Unang Tagpuan

179 20 8
                                    

"Para kanino ka bumabangon?"

Natawa ako sa tanong ng isang partikular na adbertismo ng isang kilalang produktor ng kape.

Para kanino nga ba ako bumabangon?

Isang tanong lang 'yan ngunit napakahirap sagutin...

Dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin mawari kung para kanino at para saan nga ba ako bumabangon.

Ang bawat araw sa buhay ko ay punong-puno ng pagdududa, mga baka sakali, at paano kung. Maraming mga gusot, maraming mga tanong na hanggang ngayon ay hindi maayos-ayos at hindi masagot-sagot.

My profession is nonsense because of my worthless life. I'm a doctor, I'm supposed to heal and save lives.

But why can't I save mine?

Why can't I help myself to get up out of my bed and sail against the wild waves of the seas of doubts?

Bakit hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin akong tumayo sa sarili kong mga paa at suungin ang unos sa buhay ko?

I'm a doctor. With helpless and hopeless helping hands. I'm a doctor, a voiceless and soulless one.

Araw-araw na lang akong nakakaramdam ng ganito. Kakulangan at kalungkutan na kahit kailan ay hindi magagawang punan ng kasiyahan.

Pero kailan nga ba ako naging masaya? Kung puro kapalpakan naman ang nagagawa ko?

Natigil ang pag-iisip ko nang biglang tumunog ang telepono ko. Napabuntong hininga na lamang ako. Alright. It's time get up and get ready for a new pallid day. Walang bago, walang kulay, walang buhay.

Bumangon na ako mula sa kama ko at nagtungo sa banyo upang simulan na ang panibagong araw.

--

"Good morning, Dr. Alys."

Pambungad na bati sa akin ni Dra. Sunny. Tipid akong tumango at ngumiti sa kaniya at nagtungo na sa table ko.

Ang pamilya niya nga pala ang nagmamay-ari ng hospital na pinagtatrabahuhan ko.

"Ngumiti ka naman kahit minsan lang, oh." nakangiting sabi niya. "Sayang ang ganda na'tin, Dr. Alys."

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at inilapag na ang gamit ko sa table. Ganiyan naman siya lagi. Palagi niya akong papaalalahanan na ngumiti dahil sayang daw ang ganda ko.

As if namang may dahilan ako para ngumiti.

Well, mayroon naman. Kapag humaharap ako sa pasiyente ko, kapag kinakausap ko ang mga pasiyente ko, kailangan kong ngumiti para mabigyan sila ng pag-asa kahit na alam kong hindi sapat ang ngiti at kakayahan kong iligtas sila.

"Birthday ko nga pala next week, Dra. Alys. Baka naman gusto mong sumama. You know, party party." paanyaya niya.

"I'm not into parties, Dra."

"Sunny na lang." she insisted. Ngumiti na lang ako. "Ano ka ba naman. 25 ka na kaya! Hindi ka na bata. Get yourself involved in parties. Just control yourself."

"Parties aren't for me, Sunny. Masyado akong tamad para gawin ang bagay na iyon."

"Hays." She sighed in defeat. "It's your call. Basta, I invited you, ha. Kung sakaling magbago ang isip mo, you know where to go."

Ngumiti ulit siya sa akin at lumabas na ng office namin. Napabuntong-hininga na lamang ako.

Party?

Para sa akin, mga tangang tao lang ang pumupunta roon. Magsasaya, magpapakalasing, tapos makakagawa ng mga bagay na pinagsisisihan kapag nahimasmasan na. Nag-aksaya ka lang ng oras at lakas. Pati dignidad, sinayang mo na.

TagpuanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon