10

141 15 21
                                    


Nakita ko na nakahandusay si mommy habang yung lalaki ay nagdudugo ang ulo. Dali dali akong tumakbo kay mommy,

"Call the police." Bulong niya habang hawak ulo niyang napuruhan ata sa pagbagsak niya.

"M-mommy..." natataranta kong sambit, hindi ako makagalaw dahil may tumutulong dugo din sa noo niya.

"Myghad Anika, Just call the police!" Sigaw niya, agad akong napatayo at natatarantang tinawagan ang mga pulis. Natauhan ako sa pagsigaw niya kaya biglaan ang pag bilis ng aking kilos.

Mabilis lamang ang mga pangyayari, dumating ang nga pulis ni hindi ko alam kung paano nagawan ng lusot ni mommy yung lalaki na nagsasabing si mommy mismo ang naginvite which is totoo naman, wala akong maintindihan sa sinasabi nila basta ang alam ko lang umiiyak si mommy tapos pinosasan ng pulis ang lalaki.

Hindi ko namalayan na naayos na ang lahat at nakulong na ang manyak na 'yon.

Nakatulala lamang ako, "Anika b-baby... talk to mommy. I'm so sorry..." naiiyak siya at may benda pa ang ulo niya, hinawakan ko iyon. Nakagat ko ang labi ko. She will do everything for me.
"Can you do me a favor, mommy?"

"Anything, anika. Ano 'yon?" Natataranta siyang sundin ang gusto ko.

"Just please, don't do that again..." tuluyan na akong napaiyak. Panay hingi ng paumanhin si mommy. Hindi ko alam kung paano pero nakatulog nalang ako sa bisig niya, ang alam ko lang nakakapagod ang araw na iyon.

Naalipungatan ako dahil sa amoy ng ulam, nabalikwas ako. Imposibleng si mommy 'yon dahil hindi naman siya nagluluto. Agad akong pumunta sa kusina at nanglaki ang mata ko ng, makitang tumitili tili si mommy habang ginagawang shield ang kaldero. Agad akong natawa, kaya napatingin siya sa gawi ko.

"Pinakamaganda kong anak! Gising ka na-ouch!" Tili na naman niya ng matalsikan siya ng mantika, napailing nalang ako habang nakangiti at kinuha ko sakanya ang spatula at ako ang nagpatuloy. "Bati na tayo?" Bulong niya habang nakanguso.

"Matitiis ba kita?" Nagtatakha kong tanong habang sinasalin ang ulam sa plato, "yiee, I love you ikaw talaga pinakamaganda kong anak." Napasimangot ako.

"Ako nga lang anak mo mommy." Napangiwi siya at inaya na akong kumain.

"Mommy, ,yung sa cheerdance competition. Next week na, pupunta ka?" Agad siyang tumango, nagpunas muna siya ng tissue bago magsalita habang ako nagsasalita habang may laman ang bibig, may kasalanan kasi siya kaya di niya ko pinapagalitan ngayon.

"Pupunta ako baby promise, Anyway Arthur said that malapit na raw ang Social Night niyo." Nakangiting sambit niya.

"Mommy, matagal pa 'yon." Bulong ko.

"Nah, ang two weeks hindi na matagal! Saglitan nalang 'yan kaya samahan mo ko mamaya hahanap kita ng Gown" Agad nanglaki ang mata ko.

"Pero mommy!" Ako naman ang pinanlakihan niya ng mata kaya napanguso ako.

Pagkatapos maligo ay hinanda na ni mommy ang susuotin ko, isang high waisted white shorts at croptop ang napili niya. Sinuot ko nalang iyon at pinaresan ko ng sneaker. Pagkababa ko ay hindi pa tapos si mommy kaya nag bukas muna ako ng message at nakita kong tinadtad ako ni Janus kung bakit hindi daw ako pumasok ngayon at kung galit daw ba ako.

Sineen ko lang siya at nagbukas nalang ako ng Mobile legends, pagkaopen ko ay biglang may naginvite napabusangot ako ng si Janus na naman iyon. Wala ba siyang klase? Or naglalaro siya sa klase? Nireject ko ang invitation niya kaya nagulat ako nang may maginvite na naman pero this time, hindi ko na kilala.

Dahil kumakanta kanta pa si mommy sa cr ay ini accept ko na, Duo lang kami? Nag message siya habang di niya pa ini start ang game.

LexterRr_₩: open mic?

Napangiwi ako at binuksan ko ang mic ko, kinabit ko ang earphones ko at nagulat ako nang magsalita siya.

"Shit, start ko na ba? Grabe nagulat ako nung ini accept mo invi ko!" Ang gwapo ng boses niya at mukhang madaldal siya. Natawa na lamang ako.

"Shit! Ang cute ng tawa mo hahaha, start ko na ha?"

"Sige lang." Sambit ko. Natawa siya. "Ang sweet ng boses mo hahaha." Nahiya naman ako magsalita kaya tumahimik nalang ako. Napanguso ako nang magsimula na ang pickings, agad akong nag show ng mage. Nag show naman siya ng gusion, napangisi nalang ako at nagshow din ng selena.

"Ay mag seselena ka ba? Sige adjust nalang ako." Sabi niya, hmp. Pinakita ko lang naman winrate ko.

"Hindi, mage ako hahaha." Sambit ko, sinwitch agad si gusion. Nag show na ako ng kagura at sinwitch din ako.

"Wow, kagura user. Lodi" natawa na lamang ako. Naging smooth lang ang paglalaro ko, wala pa akong deaths at mayroon na akong 9 na kills. Tuwang tuwa naman si Lexter.

"Diba tiga Albania ka?" Tanong niya. "Yea, bakit?" Pano niya kaya nalaman.
"Ah wala, crush kasi kita matagal na tas matagal na din kita iniinvite lagi mong nirereject. " humingi nalang ako ng sorry, kapag kasi nag ml ako matic na kasama ko si Janus eh ayaw niya ng pabigat kaya di ako nagsasama ng iba.
Crackhead talaga 'yon.

"Sa Seal coast school ka diba? Lagi kita nakikita lalo na pag nagprapractice kayo ng cheerdance." Napatango tango ako, nagfocus ako sa game dahil may dalawa akong kalaban. "Ay, mali!" Sigaw ko,

"hala sorry di kita nakita, wait lang." At pinatay niya yung dalawa. Hmp. Kill steal, wala nang buhay yon eh! Pero syempre bawal ko siya trashtalkin.

"Anika, let's go na." Sambit ni mommy. "Halaaa, may pupuntahan na kami ng mommy ko. Afk na ako ha? Thankyou sa timeee."

"Wait lang!" Sambit niya. "Uhh.. if ano pwede ba kitang makasabay ng lunch bukas?" Napakurap kurap ako.

"S-sige." Sambit ko at hinome ko na ang ml ko. Sumakay na kami sa kotse at dumiretso sa mall, kung ano ano ang pinasukat ni mommy saakin hanggang sa wala siyang magustuhan at sinabing magpapatahi nalang daw kami.

Napagod lang kami sa wala, kaya nakatulog agad ako pag ka dating sa bahay.

_________

Life In Reverse(completed)Where stories live. Discover now