Ikalimang Tagpuan

47 10 2
                                    

Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para magtungo sa lugar na ito ngunit mas mabuti na rin siguro na dito ako dinala ng mga paa ko.

I really have nowhere to go.

Hindi ko kayang magtagal pa sa hospital dahil para akong sinasampal ng paulit-ulit sa mga salitang binitawan ni Bryan sa akin kanina.

Pero anong magagawa ko? Totoo naman, eh. Hindi ba't sabi nga nila, truth hurts.

Totoo na wala akong kwenta at matagal ko nang alam 'yon. Bakit nga ba ako umaasa na makakaligtas pa ako ng isang tao eh napakalabong mangyari nu'n?

Para lang akong tangang umaasa na magiging puti ang uwak.

Kaya ito, mas mabuti pa nga siguro na ma-stuck na lang ako rito sa lugar kung saan natatagpuan ko ang kapayapaan. Kahit alas kwatro pa lang ng hapon at saktong-sakto sa mukha ko ang sinag ng araw. Kahit masakit sa balat, hindi ko na ito iniinda.

Walang-wala ang sikat ng araw na tumatama sa balat ko sa nararamdaman ng puso ko ngayon.

Nilagok ko na lamang ang laman ng bote ng alak na iniinom ko. Hindi ko akalaing darating din ang araw na makakaya ko ang pait ng alak. Ni hawakan nga ang bote nito noon ay hindi ko magawa dahil ayaw ko talaga rito.

Ang dami talagang nagagawa ng tao kapag nasasaktan, 'no? Pati 'yung mga bagay na ayaw mong gawin at subukan noon, nagagawa mo dahil nasasaktan ka.

Putangina kasi, ang sakit, e.

Bakit ba lagi na lang ganito? Bakit ba kailangan akong parusahan ng ganito? Bakit kailangan kong maranasan ang lahat ng ito? Naging masama ba akong tao? Naging makasarili ba ako?

Pagod na pagod na ako sa ganitong set up ng buhay ko.

Tanginang 'yan.

Hindi ko na rin maintindihan. Minsan akala ko, ayos na ako kasi tanggap ko nang wala akong kwenta, na wala talaga akong silbi sa mundong ito. Na hindi na ako makakapagligtas ng kahit isang buhay. Na hindi talaga para sa akin ang propesyon na ito. Na inaaksaya ko lang ang oras at lakas ko sa araw-araw.

Pero minsan kasi umaasa pa rin ako, e. Sa loob-loob ko, umaasa pa rin ako na darating 'yung araw na makakapagligtas din ako kahit isang tao lang. Kahit isa lang. Gusto kong makapagdugtong ng buhay, gusto kong makatulong sa mga taong nangangailangan. Kasi naaawa ako doon sa mga taong maiiwan nila, e.

Alam ko kasi 'yung pakiramdam ng maiwan. Alam ko 'yung pakiramdam na wala kang ibang magawa kundi titigan yung malamig na bangkay nila sa loob ng kabaong. Alam ko 'yung pakiramdam na nangungulila ka sa presensiya nila, sa boses, tawa at ngiti nila.

Alam na alam ko.

At noong mga panahong 'yon, wala man lang sa tabi ko ang mga magulang kong kalahi ni Satanas. Ni hindi sila pumunta sa lamay o burol ng anak nila. Tanging pagpapalibing lang ang sinagot nilang mga putangina sila. Mga walang puso.

Kaya simula noong araw na 'yun, kinalimutan ko nang may magulang pa akong nabubuhay. Mas tinuring ko pa silang mga patay kaysa kay Allister.

Mahirap mabuhay nang mag-isa. Pero mas mahirap mabuhay kung napapaligiran ka ng mga taong demonyo at walang puso.

Kaya hindi ako nagsisising sinamahan ko si Alli. Tama lang ang desisyon kong itaguyod ang kapatid ko kaysa magpakasarap sa piling ng mga magulang kong demonyo noon.

Napangiti na lang ako nang mapakla. Iinom na sana ako ngunit bigla na lang may umagaw sa bote ko.

"Ano ba—" natigilan ako sa nakita ko. "Anong ginagawa mo rito?!"

TagpuanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon