5

245 157 10
                                    

Naglalakad ako sa hallway habang hawak hawak pa rin 'yung bento box na dapat ay ibibigay ko kay Leverest. Sabi ni kuya ay nasa sick leave si Leverest, 'yun daw ang narinig niya mula sa kanyang mga kaklase.


Hindi kaya dahil naulanan siya kahapon? Bumuntong-hininga ako dahil parang naguiguilty ako na ewan. Or nag-aalala? Basta, kamusta na kaya siya? Well I expect that he knows how to treat himself since he is taking medicine.


Dere-deretso akong pumasok ng classroom na lutang, kaya hindi ko napansing may nagtitiktok na pala at naextra ako. "Sorry," I apologetically smiled at nagpeace sign pa ako.


"It's okay!" She sweetly smiled back and got her phone to delete the recorded video. Siya rin 'yung nakita kong nagtitiktok last time. Hanggang ngayon 'di ko pa rin alam name niya, magclassmates pa naman kami.


"Astrish, right? I'm Danyah Eunice Kaltas. You can call me Dany." Ngumiti na naman siya ng matamis and even offered her hand.


"Astrish Helix Kimenez, but you can call me Ash or Trish." I quickly accepted her hand at sinabayan ng ngiti pabalik.


"Sali ka? Tiktok?" Pormal na tanong niya. At first hindi ako pumayag, pero parang ang hirap niyang tanggihan. Ang bait kasi ng personality niya, kaya pumayag nalang ako.


Tinuruan niya muna ako ng steps para sa isang kanta na madali ko namang natutunan. That's because I actually have a tiktok account, though I use it to entertain myself with tiktok when I'm bored, I don't recreate. She chose a song named Supalonely.


"Yay!!" Natapos na kami sa wakas after several takes. Nakakahiya tuwing nagkakamali ako. "Do you have an account? So I can tag you." Tanong ni Dany habang busy sa pag-iisip ng caption na ilalagay.


"Yeah," I got my phone out and showed her my account name, in-add niya na rin ako. 


"Thanks!! I-uupload ko mamayang gabi!" Tumango ako, I'm honestly still against the idea of being in a Tiktok, but andiyan na kaya bumalik nalang ako sa upuan ko. Hindi rin tumagal ay nagsimula na ang klase.



"Before I dismiss everyone, let's discuss about your upcoming project, individual." Huminto ng panandalian ang teacher bago sinabi na individual iyon. And as expected, reklamo doon, reklamo dito, reklamo kahit saan. I actually prefer pairings or groups more, dahil para sakin magkakaroon ako ng karamay kung sakaling bumagsak.


"Everyone, quiet!" Pagbabanta ni Ms. Releno kaya natahimik ang lahat. "Every single one of you has to create a men's clothing. Pwedeng t-shirt, jacket, coat, suit, pants, etc. Make sure to get creative and artistic! Okay, class dismissed!" Dinabog niya ang kanyang manipis na wooden stick sa lamesa bago tuluyang umalis sa paningin namin.


"Uy Mads, anong balak mong gawin?" Pormal na tanong ko, because I honestly still don't have an idea right now.


"Balak ko siguro, coat. Pero wala pa akong naiisip na design. Ikaw ba?" Pormal din na sagot niya.


"Wala pa namang deadline, next time ko na siguro iisipin." Ang totoo ay wala talagang ideyang pumapasok sa utak ko. "Tara, puntahan na natin si Ven." I grabbed my bag at palabas na sana pero naudlot iyon nang may tumawag sa pangalan ko.


"Trish! Sandali!" Hinabol ako ni Juanito just right before the door. "Yes?" I asked.


"Pagkailangan mo ng model, I'm always free." Kinindatan niya ako at inunahan akong umalis. Uhm, okay?



"Ven!" Nagising ang diwa ko kaantay sa bruha nang sumigaw si Mads.


"Omg, guys! May exciting news ako!" Ven squealed. "So naalala niyo nung sinabi kong may bago na akong crush? His name is Kris, and he asked me to a date tomorrow! Oh my gosh!"


Lost Then FoundWhere stories live. Discover now