20

114 65 2
                                    

Isinandal ko ang ulo ko sa bintana ng bus, waiting for what seemed like days to arrive back in school.


I promised Leverest that I will explain everything when I'm back. He didn't sound mad or angry over the phone, instead he was worried about my ankle.


"I bet someone's problematic with their love life." Nagpaparinig na sabi ni yaya. I rolled my eyes, bakit ba kasi naging katabi ko pa 'to.


Our relationship is stronger than your bones, yaya.


Gusto ko sanang sabihin kaso pinigilan ko ang sarili ko. I just closed my eyes and tried to sleep. It will be a long ride since galing pa kami sa Tagaytay.


Hindi na'ko nag-abalang dumaan sa condo ko pagkabalik. I went straight to his.


"Babe." I called out to him, who was sitting on the sofa, reading his book.


Tumayo siya kaagad nang makita ako,  at lumapit. We are now facing each other.


I looked up to his face, "I was lost in the woods and my ankle was sprained kaya-"


My eyes widened, heart fluttered, when he softly placed his lips on mine.


He started kissing me, and I closed my eyes and kissed him back. Sumimangot pa'ko nang tumigil na siya.


Bitin, chour.


He placed his forehead on my mine, then smiled after. "I trust you, baby. I love you."


I wrapped my arms around his waist, "I love you, too."


We stayed in that position for some time, he was reluctant to back out from the hug, kaya ako nalang ang humiwalay.


May sasabihin siguro siya.


"I think we should tell our parents about our relationship." Aniya habang hinahawakan ang labi niya na parang nag-iisip.


Napakagat ako sa labi ko. I don't think it would go too well.


"Kailangan ba?" Napakatanga kong tanong, pero kasi, natatakot ako.


He reached for my hand and lightly squeezed it.


I just sighed and agreed. This weekend, we will tell them.


"Mommy, daddy." Nagulat sila sa biglaang pagbisita ko.


"O, anak. Napabisita ka, 'ata." I hugged the both of them before sitting down.


"Kasi ano, e, uh, ma, pa, e-"


"Sabihin mo na, ano ba." Binatuhan ako ng unan ni mama.


"May boyfriend na po ako. Mahal na mahal ko po siya kaya huwag niyo po kami paghiwalayin." Sinara ko ng maigi ang mga mata ko at yumuko.


By this time, Leverest must already be behind me.


"Hi po tito, tita."


Wala akong narinig na boses pansamantala. Hanggang sa nagsalita na si papa.


"Maupo ka, hijo."


"Oo nga, ano gusto mong pananghalian, tamang tama, magluluto palang ako." Dinilat ko ang isa kong mata.


Hindi sila galit? Hindi sa gulat?


"Umusog ka nga diyan, paupuin mo siya." Lumapit sa'kin si mommy at pilit akong pinausog.


Lost Then FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon