"Not tonight , we will talk but not tonight . I am going to turn off my phone now , you should go to bed too."

"Ash please."

"Please, let us go to sleep . I am so tired. I will see you tomorrow Good night."

"Let me hear your voice, even for just a sec, please."

Huiminga ng malalim si Ashley . Pinindot ang call sa phone.

"Good night baby boy " bati ni Ashley.

"Good night princess. I love you. I don't know why you affect me this much . One thing for sure, my life will never be the same again if you won't be a part of it."

"Don't say that. I was not a part of your life for almost 10 years."

"Maybe not physically but in my heart and mind , you always are. I never forget you."

"Matulog na muna tayo , masakit na ang ulo ko . Good night ." Naiiyak na nasabi ni Ashley.

Ashley ended the call before she can say something that she will regret later

Kinabukasan , nagulat pa si Mommy Vangie ng pagmulat nito ng mata ay si Gerald agad ang nakita niya.

"Good morning mommy! HInalikan ni Gerald ang nagulat na mommy niya....

"Anong nakain mo at aga mong nagising . Umaga na kayong nakauwi di ba , heto gising ka na agad? Naunahan mo pa ako?"

"May malaki akong pabor na hihingin saiyo mommy. Sana mapagbigyan mo ako. "Umupo si Gerald sa gilid ng kama ng mommy niya.

"Mukhang napakalaking bagay niyan anak ah, ano ba yun? "

"Samahan mo naman akong puntahan si Ashley sa condo nila sa Makati. For sure hindi ka nun matatanggihan, Gusto ko siyang makita bago ako pumunta ng Cebu. Mas maganda sana kung makasama ko siya pero alam ko hindi siya sasama. "

"Ngayon na?" HIndi makapaniwalang tanong ni Mommy Vangie.

"Kung pwede , baka matakasan na naman ako nun eh. "

"Anak, huwag mong masyadong bakuran si Ashley. May girlfriend ka na. "

"Siya ang mahal ko mommy. Alam mo naman yun kahit nuon pa di ba?"

"Paano si Chrissy? "

"Kakausapin ko siya mamaya pag may time . Sige na bihis ka na mommy, mamaya ma traffic na."

Nagulat pa si Ashley ng may mag buzzer. Tiningnan ang oras. Wala pang 9 am ah. Tanghali na rin pero wala naman siyang inaasahang bisita at this time of the day.

Sinagot niya sa intercom, "Yes what can I do for you?"

"Iha, Tita Vangie mo to, naisip ko dalhan kita ng breakfast. Pwede bang tumuloy?"

"Hala Tita , opo naman, come on up , buksan ko na pinto , pasok na lang po kayo , bihis lang ako."

Dali daling binuksan ni Ashley ang pinto, at patakbo ding bumalik sa kwarto para magbihis. Tinanghali din siya ng gising. Dapat nasa daan na siya ngayon .

Habang nagbibihis si Ashley ay ihinanda naman ng mag ina ang breakfast. Sa may sala na lang nila inayos dahil nga nirerenovate ang kitchen. Buti nakahanap si mommy Vangie ng vase para sa bulaklak na binili nila sa nadaanang market.

Nagulat lalo si Ashley paglabas nito. Una niyang nabungaran si Gerald na nakangiti sa kanya ng buong tamis. Inaayos ang bulaklak sa may coffee table. "Good ,morning Princess!

"Good morning iha, pasensya ka na , ginising din ako nitong taong ito , kaya wala akong nagawa. "

Natutulala man ay nagawa pa ring humalik si Ashley kay Tita Vangie. Bumeso din si Gerald.

"Told you , I will do anything and everything!" Narinig ni Ashley na sinabi ni Gerald.

"Thank you , it looks delicious! "

Uupo na sana si Ashley ng marinig nilang may kumatok sa pinto . Nagulat na naman si Ashley.Sabado ngayon ah, alam niya hindi nagtra trabaho mga workers pag week end . Nagkatinginan sila ni Gerald.

Binuksan ni Ashley ang pinto. Si Colin may dala ding breakfast. Good morning , dinalhan kita ng breakfast , alam ko ginagawa pa kitchen nyo..... hindi naituloy an g sasabihin dahil nakita na si Gerald and Mommy Vangie. Nakangiti si Mommy Vangie sa binata pero mukha ni Gerald kung pwede lang sigurong sapakin na siya that moment ginawa na.

"May nauna na pala sa akin."

"Good morning , halika pasok ka muna, "

"Hindi na , have to go to the hospital today. May pasyente akong dapat i monitor. Tawagan kita later. Hindi ako pwede today pero bukas pwede kitang samahan kahit saan. "

Naririnig ni Gerald ang usapan nila.Pinipigil niyang huwag lumapit at baka nga maupakan niya ang kausap ni Ashley.

Nakita ni Gerald na bumeso si Colin kay Ashley at kumaway sa kanila.

Bumalik naman si Ashley , inilagay sa fridge ang dala ni Colin at umupo na uli sa tabi ni Mommy Vangie sa sala.

"Anong floor unit ni Colin?" Tanong ni mommy Vangie habang inaayos ang coffee ni Ashley.

"Dito din Tita , he  lives next door." Sagot ni Ashley na napatingin kay Gerald na napatayo as soon as sinabi niyang next door.

"That's it, you are coming home with us."Tiim bagang na sabi ni Gerald.

Hindi napigilan ni Ashley ang sarili at hinila ang kamay ni Gerald paupo."Ikaw talaga, maupo ka nga. Nasa daan na sana ako niyan kung hindi mo ako pinuyat. Ang kulit mo."

"Oo nga naman anak, huwag kang masyadong mainitin ang ulo. Napapahamak ka tuloy. Buti na lang hindi ka masyadong nasaktan ng suntukin mo tv, abay magdahan dahan ka naman ng pag iisip ha." May konting galit na boses ng mommy ni Gerald.

"Itong kasing prinsesang to eh, ang tigas ng ulo. Bakit dito pa umuwi. Di sana pare pareho pa tayong tulog ngayon."

"So doctor pala si Colin? Anong klaseng doctor? Tanong ni mommy Vangie.

"Oncologist Tita." Wala sa loob na sagot ni Ashley . Habang pinipigil ang kamay ni Gerald na pilit siyang sinusubuan.

"Ako na nga, ang kulit mo , lalo akong hindi makakakain niyan eh."

"Kayong dalawa, mamaya natapon na yang mga pagkain sa kakulitan ninyo. Gerald. leave her be. Ano ka ba.Para na naman kayong mga batang naghaharutan niyan."

Nakangising tumigil si Gerald. "Sabihin mo sa Colin na yun, kahit anong gawin niya, he can not take you away from me. You are mine"

"You are mine ka diyan, ano ako parang laruan na inaangkin mo. Magtigil ka nga."

"Iha, oncologist ba kamo? Doctor sa cancer?" Tanong uli ni Mommy Vangie.

"Opo Tita" Natigilan si Ashley, napatingin kay Mommy Vangie.

"Kaya pala familiar ang pangalan niya. Nabasa or narinig ko na pangalan niya before hindi ko lang matandaan. "

"Bakit mommy may kilala kang may cancer?" Interesadong tanong ni Gerald.

"Oo anak, kumain ka na rin, uuwi ka pa ba? Anong oras ba flight mo?"

"Hindi mommy, magkikita nalang tayo nina Jalal at Ali sa airport," sagot ni Gerald sa tanong ng mommy niya.

"Ano princess, sama ka sa amin sa Cebu? May basketball kami duon mamayang gabi, don't have to come back right away , pwede kitang ipasyal duon. Pwede din tayong pumunta ng Gen San for few days pag sumama ka , sasama din si mommy. "

"Next time na lang , may aasikasuhin lang muna ako. Gusto ko ding makarating ng Gen San someday."

"Promise mo yan ha. Sige babalik din ako tonigt right after the game, Kung anuman yang lakad mo, hintayin mo ako, will be here at 8 tomorrow morning, sasamahan kita. "

"You don;'t have to. Magpahinga ka na lang."

"I want to" Maikling sagot ni Gerald at pinipilit uling subuan si Ashley.

You and IOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz