6

230 153 17
                                    

Naghanap ako ng maliit na palanggana rito sa condo ni Leverest. Inipon ko roon ang malamig na tubig and cautiously brought it to his room. I got a clean cloth and dipped it before squeezing it para hindi masyadong mabigat para sa ulo niya. I folded it twice before placing it on his head.


Tama ba 'tong ginagawa ko? Hindi ko rin alam e. Ginagawa ko lang naman 'yung napapanood ko sa mga drama. Hindi naman ako makaresearch kasi wala akong access sa wifi rito, naubusan pa ako ng data.


Maya-maya ay narinig kong tumunog ang doorbell, si Mads na siguro iyon. Nagpadala ako ng spare clothes kasi amoy alak pa rin ako.


"Yiee, ikaw ah chancing." Mads gave me the teasing look and lightly poked my side. I flinched, kaya sininghalan ko siya.


"Chancing mo mukha mo." I rolled my eyes and grabbed the paper bag she was holding with her right hand.


"Fighting!" Tinapik niya ang balikat ki at lumayas sa harapan ko. Napaisip ako sa sinabi niya at kumurap, fighting? Huh?


Pinili kong maligo nalang sa kabilang CR, 'yung nasa tabi ng kusina. There's actually one in his room, but it would be awkward for me. Baka magising nalang siya bigla tapos magkasalubong kami. Magka-heart attack pa 'yon pagnasilaw siya sa kagandahan ko.


Pagkatapos ko maligo ay pumunta ako sa kusina at naghanap ng mga ingredients na maaaring gamitin sa pagluto. I placed all of what I can find on the countertop and did some aftermath. It's like my mind is coming up with a recipe with the given ingredients. I ended up making porridge.


"Perfect!" Saad ko nang matikman ang final product. Nagsimula naman akong maglinis. The living room was a mess dahil doon natulog ang mga bruha. Lalo na 'yon si Ven, kala mo nasasapian habang natutulog, e.


"Finally, tapos na!" Binagsak ko ang sarili ko sa sofa upang magpahinga kahit sandali lang. I afterwards went in his room and left a note.



[Sorry sa abala, make sure to take care of yourself!! Make sure to eat the porridge first if you're hungry. Wala pa laman tiyan mo. <3 Get well soon!

-Astrish]



May paheart-heart pa akong nalalaman. Hihi. Get well soon, crux! Inayos ko na ang mga gamit ko para makaalis na-



Sana. Aalis na, sana. Kaso nag-ring 'yung doorbell. Nanlaki ang mga mata ko dahil 'di ko alam ang gagawin ko! Nagpapanic ako! Baka si Mads 'yun, may nakalimutan lang. Pero hindi, e. Ano naman makakalimutan niya?


Pa'no na ako makakaalis neto?! Wrong timing naman, letse! Calm down, Ash, calm down. Mag-isip ka at nang magamit mo ang utak mo!


Mass x acceleration? Distance and displacement? Scalar and vector? Taena, ano ba 'tong iniisip ko!


E kung magtago nalang kaya ako? Tapos, hintaying gumising si Leverest at siya na ang magbukas ng pinto? Tama! 'Yun nalang. Bahala na mamaya kung pa'no 'ko makakaalis.


I quickly took all my things and hid inside the CR near the kitchen. I made sure to leave no trace at all, kung hindi katapusan ko na! Binaba ko ang mga gamit ko sa sahig at sinandal ang likod sa pinto.


Narinig ko ang muling pag-ring ng doorbell na sinundan ng mga yabag ni Leverest. I mean, wala naman ng ibang tao dito, 'diba? Edi malamang si Leverest 'yon.


"Hey, broooo! Wassupppp!" 'Di ko alam kung sino ang kasalukuyang nagsasalita.


"Cal? Dale? Ano ginagawa niyo rito?" Tono palang ng boses ni Leverest ay hula kong nakataas na ang isa niyang kilay. Pustahan tayo.


Lost Then FoundWhere stories live. Discover now