15

153 101 2
                                    

"E, alam na ba ng pamilya mo?" Taas-kilay na tanong ni Mads na nakaupo sa may kitchen counter kung saan nakatungkod ang mga siko.


Kaaakyat ko lang pagkatapos ng pag-aaminan namin. Ang sabi niya, liligawan niya raw ako.


Kinilig tuloy ako.


"Hoy, bruha! Tinatanong kita, alam na ba ng pamilya mo?" I pursed my lips.


"Siguradong hindi ako papayagan ni kuya." I sighed. "I will hide this matter for now."


She was still hesitating to talk pero pinigilan niya nalang ang sarili niya.


Iniba niya ang usapan.


"Tumawag nga pala kanina si Juanito, sabi niya pupuntahan ka raw. Hindi mo siya nakasalubong sa baba?" Kumunot ang noo ko. Bakit siya pupunta rito?


"Hindi ko nakasalubong, e." Umiling ako. "Bakit hindi ako ang tinawagan niya?"


"'Di ka raw mareach." Ah, oo nga pala, nalowbatt ako.


"Sige, tawagan ko nalang mamaya." Pumasok na ako sa kwarto at nagcharge.


Pagkaraan ng isang minuto ay bumungad na sa'kin ang napakadaming notifs.


Agad kong binalik ang tawag kay Juanito.


"Hello? Pumunta ka raw dito, ah. Bakit 'di kita nakita?"


[Ayoko kasing storbohin ang moment niyo.] Narinig ko siyang tumawa sa kabilang linya.


Wait, so he heard all of that!?


['Wag ka na mahiya, sweet niyo naman, e.] Pagdugtong niya.


"E bakit ka nga pala pumunta dito?" Pag-iiba ko ng usapan. "Hello? Andiyan ka pa?"


Weird, bakit wala akong marinig galing kabilang linya?


"Hoy!" Paulit-ulit kong sabi.


[Huh? Hello! Sorry, uhm, na-ano, namute kita.] I heard him chuckle.


"Tinatanong ko kung bakit mo napagdesisyonang pumunta rito?" I repeated.


[Wala lang, trip ko.] Um-okay nalang ako kahit hindi ako masyadong nakumbinsi.


"Sige, ibababa ko na ang tawag, ah." Hindi ko na siya inantay sumagot at tinignan na ang ibang nakalahad na notifs sa lock screen.


2 new messages from lenovalder.


"Oh?" Kuryosong binuksan ko iyon.



lenovalder: I just arrived home.

lenovalder: Are you sleeping already?

ash_kimenez: no, I'm still awake :p



Ang aga pa kaya, 9 palang. Usually mga 11 ako natutulog. Binalik ko kaagad ang tingin sa cellphone nang tumunog ito, signifying that I got a new message. He went from offline to online real quick, huh.



lenovalder: okay.

ash_kimenez: what are you doing rn? :D



Napakagat ako sa daliri ko.



lenovalder: talking to the person I like



Nasamid ako kahit wala naman talaga akong kinakain o iniinom. Nasamid ako sa kilig!


Lost Then FoundWhere stories live. Discover now