14

164 105 9
                                    

"So magta-transfer ka na next semester sa culinary?" Tanong ni Juanito nang makuha na namin ang drinks. Sa Starbucks kami ngayon nakatambay.


"Yeah." I took a sip of my chocolate chip cream frappe.


"Aw, sad naman. Mamimiss kita." He smiled at me. Tinignan ko lang siya. Is he serious?


"Ang drama mo. Matagal-tagal pa ang next semester, noh. Mga tatlong linggo pa." Umiling-iling ako at binalik ang tingin sa phone. I heard him chuckle.


"Uy seryoso ako, mamimiss talaga kita." He sincerely smiled.


"Sige na. Mamimiss din kita." I scrunched my nose at him. Sabay kaming natawa.


Nagscroscroll ako ngayon sa Instagram at nakita ang post ni kuya. Class picture nila. Pero hindi official, hindi 'yung mismong school ang nagpicture.


Dumaan ang paningin ko sa mukha ni Leverest. Naalala ko na naman tuloy 'yung nangyari nung gabing 'yun!


Nakakahiya! Huhu. Iniiwasan ko na nga siya, eh. 'Di ko siya kayang harapin pagkatapos ng sinabi ko!


"Huy! Parang ang lalim ng problema mo, ah!" Napatingin ako kay Juanito.


"Eh, kasi Juan..." Napakamot ako sa ulo ko. Sasabihin ko ba? Sige bahala na, baka matulungan niya pa ako.


"So, naalala mo noong nagcelebrate tayo kasi nanalo ako? Nung gabing 'yun, parang nagconfess ako? Pero hindi talaga confess, ay ewan! Eh lasing pa naman ako nun!" I face-palmed.


"Uy, Juan!" Nakatulala lang siyang nakatingin sa'kin.


"Si Leverest ba?" He smiled. But, why do I see pain?


"Oo." I sighed. Tumawa lang siya ng malakas kaya napataas ang isa kong kilay.


"Nakakatawa?" Sinimangutan ko lang siya.


"If you really like him, then tell him. What's the point of keeping it to yourself?" He sincerely smiled and sipped on his iced coffee.


"Baka 'di naman niya ako gusto, eh."


Ouch. Naiisip ko palang parang nasasaktan na'ko.


"You'll never know if you won't ask him, Trish." Aniya.


May point naman siya. Pero if umamin ako baka magsisi rin ako. Baka mareject ako kaagad.


"Besides, if ayaw niya sa'yo, then it's his loss. Marami pa diyan nagmamahal sa'yo." He added.


"Marami? Pa'no mo nasabi?" I chuckled.


"Basta," He smiled at pinitik ang noo ko. "alam ko!"


I laughed. May mga secret admirers ba'ko?


Anyway, napagdesisyonan kong kausapin si Leverest. Pero 'di muna ngayon, saka na pagnahanda ko na ang sarili sa sakit na matatanggap ko kung sakaling mareject ako.


"Thanks, Juan." I sincerely smiled.


"Anytime for you, Trish! Kahit sa ganitong paraan lang, basta matulungan kita, masaya na'ko." He winked and clicked his tongue. I playfully rolled my eyes.







"Shh, Ven. Tahan na." I caressed her back. Nabalitaan namin ni Mads na niloko ni Kris ang kaibigan namin. He cheated on her with another girl.


"How dare he." Mads clenched her fists. Galit na galit na siya ngayon.


"Mads." I shakes my head sideways, kasi mukhang mambubugbog na siya. Blackbelt pa naman 'yan.


Lost Then FoundWhere stories live. Discover now