Ikapitong Tagpuan

37 9 0
                                    

"Good morning- oh! Bakit ang aga aga, e, nakasimangot ka?"

Bungad ni Sunny sa akin pagkapasok ko sa office namin. Napabuntong hininga na lang ako habang naglalakad patungo sa desk ko at tamad na ipinatong ang mga gamit ko sa ibabaw ng mesa.

"Hmmm..."

Mabilis na nagtungo sa harapan ko si Sunny habang may nakakalokong ngiti ang nakapinta sa kaniyang mga labi.

"Puyat ka at sigurado akong may pumuyat sa'yo."

Diretsong sabi niya kaya napailing-iling na lamang ako at tipid na napangiti.

"Wala lang 'to." I denied.

"Sus! Alam ko na 'yan! Ganiyan din ako noon, nakikipagpuyatan sa maling tao." Seryosong tugon niya ngunit natawa rin siya agad. "Charot lang!"

Tinapos niya muna ang pagtawa niya bago nagsalita ulit.

"So ano? Sinong dahilan ng puyat mo?"

Natawa naman ako sa tanong niya. Well, biglang pumasok sa isip ko si Bryan, eh. Kahit na hindi naman siya nakipagpuyatan sa akin, napuyat pa rin ako kakaisip sa kaniya. Magkahalong kilig at sakit ang nararamdaman ko habang iniisip siya.

"Oh bakit natulala ka diyan?"

Napaangat ang tingin ko kay Sunny dahil sa tanong niya, napakagat-labi rin ako. Nakakahiya! Halatang-halata na yata ako!

"Uhm, may tanong ako."

"Sure, ano 'yon?"

"Paano mo masasabi kung gusto o mahal mo na ang isang tao?"

Tinitigan lang ako ni Sunny nang itanong ko ang bagay na 'yun, na para bang tinitimbang niya kung seryoso ba ako sa tanong ko o hindi.

Minsan talaga gusto ko nang ma-offend kay Sunny, eh. Lagi na lang ako pinagdududahan.

"Nakakagulat ka." Tanging nasabi niya sa loob ng ilang minutong pagtitig sa akin. "So tama nga ako, in love ka." Ngumiti siya.

"Huh? Wala ka namang sinabi ah?"

"Sa utak ko lang 'yun, syempre!" natatawang sabi niya.

"Pero seryoso nga ako," Seryosong tugon ko. "May nararamdaman ako para kay..." saglit akong napahinto.

"Kay?"

"Basta, sagutin mo muna ang tanong ko." She shrugged her shoulders.

"Hmmm..." Napangalumbaba siya at napatitig sa gawing itaas. "Noong nahuhulog na ako kay Dion, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko eh. Naisip ko na baka kaya ako kinikilig sa kaniya kasi nadadala lang ako sa closeness namin. Tsaka takot ako noon umamin kasi baka hindi kami pareho ng nararamdaman at baka 'yung feelings ko pa ang maging dahilan para masira ang friendship namin."

Parang batang sagot niya.

"Pero, nasabi ko lang sa sarili ko na mahal ko na siya noong nakikita ko na siya as my future husband, kung anong kahihinatnan namin after ten years or what, tapos sobrang komportable ko na sa kaniya, siya lang yung tanging tao na nakakapagbigay ng kakaibang gaan sa puso ko at higit sa lahat, siya lang ang nakakapagpasaya sa akin in a romantic way. Sa kanya ako unang nakaramdam ng tinatawag na pagmamahal."

May ngiti sa labi na saad niya. Halatang-halata talaga sa paraan ng pagkukwento ni Sunny na mahal niya si Dion.

"But you know what, a real love doesn't have a reason. You rather love beyond the reasons. Kaya kahit gaano pa kataas ang standards mo sa isang lalaki, kapag tinamaan ka, tinamaan ka. Regardless kung pasok ba siya sa standards mo o hindi."

TagpuanWhere stories live. Discover now