30

153 5 2
                                    

My head hurts, Nagising ako sa isang pamilyar na lugar. Wala akong maalala sa mga nangyayari, Ang huli kong ala ala ay ang magmeet kami ni Janus. Agad akong napabangon dahil hindi ako kumportable sa lugar na ito.

"You're awake! Should we get a coffee or go out for a walk? You must be uncomfortable here." He maintain an eye contact with me while sitting in a relaxed position.

"Dr. Farrel? Bakit ako nandito?" Nagtatakha kong tanong. Ngumiti siya.

"Cinontact ako ni Janus after mong mahimatay, nakalagay din kasi sa unahan ang message ko dahil tinext mo ako kanina." Aniya. Napangiti naman ako nang matamis, Janus really cared.

"Anyways, coffee? I've got time to talk." Aniya habang tinignan ang relo. Ngumiti ako at pumayag, lumabas lamang kami at nagusap sa isang coffee shop. Magaan ang loob ko kay Dr. Farrel. Lagi niya akong kinakausap at lagi kaming nagkwekwentuhan.

"So Amira, how are you feeling today?"

Nginitian ko siya, hinalo ko ang kape ko at tsaka sumagot.

"I feel like I handle things quite well even if obstacles get in my way, I accept that I can't always control things, but I do what I can." bulong ko, naramdaman ko ang lasa nang kape sa dila ko.

"Then how about if I have met you a years ago, what things you enjoy doing?" Takhang tanong niya. Napaisip ako.

"Most probably related sa nature, and I also love watching weddings!" Masaya kong sabi, naalala ko dati maski sa youtube ay nanonood ako nang mga palabas nang ikakasal.

"Is it the same as happiness?" Tanong niya, tumango tango ako.

"Then, when was the last time that you did all of the hobbies you mentioned? " napatigil ako at napatulala. Nagsimulang mangatog ang labi ko.

"I don't know." Bulong ko, tumango siya.

"So it sounds like you are not in your usual self, Now I am worried, What's bothering you?"

"Janus, mom and my friends" Bulong ko, nagsimulang mangatog ang mga kamay ko. Hindi ko iyon pinansin.

"So Janus? Is he a nice guy?" Naramdaman ko ang pagtulo nang luha ko sa aking pisngi. Agad ko iyong pinunasan at ngumiti sakanya.

"I noticed that you started to tear up when I mentioned his name, you can express what are you feeling right now, Amira. Just imagine that you're talking to Janus." Tumango ako at huminga nang malalim. Nagsimulang mamuo ang mga luha sa mata ko at nagsimula din ang pagbigat nang nararamdaman ko.

"Masaya tayo dati eh. It's like we against odds." Natawa ako bago magpatuloy. "Kasi kahit na madaming humahadlang, tayo pa din."

"Lagi tayo magkasama, tiniis ko lahat nang sinasabi nang iba tungkol saakin.
Kaladkarin akong babae, nagpapalahi lang ako sayo, malandi, bobo at iba't iba pa. Kapit lalaki lang daw ako para tumaas ang grades ko, mababa kasi ang grades ko. Hindi ko naman kasi talaga gusto yung course na kinukuha ko kaya wala talagang pumapasok sa isip ko, pero hindi naman ako bobo, hindi ko nga alam kung bakit nasasabi nila 'yon kung tutuusin hindi naman nila ako kilala."

"Pero okay lang, kasi nandyan ka eh. Nandyan si Janus na laging nasa tabi ko. Sabi mo wag ako sumuko kasi mahal na mahal mo ako, di mo ako kayang mawala kaya kahit anong masasakit na salita ang binabato nila? Binalewala ko nalang kasi mahal na mahal din kita."

"Hindi ko alam kung bakit isang araw parang nagiba nalang ang lahat, hindi ko alam kung ako ba ang may pagkukulang kaya ginawa ko lahat nang pwede kong gawin para mapasaya at makuntento kasakin.
Lagi ka nalang nagsisinungaling saakin, m-minsan nga pinagbuhatan mo pa ako nang kamay pa, sinampal sampal mo ako sa pag aakalang may iba akong lalaki. Hindi mo pinakinggan ang paliwanag ko basta mo nalang akong sinaktan. Hinubadan mo pa ako at k-kinaladkad muntik mo pa akong buhusan nang kumukulong tubig dahil g-galit na galit ka."

"Naiintindihan ko dala lang nang galit kaya mo iyon nagawa. Iniwasan ko ang mga kaibigan ko kasi ayoko din silang madamay, gulo natin to. Hindi na nila sakop. Ayoko ding mag alala sila, magiging pabigat lamang ako kapag nagkwento ako at isa pa pipilitin nilang hiwalayan kita, hindi ko k-kaya..."

Huminto ako sa pagsasalita at hinabol ko ang hininga ko, hindi ako makahinga sa sobrang pagiyak. Pinilit ko pa ding magkwento.

"K-kahit na may kutob na ako ay hindi ako nang bibintang, nanahimik ako kasi mahal na mahal kita. You said that you want me to take pills? B-bakit? Kasi hindi mo ako kayang panagutan? Kasi hindi ka pa ready? Naiintindihan ko kaya tinago ko sayo si baby. Oo nagbunga na, magkakaroon na nang mini me o dikaya jr mo. Sobrang saya ko non, pero at the same time natatakot ako kasi diba hindi ka pa ready? Nilunok ko ang takot ko at balak ko sanang sabihin sayo sa mismong birthday ko. Alam kong hindi ko pa kaya pero kahit sa sandaling panahon. Mahal ko na ang magiging anak ko."

"Pero gabi bago ang kaarawan ko, nakita kita kasama ang babaeng pinakamamahal ko. Sumasayaw kayo at ang ganda ganda nang mga ngiti mo. Hindi ko ata nakita iyon kapag kasama mo ako, hinalikan mo pa siya habang ako sa labas nakatingin sainyo, basang basa ako non. Wala akong ibang iniisip kung bakit nagkaganon? Kung bakit sa dinami dami nang tao, mommy ko pa? Wala akong maintindihan, gusto kong magpakalayo layo. Nagkulang na naman ba ako?"

"Naalala ko ang kwento ni mommy, matagal na siyang may nakilalang lalaki na hindi siya hinayaan na maramadaman niyang nagiisa siya. Ikaw pala yung tinutukoy niya don, nakakagago talaga ang ikot nang mundo no? Hindi ko lang alam kung paano mo nagagawang ngumiti saakin kung alam mong meron kang ginagago? Kami pa nang mommy ko. Ang sakit sakit."

Huminga ako nang malalim at pinunasan ang luha ko, binigyan ako nang tubig ni Dr. Farrel agad ko itong ininom. Tila pagod na pagod ako at uhaw na uhaw.

"It w-was like one day you doesn't care about me anymore. You just want to sleep with me without getting any commitment, you want all the benefits without having a responsibility and I am too tired to think about that. Paulit ulit nalang, Is this how love supposed to feel?"

"But still, I won't go anywhere
I wont leave and I will be here everytime you need me, I dont care if there are millions of reason to leave. I will stay and I will make you mine again." Doon na naman nagsimulang tumulo ang aking mga luha, hindi ko namalayan na humahagulgol na ako.

"You feel that you need to be somebody else just to make him comeback?" Tumango ako, natawa ako nang may maalala ako.

"My mommy trained me to be like her, I am a mistake, so I need to pay. I'll let her control me, I always need her approval and validation this is my life yet I didn't handle it. It was her all along, but it's alright atleast those things that she taught me can be the reason to make him come back to me."

Nakita ko ang pag ngiti ni Dr. Farrel, siya lang ang naniniwala saakin.

"I see, Lots of people go through this sort of thing. Getting help will make it easier. I hate to see you struggling on your own. There are people that can help."

Hinawakan niya ang kamay ko at binulong ang pangalan na kinamumuhian ko.

"Anika."

_______

Life In Reverse(completed)Where stories live. Discover now