"Not in a thousand years!" Kaagad kong sagot.

Tumawa naman ito. "I know right. You're not good at dancing."

Nagmake face na lang naman ako at naunang pumasok sa lecture room.

Umupo ako malapit sa bintana para once na makita ko si Eris, mabilis akong makakalabas. Kaninang umaga ko pa s'yang hindi nakikita. Siguro nagpa-practice sila para bukas. Player pa naman s'ya sa Soccer.

Hindi s'ya pa ata s'ya Varsity kasi kakasimula n'ya lang din laruin yung soccer last year. Oh 'di ba, laging updated. Mas kilala ko pa nga si Eris kesa kay Xyzhie.

But Xyzhie's still lucky for being Eris's first girlfriend. Ako sana 'yon kaso hindi pa sila break.

MABILIS natapos ang third subject at papunta na kami ngayon sa fourt floor para sa last subject ngayon araw. Ayoko talaga kapag Monday tapos last subject.

I hate Calculus!

Habang naglalakad kami ni Maddy sa hallway, parang nakikita ko sa malayo ang abalang si Eris habang hawak ang telepono. Wala itong kasama at mukhang papunta sa rest room.

"Maddy, mauna ka na ha. Susunod ako." Tinapik ko si Maddy pagkatapos ay naglakad na.

"Wait, where are you going?!" Rinig kong tanong n'ya.

"Iihi lang!" Sigaw na sagot ko na hindi na s'ya nilingunan.

"Hey, you're heading on the male rest room!"

Napatawa na lang ako nang isigaw 'yon ni Maddy. Hindi ko naman na s'ya sinagot dahil lumiko na agad ako papuntang rest room.

Nakita kong pumasok nga roon si Eris. Kaagad naman akong tumigil sa labas ng pinto para hintayin s'ya.

Nasa tabi lang ako ng dingding habang sinisilip-silip kung lalabas na ba si Eris.

Taka naman akong tinitignan ng mga lalaking lumalabas sa rest room, samantalang ang iba naman ay ngumingiti pa.

Kala mo naman minamanyak ko sila. In their face!

Nang muli akong sumilip, nakita kong palabas na si Eris kaya naman kaagad akong humarang sa daraanan n'ya.

Kakatapos n'ya lang itaas ang zipper ng pants n'ya at nagwiwisik ito ng kamay nang makita ako. Bumakas ang gulat sa mukha n'ya pero kaagad din s'yang nakabawi.

"Hi, Eris!" Bati ko sa kan'ya pagkatapos ay kumaway.

Hindi naman n'ya ako pinansin at nilampasan pa n'ya ako.

Hinabol ko naman s'ya, bakas sa mukha n'ya ang inis dahil nakakunot ang noo nito pero nanatili pa rin akong nakangiti sa harapan n'ya.

"Gusto ko lang isauli 'tong panyo mo." Inabot ko sa kan'ya yung panyo.

Bagong laba 'yon dahil may kaunting dugo r'on, namantyahan nung itinali ni Ivann sa dumudugo kong sugat kagabi.

Tinignan n'ya lang yung panyong hawak ko at tinignan ako sa mga mata. "Tinapon mo na lang sana."

Pagkasabi n'ya n'on ay muli s'yang naglakad.

"Hoy, teka lang. Ba't ko naman itatapon? Mukhang bago o. Sayang naman." Saad ko habang sinasabayan s'yang maglakad.

Nagsalita lang s'ya noong pababa na kami sa hagdan.

"Keep it to yourself if you don't want to throw away." Simpleng sagot n'ya pero parang nasaktan ako sa sinabi nito.

Tumigil ako sa paglalakad at pinanuod lang ang likod n'ya.

"Eris!" Sigaw ko.

Napatigil naman s'ya. Kami lang ang tao rito sa hagdan kaya nakasigaw ako.

Seducing My Crush [Alluring Series #1] - Completed [TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now