Ikalawang Tagpuan

98 14 1
                                    

Pasalampak akong humiga sa kama ko at tumulala na lamang sa kisame.

It was a tiring day pero hindi na ito bago sa akin. It's like a cycle of my life: gigising, magta-trabaho, uuwi, matutulog. Hindi ko na nga isinali ang pagkain dahil hindi na uso sa akin 'yon.

Wala akong gana para kumilos. Kung hindi lamang dahil sa propesyon ko ay hindi ako magkakaroon ng dahilan upang magpatuloy sa buhay ko. Wala na akong iba pang dahilan para huminga at gumising tuwing umaga.

Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang biglang mag-vibrate ang phone sa kanang kamay ko. Tinignan ko ito at halos kapusin ako ng hininga nang mabasa ang naka-flash sa screen.

It was a yearly reminder of my brother's death anniversary.

Hindi ko na napigilan ang pag-agos ng luha ko nang muling bumalik sa isipan ko ang mga alaalang hindi ko pa rin makalimutan hanggang ngayon.

Ang hirap alisin, ang hirap kalimutan at ang hirap ding tanggapin na ang taong dahilan ng pagsisikap ko ay wala na.

Every memory I had with him resides in my heart forever.

I can still remember the day when he graduated in high school being the valedictorian of their batch...

"Alys! Hindi mo man lang ba ako iko-congratulate? With highest honors ako oh!"

"Edi congrats! Mana ka sa'kin."

"Yuck. Ano'ng mana ako sa'yo 'e noong high school ka nga, wala kang award kahit isa! Haha!"

"Ang yabang mo!"

"Totoo naman, Alys, 'e."

"Wala kang galang. Mas matanda ako sa'yo ng dalawang taon pero hindi mo ako tinatawag na ate!"

"Bakit naman kita tatawaging ate 'e ang liit liit mo?"

"Bastos ka talagang bata ka!"

"Ang bastos, nakahubad. Special, nakatu-"

"BASTOS!"

"Nye-nye! Habulin mo muna ako Alys liit!"

I tilted my head to shift my gaze rightward. Para akong bumalik sa nakaraan nang masilayan ang pigura naming dalawa na naghahabulan dito sa loob ng kwarto ko. Napangiti ako nang mapakla nang maupo siya sa kama habang hinihingal at pinapahid ang pawis niya gamit ang togang suot-suot niya.

"Taympers muna, Alys liit. Hinihingal ako."

Imbis na pakinggan ko siya ay dahan-dahan akong lumapit sa kaniya habang siya naman ay paurong nang paurong sa dulo ng kama ko hanggang sa lumapat ang likod niya sa headrest.

"Sabi ng taympers muna eh."

"Huh! Assumero ka talaga 'no?"

Naupo lamang ako sa dulo ng kama ko habang tumatawa. Si Allister naman ay napabuntong hininga.

Saglit kaming nabalot ng katahimikan ngunit ako na rin mismo ang wumasak dito.

"Congratulations, Alli."

"Thanks ate Alys."

"I'm sure na proud sina Mama sa'yo."

"Hindi na importante sa akin 'yun. Ikaw lang ang mahalaga sa akin, Ate. Ikaw lang ang gusto kong maging proud sa akin. Dahil ako? Proud na proud ako sa'yo."

Lalo akong napaluha nang maaalala ko ang mga katagang binitawan niya noon.

"Proud na proud ako sa'yo dahil kahit na iniwan tayo nila Mama at naghanap sila ng bagong pamilya, hindi mo pa rin ako iniwan. You carried all the burden of our family, Ate. Tinaguyod mo pa rin ako kahit na mag-isa ka lang."

TagpuanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon