"Is she okay? Malala ba ang damage na nangyari sa kaniya?"

Nasaan ako? Nasa langit na ba ako?

My god, bakit ba kasi ako tumawid sa daan ng basta basta? Paano na ang mga pangarap ko? Paano na sina auntie, papano na ang lahat ng meron ako? Papano na yung interview...! Yung interview ko!

Huhu! Sayang naman yung interview with Alvareoz Main. Bakeeett?? Napakatanga mo naman kasi Geraldine! Anong klaseng tao ka?!

"Nothing's really serious. Nagkapasa lang ang katawan niya dahil sa pagkakabangga niya sa kotse mo. Bukas naman ay pwede na siyang umuwi."

Kumunot ang noo ko. Sino ang mga nag-uusap na iyon? Mga guwardiya ba sila ng langit? O baka naman mga guwardiya ng impyerno?!

"I'll be going now. Hintayin mo nalang na magising siya." rinig ko pang boses. Hala! Mga guwardiya siguro talaga sila. Pero bakit parang may mali?

Pinilit kong huwag imulat ang mga mata ko nang marinig ko ang yabag papunta sa akin. Omo, anong ipapagawa nila kapag nagising ako?

"Hello?"

"Hoy! Sino ka? Alyana bakit lalaki ang sumasagot eh si Aldine naman ang tinawagan ko?"

Nabigla ako at napamulat nang marinig ko ang boses ni auntie. Tama naman ang pagkakarinig ko hindi ba? Pagkamulat ko ay nakita ko ang isang nakatalikod na lalaki.

"I'm sorry I—

Pinilit kong tumayo kahit na masakit ang katawan ko at inagaw sa lalaki ang cellphone ko. Pinatay ko ang tawag at sinamaan ito ng tingin.

"Gusto mo ba akong ipahamak?!" napasigaw ako sa bigla. Hindi ko rin alam kung bakit. Siguro dahil na'rin sa ayaw kong magalit sa'kin si auntie at pauwiin ako sa bahay ng mga magulang ko. Ayoko no'n.

"You're awake." giit ng lalaki. Nabigla pa ako nang makilala ko kung sino ito.

"H-Hunter Alvareoz?!" nanginig ang mga kamay ko. Totoo ba 'to o nananaginip lang ako? Shemay!

Lumapit siya sa akin at pinaupo ako sa kama. "Don't stand too long. You're still in pain." giit nito at ngumiti sa akin. Nakatitig pa'rin ako sa kaniya.

"Y-You're Hunter Alvareoz, right? The next CEO of the Alvareoz Main?" tanong ko at hindi inalis ang tingin sa kaniya.

"Well...yeah. Why did you ask?" napakamot ito sa batok niya. Napangiti naman ako ng patago.

"Ikaw ba ang nakabangga sa akin? M-May interview ako ngayon sa kompaniya niyo pero...aray..a-ah.."

Dali dali niya akong nilapitan. "Are you okay? Should I call a nurse? A doctor?" kinakabahan ito. Hindi ko alam kung matatawa ba ako or what. Mukhang madali palang utuin ang isang Hunter Alvareoz.

"W-Wag na, sumakit lang naman y-yung pasa ko sa may bandang bewang." nagpaawa effect ako. Hindi pwedeng masira ang pangarap ko na makapasok sa kompaniya nila ano.

Nagpanggap ako na sumakit talaga ang pasa ko sa may bewang. Teka, may pasa nga ba ako sa may bewang? Ah bahala na. Tinitingnan ko rin ang mukha niya ng pasimple. Mukhang naaawa ito sa lagay ko. Tumawa nalang ako sa loob loob ko.

"P-Pangarap ko na makapasok sa k-kompaniya niyo pero..." napakabilis pero pumatak ang fake na luha mula sa mga mata ko. Well, ganiyan ang mga professional. "Ang sabi ng k-kaibigan ko hanggang ngayon l-lang daw yung..." humagulgol ako. Ng fake, siyempre. My goodness, pwede na'kong bigyan ng award. I'm so great.

"D-Don't cry, don't." naramdaman ko ang malalamig niyang kamay sa braso ko. Mukhang kinakabahan talaga siya. "Ipapasok kita sa kompaniya, j-just don't cry. Please."

DuplicateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon