lang si Bryan na para bang sinasabi niyang hopeless na ang isang 'to.

"Are you gonna stay here with him or you're going back to your suite na?"

Tanong ni Bryan. It seems like he already lost his appetite to spend this night with me. Hays! Ang epal kasi ni Nick! Napalingon lang ako kay Nick na ngayon ay tulala na sa dagat. Bigla akong nag-alala sa kaniya. Mukhang walang kasama ang isang 'to at delikado na para sa isang taong nakainom at may tama sa utak ang maiwang mag-isa.

TagpuanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon