7

232 156 19
                                    

"Ako? Famous? Sa Tiktok?" Natawa nalang ako at umiling-iling. This is just so unrealistic, I don't even make tiktoks.


"It's true!" Pagpipilit nung babaeng about langit ang ngiti. "If you don't believe me, check your tiktok account! Una na'ko idol!" She waved one last time bago lumabas ng classroom.


"Oh, ano raw sabi?" Salubong na tanong sa'kin ni Mads, mukhang tapos na maglaro ang bruha.


"Tiktok famous daw ako," Sinabayan ko ng sarkastikong tawa, ngunit napaismid ako nang lamunin ng tawa niya ang akin.


"Check mo nga!" Nagdududang utos niya sa'kin. Kung makapag-utos!


Binuksan ko 'yung app at nag-log in. Bago pa nga lang pala 'yung phone ko, hindi ko pa nabubuksan lahat ng social medias ko.


"Nak ng potchi!" Inagaw niya mula sa'kin ang cellphone at tinutok sa kanyang mata. Akala mo siya 'yung may-ari ng account, gulat na gulat e.


But still, 23K followers!? Andami ring dm's! How did I manage to gain that much fans?


"Famous nga," Mads snapped back to reality. "Hey aydel, pa-autograph!" Panloloko niya sakin at pambihirang naglabas ng kakarampot na papel na akala mong nadampot sa basurahan.


The day went on and 'di talaga tumitigil 'yung notifications ko!  Sasabog na 'ata phone ko, e! So in the end, I just logged out of my account and finally felt peaceful.


"Tara," Aya ko sa bruhang napakabagal mag-impake ng gamit.


"Astrish!" Fan na naman ba 'to? "May naghahanap sa'yo sa labas ng classroom!"


Nakahinga ako ng maluwag nang malamang hindi siya magpapapicture o magpapa-autograph. Phew! Kaya lang, sino naman 'yung naghahanap sa'kin? Fan din? I groaned on the way out.


"Sino ba-" My annoying lazy voice automatically stopped by itself when I spotted Leverest.


"Hi!" I plastered a smile, parang nawala lahat ng inis ko, ah. Kumalma ka nga mongoloid, baka may masabi kang ikasisisi mo. "Hinahanap mo raw ako?" Tumango siya bilang pagkumpirma.


Hinahanap niya raw ako! Naman, e! Para akong naconscious bigla ng saglit siyang tumahimik. I stuck my feet together, and clasped my hands together behind my back.


"I want to treat you to dinner," Hoy, dinner daw! Dinner, alam mo 'yon? Hindi kaya nafall na siya sa'kin? "-to thank you for taking care of me." And that's how my smile lost its shine.


Sabi ng 'wag aasa eh. Pero at least dinner with crush! Better than none. "Sige, wait lang. Paalam lang ako sa kaibigan ko."


Hindi ko na siya inantay sumagot at binalikan ang bruha.


"Kayo nalang ni Ven magdinner! May date ako," I leaned towards the table, the edge of the table supporting my butt.


"Date!?" Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. "Aba, sino 'yan?" She cautiously smirked before looking around thinking someone might hear us.


"'Di naman date, dinner lang." Kinikilig na mahina kong sabi. "With Leverest." Umabot hanggang tainga ang ngiti ko, siguro hindi na nga matagpuan pa ang aking mga mata dahil nilamon na ng pisngi ko.


"Ay talaga?? Sige, goodluck! Fighting!" Tinaas niya ang kamao niya at nginitian ako ng napaka-supportive. I hugged her before going back to Leverest, baka mainip.


"Let's go?" Nakangiti kong bungad at nilingon niya ako. He nodded at sabay kaming naglakad paalis.


"Where do you want to eat?" He glanced at me when he asked the question. Malapit na kami sa exit, we were already walking through the loud hallway filled with crowds.


Lost Then FoundOnde histórias criam vida. Descubra agora