13

36.8K 1.6K 791
                                    


Demrene's Point of View

Linggo ngayon at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Natapos ko na 'yung calculus at scarpbooking kaninang umaga. Wala naman ng pinapagawa sa ibang subjects.

Nasubukan ko na ring tawagan si Maddy pero busy daw ang bruha. Ano na naman kayang pinagkakaabalahan n'on?

Dahil sa pagkabagot kakahiga sa kwarto, napag-isipan kong gumala. Makapunta kaya sa Intramuros? Wala naman akong ginagawa. Makapagliwaliw muna.

Pagkatapos kong magbihis, narinig kong tumunog ang cellphone ko. Inabot ko 'yon sa drawer at nakita ang pangalan ni Matt.

Bahagyang kumunot ang noo ko pagkatapos sagutin.

"Ba't ka napatawag?" Bungad na tanong ko rito.

"Wala lang. Just want to check you."

Umupo ako sa kama at inabot ang rubber shoes ko. Pinatong ko naman muna ang cellphone sa drawer pagkatapos ay ni-loud speaker ito.

"Lol. Baka may kailangan ka?"

Narinig ko ang pagtawa nito sa kabilang linya.

"Wala nga. By the way, may pupuntahan ka ba ngayon?"

Natigilan naman ako sa pagsisintas ng sapatos. Isama ko kaya si Matt sa Intramuros?

Napailing ako sa naisip. 'Wag na. Ayoko rin ng may kasama ako kapag magliliwaliw. Self time muna. Tsaka baka magpalibre 'yon sa'kin. Mauubusan ako ng budget!

"Wala naman. Tutulog ako maghapon, magdamag. Sige, kita na lang tayo bukas. Antok na ako."

Narinig ko pang nagsalita si Matt pero hindi ko na 'yon naintindihan dahil kaagad ko 'yong pinatay.

Nang matapos ako sa pagpe-prepare, sinulyapan ko ang oras sa wall clock. Alas syete na agad? Payagan kaya ako ni Mama gumala?

Syempre papayag 'yon, ako masusunod e.

Pagkababa ko, nakita ko agad si Mama na nagluluto sa kusina, si Papa naman busy sa panunuod ng balita tungkol sa Anti-Terrorism Bill. Hindi ko naman na 'yon pinansin kasi wala naman akong alam d'on tapos mukhang nakikipagbangayan pa si Papa sa harap ng TV.

"Mama!" Tumalon ako at niyakap si Mama patalikod, bahagya naman s'yang nagulat dahil sa ginawa ko. Tinawanan ko ang reaksyon n'ya.

"Ano ka ba namang bata ka!" Suway sakin ni Mama at akmang papaluin ng sandok. "Sa'n nanaman ang gayak mo?" Tanong nito habang hinahalo ang mainit na sabaw. Amoy sinigang na manok!

"Gagala lang sa labas, Ma. Saglit lang." Nakangiti kong saad.

"Sino namang kasama mo?" Tanong ni Mama na parang hindi ito papayag sa tono ng boses.

"Si Maddy! Lagi namang s'ya yung kasama ko kapag gagala kami. Payag ka na, Ma. Sayang naman yung suot ko o." Sinibit ko sa braso ni Mama ang braso ko at sinimangutan s'ya.

Umiling lang naman ito at tumalikod para kuhanin ang Sinigang Mix.

"Hala, sige! Basta huwag aabot ng alas dyis. Malilintikan ka sa Papa mo."

Napatalon naman ako dahil sa tuwa. "Yey! Copy that, Ma!"

Pagkasabi ko n'on ay kaagad kong isinakbit sa aking balikat ang shoulder bag. Napatingin naman sa'kin si Papa, nginitian ko ito at binalik naman n'ya agad ang tingin sa TV.

Seducing My Crush [Alluring Series #1] - Completed [TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon