10

210 135 13
                                    

"So 'yun tapos nakatulog na'ko." Kinuwento ko kina Mads at Ven ang nangyari kanina. We're currently eating dinner right now.


"Nako nako 'wag kang maniwala sa mga ganyan!" Ven said while busy eating her pasta. "I mean siguro gusto ka nga niya, as a friend nga lang." 


Tumango-tango ako. May point naman siya. 


"Advice ko nalang sayo," Nag-isip pa si Mads na parang hinahanap ang tamang salita. "'wag mag-assume!" Tama, tama! 


"Ang sarap talaga ng luto mo, Ash! Promise!" Tumayo si Ven at nagpatungo sa kawali para kumuha muli.


"O'nga pala, Ash. May bagong project tayo. Kailangan natin gumawa ng couple shirts. Be artistic and have originality raw." Ani Ven.


Ano ba 'yan! Bwisit! Bibili na naman ba ako ng bagong mannequin!? Dalawang gender pa! Sira sira na kasi 'yung bulok na nabili kong mannequin kaya dinispose ko na kanina. 


"Pero 'wag ka mag-alala, by pair naman! Since pantay ang bilang ng lalaki saka babae sa klase natin, ginawang by pair para raw mas madali." Phew! Pero teka, sino naman 'yung kapair ko? 


"Choose your own pair 'yun," Nakahinga naman ako ng maluwag. "at ikaw ang pinili ni Juanito."


Ha!? Ano raw?! Pero, 'di na rin ako aangal. Siya ang pinakaclose ko sa class na lalaki. I guess that's better than being paired up with someone I'm not familiar with.


"Ship sana kita kay Juanito, kaya lang na kay Leverest na puso mo eh, yieeee!" Ven poked my side. Ang hilig niyang gawin 'yon! Tinapunan ko siya ng masamang tingin.


"Kayo na maghugas, ako na nagluto eh." I gave them a sweet smile. "Una na'ko sa kwarto!" Dinaan ko 'yung ginamit kong plato sa lababo bago pumasok ng kwarto.


I quickly took my phone out and messaged Juanito. May two weeks pa naman before the deadline pero nadala na'ko sa nangyari sa'kin nung last project, so I want to finish this as early as possible.



ash_kimenez: I heard we're partners for the proj, when do you want to meet up?

juanitorres: hello Trish! kumain ka na?  :>

ash_kimenez: yes, so when do you want to meet? and where

juanitorres: pwedeng bukas, tuesday. pwede rin namang tuesme <3



I rolled my eyes. Konti nalang talaga, iisipin kong may gusto siya sa'kin. Which is not allowed kasi may girlfriend na siya. Si scanner, na if I'm not mistaken Melissa ang pangalan. Nadaanan ko kasi IG niya days ago.


We finally decided on a time and place after Juanito's countless pick-up lines. Sa saturday namin gagawin dito sa condo ko. Ven and Mads are around anyways.








"Kuya!" I waved my arm. Today's Friday kaya 'di ako nagluto. Mas maaga kase klase namin pagfriday. Nagtake-out nalang ako ng Chowking at bumili ng fruit cups, para healthy pa rin.


"Kuya, andiyan ba si Leverest saka 'yung dalawa niyang kaibigan?" Sumilip ako sa loob ng classroom nila.


"At bakit mo sila hinahanap? 'Yung totoo, may boyfriend ka na? Nako, Ash. Sinasabi ko sa'yo, first year college ka pa lang! Tapos-" Pinutol ko na siya dahil sumasakit ang tainga ko sa sinasabi niya.


"Kuya, 'diba may utang ako kay Leverest? I'm using food to pay for my debt." I smiled. "Saka kuya wala ka na bang ibang masabi bukod sa boyfriend? 'Di mo ba ako namimiss?" I showed my cute smile at sinabayan pa ng pagkurap-kurap. He just rolled his eyes.


Lost Then FoundWhere stories live. Discover now