Prologue

702 202 90
                                    

"Oymemg!" Kinurot ako ni Venica, 'yung katabi kong nagseselpon, sa aking tagiliran kaya inirapan 'ko siya. Nakatambay kaming tatlo kasama si Mads sa resto na malapit sa pinagtatrabuhan ni Ven.


"Ano na naman 'yang kalokohan mo Ven?" I rolled my eyes at her. Basta ganyan siya magsalita, instant kalokohan na 'yan.


"Porket kinurot lang kita kalokohan na? Ganon!? Tsk!" Umakto siyang nagtatampo at umismid bago tumingin sa kabilang direksyon.


"Oy, sorry na, sorry na, 'to naman 'di mabiro." I tried to fix her hair, pagkatapos ay inakbayan ko siya pero hindi pa rin nagpatinag ang bruha.


"Sige, ganito na lang. Libre na yung pagkain mo." Agad siyang napalingon habang kumikislap ang mga mata. "Really? Sabi mo 'yan ah! Wala ng bawian! Ang bumawi, mukhang palaka!" Natawa nang malakas si Mads nang dinamihan ni Ven ang pag-order. But as for me, I feel like I'm gonna regret this soon.


"Isa pa ngang seafood platter, tapos...hmmm, isa ring filet mignon, tapos avocado cake, tapos-" Hindi ko na siya pinatapos magorder at binalik na ang menu sa waitress. "'Yun lang." I smiled at the waitress as a courtesy bago ibinalik ang tingin kay Ven, isang masamang tingin.


"Bakit mo ako pinigilan? Natakot ka noh? Hmp! Natakot kang mabankrupt?! Mayaman ka naman kang bruha ka." Pinanliitan ako ng mata ni Ven at pumangalumbaba sa lamesa.


"Oo natakot ako, e. Imagine, 'yung perang pinaghirapan kong ipunin, mapupunta lang sa tiyan mo!" I placed my hand on my chest, acting like I felt a sudden pang.


"Tama na nga 'yan, para kayong mga bata!" Pag-aawat sa aming dalawa ni Mads at baka magsabunutan na kami. "Ano pala 'yung sinasabi mo kanina, Ven? 'Bat ka nag 'oymemg!'" She mocked what Ven was exclaiming earlier.


"Ah, oo nga pala!" Humarap sa akin si Ven at parang hindi mapakali. "Si ano, si alam mo na, si...si-"


"Sisisi, ano!? Si ka nang si! Pagsisisihin mo kapag 'di mo 'yan nailabas sa bibig mo!" Akmang babatukan ko na siya, but I froze mid-air at ibinaba iyon dahil wala naman talaga akong balak ituloy.


"May nagtext sa akin...," Iniwas ni Ven ang tingin niya sa aking mga mata, I immediately felt uneasy. "Leverest is back."


Natigilan ako sa mga salitang binitawan niya, sa balitang hindi na ngayon mawala sa isip ko. Our memories flashed right before my eyes. May kung anong pagkirot akong naramdaman sa aking dibdib.


"Ash...okay ka lang?" Mads asked me with concern visible in her eyes. "Of course!" I faked a smile, bakit naman ako maaffect? Magtatanong pa sana ulit siya but I was saved when the waitress came serving our food.


"Waitress, bill please." I raised my hand as a signal for the waitress. She immediately got it and headed to our table with it.


My eyes widened when I saw the bill. "My gosh, bruha! Grabe ka! Lunch lang pero umabot tayo ng four thousand pesos!?" Binatukan ko siya. Nabilaukan si Mads nang marinig ang sinabi ko.


"Sabi mo libre e, baka wala na kasing kasunod kaya sinulit ko na." She turned her attention back to her food and started munching once again. "Talagang wala ng sunod!" Inabot ko na ang bill sa waitress, I paid in cash.


Natapos na rin sa wakas ang mga bruha sa pagkain. I didn't eat much, I was non-stop thinking about the news I received earlier. Pumunta na kami ng ospital para bisitahin si kuya.


"Kuya! I'm here!" Lumapit ako sa kanya and gave him a hug. "Kasama ko pala ang kaibigan ko, they're here to visit you, too." Napansin kong medyo nanigas siya but I just ignored it.


"Get well soon, Alezzzzzandro!" Sabay tawa ni Ven. Madalas kasi niyang pagtripan pangalan niya. Namamangha raw siya sa letrang 'z', ewan ko kung bakit. Tipikal na baliw.


"Get well soon." Nautal pa nang kaunti si Mads. That's weird, napakadaldal nito tapos ngayon uutal-utal?


I was busy peeling an apple at the side when I heard a knock on the door. I didn't bother to look up and just focused on what I was doing.


"Good afternoon, your doctor is out-" Natigilan ako sa pamilyar na tinig. I couldn't be mistaken, I know it's him. And my decision of lifting my head confirmed my thoughts.


I heard Ven gasp out loud. "Leverest?"

Lost Then FoundWhere stories live. Discover now